Shadow 16

218 10 1
                                    

Shadow 16

Anneliese’s POV

Nandito na kami sa Boundary ng Port Ruina, papasok na sana kami ng bigla kaming pigilan ni Serenity.

“Mama, Papa..” Serenity

“Bakit Seri?” tanong ni Luxus

“May kailangan po kayong malaman,” sabi ni Serenity at iginaya kami sa ilalim ng isang mayabong na puno.

“Ano ang iyong sasabihin, Serenity?” tanong ko

“Mama, Papa.. kailangan niyo na pong’ malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko.. at ni Infinity.” Serenity

Eeeh? Katotohanan nanaman? >O<

“Anong ibig mong sabihin, Seri?” Luxus

“Ako po si Serenity Shin, at galing po ako sa hinaharap.” Sagot ni Serenity

Serenity Shin? Teka nga..

“Isa kang Shin?” tanong ko

“Opo, ako po ay anak ni Sapphire ay Jiro Shin mula sa hinaharap,” Serenity

Utang na loob yan! Ang gulo na ng mga pangyayari @__@

“Kung totoo ang iyong sinasabi.. paano ka napunta dito sa panahon namin?” tanong ko

“Isa po akong Time Wizard, Mama” sagot ni Serenity

Huwaaw! Time Wizard?

“Anong ginagawa niyo sa panahon namin? Luxus

“May misyon po kami ni Infinity, at iyon po ay itama ang nagawa niyong pagkakamali.” Sagot ni Serenity

Nagawa naming’ pagkakamali? Ano naman iyon? Hala oh (-__-)

“Anong pagkakamali?” Luxus

“Nandito po kami ni Infnity para pigilan ang isang pangyayari, ang kamatayan mo.. Mama Anneliese.” Serenity

“H-hah? Kamatayan ko?”

“Opo, sa gitna po ng trahedyang nagaganap, hindi po sinasadyang magdalang-tao ka, at hindi po dapat iyon mangyari dahil iyon ang magiging dahilan ng iyong kamatayan, Mama.” Serenity

“Ako? Magdadalang tao? Atsaka bakit naman iyon magiging dahilan ng aking kamatayan?” tanong ko, kailan pa naging nakakamatay ang panganganak? Maliban na lang kung may  sakit ako oh marami ang sanggol sa sinapupunan ko! Hahaha ^___^v

“Ang inyong ina na si Aliese ay walang kakayahang magdalang-tao, hindi po ba? Ngunit dahil may dugo ka ng isang Antigon ay may nabago sa sumpa.. Oo nga po’t may kakayahan kang magdalang tao ngunit may masama iyong’ epekto.. iyon ay sa mga panahong nagdadalang tao ka.. magiging isa kang normal na tao.” Serenity

“Normal na tao? Ibig sabihin.. walang kapangyarihan?” Luxus

“Opo, at dahil po nasa gitna kayo nun’ ng isang misyon.. ang misyon kung saan kailangan niyong paslangin ang taksil ay iyon ang dahilan ng inyong kamatayan..” sabi ni Serenity

Ako? Mamamatay? Emergherd! >_<

“Kung mamamatay ako.. anong ginagawa niyo dito sa aming panahon?” tanong ko kay Serenity

“Nabuhay po ang inyong anak sa hinaharap at sinisisi niya po ang kanyang sarili sa pagkamatay mo; na di naglaon ay sinundan ng pagkamatay ni Papa Luxus kaya po umisip siya ng paraan para mabago ang hinaharap, dahil po sa iniisip niyang kung hindi siya ipinagbuntis ng mga panahong iyon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.. naisip niya pong bumalik dito… sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari.” Serenity

“Aming anak? Ibig sabihin…”

“Opo, Mama.. si Infinity po ay anak niyo ni Papa Luxus mula sa hinaharap.” Pagkasabi nun ni Serenity ay nagkatinginan kami ni Luxus

Si Infinity? Anak namin?

“Dahil po nandito kami, nabago po ang isang pangyayari, un po ay ang pagdadalang-tao niyo kay Infinity..  at ang huling misyon po namin ay ang pigilan ang inyong kamatayan,” Serenity

“Pero diba hindi ko na ipinagbuntis si Infinity? Paano pa ako mamamatay?” tanong ko

“May batas po ang oras at panahon, oo nga po’t hindi kayo namatay dahil sa pagbubuntis niyo kay Infinity ngunit kailangang matupad ang nakatadhana, mamamatay kayo ngunit sa ibang paraan.” Serenity

“Ibig sabihin.. mamamatay rin ako?”

“Opo pero hindi po namin un hahayaang mangyari kaya nga po ginawang pain ni Infinity ang sarili niya ngayon sa mga taksil ng Port Euina,” sagot ni Serenity

“Ginawang pain? Ano bang plano ni Infi—ng anak namin?” tanong ni Luxus

Anak namin.. ang sarap naman pakinggan..

“Nagpahuli po siya sa mga taksil at nagpanggap na ibang tao upang alamin ang mga plano nila at sirain iyon, naging mahirap po ang lahat para kay Infinity sa Hinaharap kaya po pursigido akong gawin ang lahat para maging matagumpay ang misyon na ito, Mama.. Papa..” Serenity

“Kung galing kayo sa hinaharap.. sino ang mga taksil?” tanong ko

“Ang nakatatandang kapatid niyo po na si Elizabeth at ang asawa niyang si Malfire.” Sagot ni Serenity

Si ate Elizabeth? Si Kuya Malfire? Pero imposible! Hindi iyon magagawa ni Ate Elizabeth! Hindi!

“Luxus.. hindi niya iyon magagawa hindi ba?” tanong ko kay Luxus pero tinignan niya lang ako.. isang malungkot na tingin.

“Pero bakit.. b-bakit ginawa iyon ni Ate Elizabeth?” tanong ko

“Dahil po sa inggit Mama, ayon sa kanya.. inagaw niyo po sa kanya ang lahat.. ang atensyon ng inyong Ama at ng inyong mga kapatid, ang pagiging popular.. at ang puso ng kanyang minamahal.” Serenity

Hindi ko maintindihan.. puso ng kanyang minamahal?

“Anong ibig mong sabihin Serenity?”

“Si Kuya Malfire po, matagal na siyang may pagtingin sa inyo, Mama. Ngunit dahil Knight siya ni Ate Elizabeth ay wala na siyang nagawa kundi pakasalan ito kahit labag sa kanyang loob—na ikinagalit ni Ate Elizabeth.. iniisip niyang lahat ay inagaw mo sa kanya dahil hanggang ngayon ay mahal ka pa rin ni Kuya Malfire.” Serenity

Eeeeeeh?! Ako? Mahal ni Kuya Malfire? Grabe lang hah! O__O

“Pero bakit siya kinampihan ni Ate Elizabeth? Kung dahil lang sa inggit, napakababaw na rason naman 'nun.” tanong ko

“Dahil naniniwala po si Tita Elizabeth na kung magtatagumpay si Malfire sa pagtatayo ng Black Kingdom ay mapapatay ka niya at mawawala ka na sa landas niya,” Serenity

B-bakit ate Elizabeth.. bakit?

Naramdaman kong hinawakan ni Luxus ang kanang kamay ko.

“Ano namang’ dahilan ni Malfire sa pagtataksil niya?” tanong ni Luxus

“Dahil po sa mga Head Magicians, ang ama po kasi ni Malfire na si Malfirro ay nagpakamatay dahil sa pagkabaliw ng hindi siya mapili bilang isa sa mga Head Magicians, alam naman po nating’ malakas ngunit ambisyoso si Malfirro kaya masyadong bilib siya sa kanyang sarili na mapipili siya bilang isa sa mga Head Magicians kaya po noong hindi siya mapili ay ikinasama iyon ng loob niya at naging dahilan ng kanyang Pagpapakamatay.” Serenity

“Kaya.. naghihiganti si Malfire?” Luxus

“Opo,”

“Anong gagawin natin?” tanong ko

“Hindi pa naman po tuluyang naitatayo ni Malfire at Elizabeth ang Black Kingdom kaya po may pag-asa pa tayo, atsaka po.. may tiwala po ako kay Infinity..” nakangiting sabi ni Serenity

Tama ka, may tiwala ako kay Infinity.. sa sarili kong anak.

“Tara na?” Luxus

Tumango naman kami ni Serenity at naglakad na papasok ng Porte Ruina.

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon