Shadow 17

219 10 1
                                    

Shadow 17

Anneliese’s POV

“Anneliese, Luxus, Serenity!” masayang sigaw ni Sapphire pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa kanilang palasyo

“Sapphire, kamusta na?” tanong ko naman sa kanya, nakita kong papalabas pa lang si Jiro galing sa kanilang kuwarto

“Ok naman! Kayo kamusta na? Nandito ba kayo para sa piraso ng hiyas?”tanong niya

Tumango naman ako, alam niya agad ang pakay ko hahaha! ^___^

“Hmm, ok ok! Ito na oh!” sabi ni Sapphire at agad na ibinigay sa akin ang kwintas niya

“Jiro! Bilisan mo nga!” sabi ni Sapphire sa asawa niyang mabagal na naglalakad papunta sa tabi niya

“Bibig mo, para ka nanamang’ megaphone Sapphire Ree” bored na sagot ni Jiro

“Psh! Ewan ko sayo, suplado mo! Oo nga pala Anneliese,  Luxus.. masaya ako dahil nakolekta niyo na ang lahat ng piraso ng hiyas!” masayang sabi ni Sapphire

Grabe talaga tong babaeng to, hindi nauubusan ng enerhiya eh (__)

“Salamat, Saph..” sabi ko at tumingin kay Serenity, nakita ko ang pananabik sa kanyang mga mata pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil hindi nila pwede malaman ang tungkol kay Serenity.

“Kamusta na, Serenity?” nagulat kami ng magsalita si Jiro

Ngumiti naman si Serenity ng sobrang lapad at masayang sumagot kay Jiro

“Ok naman po Pa—Kuya Jiro! Kayo po?” tanong ni Serenity

O____O

OMG! Ngumiti ba talaga si Jiro? Grabe! Ang guwapo!

“Nakakatuwa ka talagang bata, Serenity” nakangiting sabi ni Jiro.. ako naman ayun, nganga!

“Psh! Mas guwapo ako diyan!” bulong ni Luxus, napahagikhik naman ako

“Syempre naman mahal~” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi

“Ang sweet niyo naman! Hihihihihi~” kinikilig na sabi ni Sapphire

“Di naman, nga pala Saph.. paano ba namin bubuuin ang hiyas?” tanong ko

“Ah, kailangan niyo ng isang Time Wizard,” sagot niya

Napatingin ako kay Serenity.. pero hindi pwede.. hindi niya pwedeng gamitin ang kapangyarihan niya dito.

“May alam ka bang Time Wizard, Saph?” tanong ko, ngumiti ng pagkalapad-lapad si Sapphire

“Ako! Hahahaha!” Sapphire

“Ikaw?”

“OO, hindi man ako purong Time Wizard pero may nananalaytay na dugo parin sakin si Belmiore at Belciore no!” sabi niya

“Waaaah! Sapphire, ang galing mo naman! Buuin mo na dali!” sabi ko

“Pero kailangan ko ng tulong niyo,” sagot niya,

“Anong tulong?” Luxus

“Kailangan ko ng lakas niyo,” Sapphire

Nagkatinginan kami ni Luxus at tumango kay Sapphire

“Magaling! Edi umpisahan na natin!” Sapphire

**

Gumuhit ng isang bilog si Sapphire na parang may bituin sa gitna, bawat dulo nun’ ay may nakatayo… ako, si Luxus,  si Jiro, si Serenity at si Sapphire.

“Anong gagawin?” Luxus

“Ipikit niyo ang mga mata niyo at ipasa niyo sa akin ang lakas niyo, kapag naipasa niyo na.. ako ng bahala sa lahat.” Sabi ni Sapphire

“Sige, tara umpisahan na natin” Luxus

Pumikit na kaming lahat at nagfocus ako ng mabuti, naramdaman kong unti-unting lumalabas sa katawan ko ang kapangyarihan ko at nararamdaman kong papunta iyon sa direksyon ni Sapphire.

“By the Power of  Air, Bring me to the elemental’s Lair,” pagkasabi nun ni’ Saph ay naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa paligid

“By the Power of Water, give me all of your Power”

Pagkasabi naman nun’ ni Saph, naramdaman ko ang lahat ng enerhiyang nanggagaling sa mga halaman, hayop at kalangitan na pumupunta sa direksyon ni Saph

“By the power of Earth,  I gather all of the Elemental Spirits,

And by the power of Fire, give me what my heart desires…

FORGE!”

Pagkasabi nun’ ni Saph ay binuksan ko na ang mata ko at nakita ko ang mga piraso ng Hiyas na lumutang at unti-unting nagsasama-sama.. at maya-maya..

Nagliwanag ito at nakita kong nabuo na siya.

Noong mabuo na siya, nawala na ang diagram na iginuhit ni Jiro kanina at nakita kong nakangiting nakatingin si Sapphire sa Hiyas ng Shiang.

“Eto na! wahahah! I’m so galing talaga!” masayang sabi ni Sapphire pagkatapos ibigay sakin ang Hiyas ng Shiang

“Kaya mahal kita eh,” sabi ni Jiro sabay yakap kay Saph mula sa likod, humagikhik naman si Sapphire.

“Maraming salamat, Sapphire.. Jiro” nakangiti kong sabi

“No problem! Sige na, bumalik ka na, alam kong may misyon ka pa!” nakangiting sabi ni Sapphire

“Salamat ulit,” Luxus

“Ako ng bahala na i-transport kayo pauwi, sige na.. paalam!” may sinabi si Saph na kung ano at pagkurap ko ay nasa Port Euina na kami…

Sa bahay namin.

“Anneliese, Luxus!” sigaw ni Ate Avery, Primrose, Emily at… Ate Elizabeth.

“Anneliese, kamusta ka na!” Ate Primrose

“Maligayang pagbabalik!” Ate Emily

“Masaya akong nakabalik ka na, Anneliese” Ate Avery

“Namiss ko kayo!” masaya kong sabi, pero napahinto ako ng marinig ko si Ate Elizabeth na magsalita

“Kamusta ang iyong misyon, Aking kapatid?” sabi ni Ate Elizabeth

Kailangan kong maging normal, hindi ko dapat ipahalata na alam ko na ang lahat.. hindi pa ito ang tamang panahon.

“Ok naman ate! Ikaw?!” nakangiti kong sabi, ngumiti naman siya.. kung hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya ay iispin kong masaya siya sa pagbabalik ko pero dahil alam ko na ang sikreto niya… napansin ko na may kakaiba sa ngiti niya.

“Masaya akong nakabalik ka na Anneliese! Payakap nga!” Elizabeth

Agad ko naman siyang niyakap

‘Masaya ka ba Anneliese?’ sabi ni Ate Elizabeth gamit ang isip niya

‘Oo naman ate!’ sagot ko

‘Lubusin mo na.. kasi hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap’ sagot ni Ate Elizabeth, napahiwalay ako sa yakap niya at nakita ko siyang nakangiti sakin

“Ate?”

“Huwag mo ng isipin ang sinabi ko, tara na sa hapag at hintayin si Papa na makauwi,” sabi niya at nauna ng maglakad

“Tara na Anneliese!” Ate Primrose

“Tara naaaa!” Ate Emily at Ate Avery

“Sige.. tara na Luxus” sabi ko at hinawakan naman ni Luxus ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa hapag.

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon