Shadow 24: Meeting you, Again.

369 9 1
                                    

Shadow 24:  Meeting you, Again.

Parallel World, An alternative world for the Alternative you. Mundo o dimensiyon kung saan sabay-sabay na nangyayari ang isang bagay sa iisang timeline ngunit magkaibang universe.

Ilang daang taon man ang lumipas, sa ibang Parallel world man, sa ibang katauhan, sa ibang sitwasyon.. mananatiling may isa pang kopya mo.

Her POV

“Anne!” sigaw ng kaklase ko, kasalukuyan kasi ako ngayong nasa cafeteria at kumakain ng Lunch.

“Oh, bakit?” sabi ko sabay subo ng Macaroni Salad, yum yum! Favorite ko to eh! ^___^

“May transferee student daw satin at balita ko, Papable daw!” kinikilig na sabi ni Mayang, bestfriend ko.

“Basta guwapo talaga updated ka ah,” sabi ko at tinapon na ang styro na pinaglagyan ng Macaroni sa basurahan

“Syempre no! Atsaka chance mo na to Anne! Diba NBSB ka? Sa ganda mong yan sinasayang mo lahi mo eh!” Pang-aasar ni Mayang habang naglalakad kami sa Hallway

“Tss, dadating din tayo diyan. Ayaw ko lang talagang madaliin ang mga bagay-bagay,” sabi ko

Pero ang totoo, may problema ako eh. Ewan ko ba? Madami na akong nakilalang lalaki pero.. parang may mali, parang may hinahanap ako pero hindi ko alam kung sino at ano eh.

“Ewan ko sayo!” Mayang

“Chill bestfriend, haha” sabi ko pagkapasok namin sa classroom. Dumiretso agad ako sa upuan ko at umupo. Umupo naman si Mayang sa upuan na nasa harap ko.

“Excited na ako sa transferee wahahaha!” Mayang

“Baliw ka talaga,” sabi ko na lang.

Maya-maya, dumating na ang prof namin at nagsibalikan na sa mga upuan nila yung mga kaklase ko.

“Listen class, may magiging bagong classmate kayo, but right now.. nasa Dean’s office pa siya kaya baka ma-late siya ng konti.” Prof

“Babae ba sir?” Lorraine

“Nope, He’s a he.” Prof

“Yaaa! Guwapo kaya yun?” Mirandilla

“Baka naman ang chaka ng fes non!” Charmaine

“Chaka chaka your fes! Kapag guwapo yon huwag kang makikishare samin hah!” Apole

“Kdot” Charmaine

“Hahahaha!”

Sabi ng mga kaklase ko, ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila.

*DUG DUG DUG*

Eh? Bakit.. bakit bigla akong kinabahan? Pero kakaiba siya.. hindi siya yung kaba na uncomfortable ka,  yung kaba na parang… may magandang mangyayari? Aish, ewan (__)a

“Quiet class, Let’s start the discussion.” Prof

“Yes Sir!” classmates ko

“So class.. ang lesson natin ngayon ay about dun sa famous Myth,” sabi ni Prof

“Famous Myth.. Sir yan ba yung myth tungkol  sa isang babae at isang lalaking magician na nabuhay daw hundred of years ago?” Reycalyn

“Ah! Yung ang sabi nabuhay daw sila sa place na ang pangalan ay.. ano nga yun? Por.. Port..” Sandy

“Porte Euina!” Pauleen

“Yep, yun nga” Prof

“Grabe nung nabasa ko yung Myth na yon naiyak ako eh! Sa dami ng pinagdaanan ng lovestory nila, parang Romeo and Juliet ang ending! Bakit ganuuuun!” Sandy

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon