Shadow 21: A Glimpse of the Future

224 10 1
                                    

Special Chapter 21.1: A Glimpse of the Future

A/N: Read between the lines, fellows. This chapter will give you a hint about the epilogue :)

Serenity’s POV

“Serenity, anak? Gising na!”

Ugh.. sino ba tong magulo na to? Kitang natutulog pa yung tao eh!

“asdyagdfghs”

“Seri, anak! Bangon na, pupunta tayong Port Euina!” sigaw ni.. Mama?

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko,

Nandito ako sa kuwarto ko.. nakasuot ako ng pantulog… pero bakit ganun? parang may isang importanteng bagay akong nakalimutan? Parang may kakaiba?

“*Yawn* anong oras na ba Mama? Atsaka bakit tayo pupunta sa Port Euina?” tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko

“May kakausapin kami ng Papa mo doon eh, atsaka para na rin makapag family bonding tayo!” masayang sabi ni Mama, antok na antok akong tumayo at dumiretso sa aking paliguan.

“Bilisan mo Serenity hah!” sigaw ni Mama at narinig ko ang pagsara ng aking pintuan, napatingin ako sa  salamin.

Ilang oras ba akong natulog? Bakit parang feeling ko.. ang tagal? Atsaka.. ano ba tong nararamdaman ko? Pakiramdam ko.. may nakaligtaan akong bagay.. isang bagay na napakahalaga sakin.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at napahawak ako sa tapat ng puso ko—ang lakas ng tibok nito.

Ah ewan!

Naligo na ako at nagbihis, pagtapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal.

“Kumain ka na anak, maaga tayong aalis,” sabi ni Papa na kasalukuyang umiinom ng kape.

“Sino ba kasing kakausapin mo doon, Papa?” tanong ko habang umuupo.

“Usaping pang matanda iyon, Serenity. Sumunod ka na lang, okay?” sabi ni Papa, nagpout ako.

Sungit talaga nito! Pero love na love niya kami ni Mama, pero minsan.. napapaisip ako.. paano kaya sila nagkasundo ni Mama? Eh si Mama control freak eh! Madaldal, makulit, Isip bata samantalang si Papa tahimik, masungit at seryosong tao!

Oh well, love eh ^___^

“Oh, ito pa! Nagluto ako ng.. chenen!” sabi ni mama, naka-apron pa siya at may binaba siyang pagkain na hindi ko alam ang tawag pero mukhang masarap atsaka mabango siya!

“Ano po yan Mama?” tanong ko

“Shanghai yan anak, luto yan sa Midworld!” sabi ni Mama pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ni Papa.

Sa pagkakaalam ko kasi,  sa midworld daw lumaki si Mama at doon din daw niya nakilala si Papa.. na isang bampira and the rest is history.

Mga ilang minuto rin bago kami matapos kumain at sa ngayon ay papunta na kami sa Port Euina.

Hindi ko maiwasang mapatingin at mapangiti sa paligid. Mga mayayabong na puno, mga magagandang bulaklak.. mga insekto, at payapang kalangitan.. ewan ko ba pero kahit matagal ko ng nakikita ang ganito kapayapang tanawin ay hindi pa rin ako sanay, may iba talaga eh.. o paranoid lang ako?

Maya-maya, huminto na ang sinasakyan naming’ karwahe at huminto iyon sa tapat isang napakalaking gate..

“Maligayan pagdating sa Port Euina, Kamahalan..” magalang na sabi ng Guwardiya

“Salamat,” sabi ni Mama sa Guwardiya

“Hinihintay na po nila kayo sa loob..”sabi ni Guwardiya

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon