Prologue

1.6K 3 1
                                    

Ilang beses na nga ba akong sinaktan, tinurn down at pinaasa? Ilang beses na ba akong nagpakatanga sa mga taong hindi ko alam kung mahal ba ako talaga? Ilang lalaki na ba ang nakinabang sa akin-pisikal, intelektwal at materyal? Ilang beses na ba akong kumalimot sa nakaraan upang bigyan ng bagong buhay ang kasalukuyan (at tila nakalimutan kong dapat ko palang tandaan ang aral ng nakaraan)? Ilang beses na ba akong nagpaubaya para sa kanilang pansariling kaligayahan? Bakit ba ipinagpapatuloy ko pa ang magmahal kahit na alam kong one-way na lang ang nagaganap? Bakit sa kabila ng underappreciations, unrecognitions, eh nananatiling buhay at nag-aalab ang aking damdamin? Hanggang kailan kaya magiging ganito ang tadhana sa akin? At bakit ako? Wala na bang ibang option?

Isa lang akong hamak na hindi-lalaki hindi-babae, at sa ika-limang pagkakataon, nagbigay, nagsakripisyo, at siyempre nasaktan. Ito ba ang usong paraan ng pagpapakamatay ngayon? Eh, hindi ko pa naman gustong mamatay.

Akala ko mahal niya ako. Mahal ko lang pala siya. Give and give and give more ang aking drama. Bakit ba hindi ako natuto? Sana naman kasi may review center para sa mga walang sawang nagmamahal at nasasaktan, yung exclusive para sa aming mga tanga lang. Kahit lustayin ko ang pera ko dito, ayos lang. Basta ba 100% guaranteed na magbabago ako. Kaso wala pang henyong kagaya ni Einstein ang pinapanganak para mag-formulate ng sariling teorya tungkol sa kung paano dapat magmahal at hanggang saan lang dapat. Malas ko.

Walang kabutihang dala ang pangako. Matagal na tayong pinapaasa ng karamihan sa mga pulot ng salita. Halos lahat ng tao ito na lang ang ginagawa-mapa-pulitiko, artista, guro, singer, Kastila, Amerikano at nagmamahal. Punye, bihira ang natutupad. At sa bihirang iyon, ilan lang ang bukal sa kalooban. Sa ika-limang pagkakataon, kumapit ako sa pangako. Itinigil ko ang pag-ikot ng aking mundo, ipininid ang sarili sa sikat ng araw ng ligaya upang matupad ang propesiyang siya lang ang may gawa. At ako lang ang naniniwala.

Sabi ng kaibigan ko, ako lang ang makakalutas ng problema ko. Alam ko naman yun. Kailangan ko yatang mag-yoga. Kailangan kong mag-concentrate para malaman ko kung ano ang gagawin ko. Kailangan ko yatang mag-Wensha para mabuo ang isipan ko.

I made up my mind. Tapos na ang kalokohang ito. Simula na ng bagong ako. Dapat kong baliktarin ang mundo. Wala ng luha ang tutulo sa aking mga mata. Sila naman dapat ang umiyak.

Humanda sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100% Pag-ibig, Isang Medyo NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon