Note: This blog was first posted last November 12, 2015.
*****
Kung may kalyeserye ang eat bulaga. Meron ako nito! Welcome po sa BLOGSERYE!
Dito magsisimula ang kwento ko... Isa akong factory worker o mas kilala sa tawag na EPS worker dito sa Land of the Morning Calm. Sa totoo lang, naka-isang buwan palang ako dito, pero masasabi kong marami ng mga nangyari for the past days. Totoo pala ang sabi nila na di basta-basta madali ang magtrabaho sa abroad. First time kong magtrabaho malayo sa pamilya ko. Sobrang attached pa naman ako sa pamilya ko. Hindi ko na naranasang magtrabaho sa malayong lugar kahit nung sa Pilipinas pa ako. Kaya naman grabi ang pinagdaanan ko bago ako nakapag-adjust dito. Opo. Sa tulong ng Diyos, unti-unti nasasanay na rin ako. Thank you po Lord!
Syempre, hindi dito natatapos ang blog na ito. Ang reason ko talaga kaya ako nagsulat ng ganito ay dahil gusto kong makatulong sa ibang mga pinoy sa abroad, lalo yung mga nasa Korea na bagong dating din kagaya ko. Let's motivate each others! I hope pag nabasa nyo ito ay makakarelate kayo at mabawasan kahit konti ang hirap ng pinagdadaanan nyo. Alam ko ang pakiramdam na nasa stage of adapting or adjusting - iyong sitwasyon na nasa culture shock ka at nilalabanan si homesickness. Ang hirap non! Grabi. It takes sometimes talaga bago ka makapag-adjust sa new environment mo sa abroad based sa experience at na-e-experience ko ngayon.
Let me start to share mine, iyong mga weeks at days na chinallenge talaga ako ni God dito. I never thought na mapapasabak ako nang matindi sa work dito! Kahit inexpect ko na 3D (dirty, dangerous, difficult) nga ang magiging trabaho ko dito. Pero iba talaga e! Di lang ako sa trabaho nasubukan, over-all aspect of my life. Kwento ko muna, yung unang sabak ko sa work (1st and 2nd day), I can say na sobra pagod at hirap talaga. As in physical talaga ang puhunan dito, mauubos yung lakas mo dahil sa nature ng job dito. Wala pa naman akong work experience related sa manufacturing, kaya solid akong nachallenge. Hindi ko nga maiiwasan ikumpara ang work ko dati sa work ko dito. Sa Pinas, office ang settings at petiks lang sa work - pero dito factory ang settings, ang work... Ay Diyos ko! Haha. Sabi nga nila, wag nang mag-compare, nandito na ko e. High salary ang reason ko kaya ako nag-abroad. Kaya why regret? This is an opportunity from God. Just grab it! Okay? Ang gusto ko lang sabihin dito, dumaan din ako sa time na parang nagsisisi ako sa pagpunta ko dito. I asked myself several times... bakit pa kasi ako nagpunta-punta dito? Iyon nga, iniisip ko na lang ang mga reasons ko. Katulad ng sa'yo, for family and for better future din.
Tapos, isa pang problema na problema ng lahat - yung language barrier. Haha. Anak ng tokwa! Yung mga koreanong co-worker mo, mano-nose bleed ka na lang kapag kausap mo sila. Nga-nga ka na lang habang pinapakinggan sila. Yung utak mo, buffering... loading... parang internet connection lang na mabagal. Hahaha. Tina-try mong i-translate sa utak mo ang mga korean words na sinabi nila para maintindihan mo sila kahit papano, kaso wala talaga e. Yung pasi-sign language nila makakatulong naman, pero not all the times. Talagang merong instances na di ko talaga ma-gets ang ibig nilang sabihin - tapos ang resulta mag-aalburoto mga yan. Sisigawan ka nila. Nature daw ng mga Korean iyon, pero di naman sila galit. Weh? Di nga? haha.
Ang saklap no! Language barrier talaga ay ang isang hindrance sa work place dito sa abroad. Kung lahat sana marunong mag-english, e di solved ang problema mo. Kaso hindi e, iilan lang talaga ang marunong magsalita dito. Mabibilang mo yata sa mga darili mo sa kamay mo. Naalala ko tuloy ang sabi sa amin ni Sir Butch Isidro sa Korean Language Refresher Course (required na 1 week class before ka lumipad pa-Korea). Totoo naman ang sabi niya, "learning korean language does not end here, in fact it's just the beginning kapag nasa Korea na kayo. Hindi naman ang mga koreano ang mag-aadjust para sa'yo. Remember, you're not in an english-language-country..." Oo nga naman, ikaw ang nasa bansa nila, tapos magsasalita ka ng english sa kanila where in sa bansang pinuntahan mo di naman english ang primary language nila. Ang point niya is kailangan namin ipagpatuloy ang pag-aaral ng lenggwahe nila, na di ko na nagagawa dahil sa sobrang busy sa work dahil araw-araw ay may OT dito. Overtime pa more! Haha. Tapos shifting sched every week, morning and evening ang shift. Ngayon palang yata nag-sink in sa utak ko ang fixed schedule na yan. Haha. Ikaw ba naman magtrabaho ng 12 to 13 hours per day na may pinakahabang oras twice a week. Walang ganyan sa Pinas! Ayon nagcompare na naman si ako. lol
Isa pang pinagdaanan ko na masasabi kong nalampasan ko na so far palang ay ang homesickness. Wala naman sigurong taong exempted nito kapag first timer sa abroad. Lahat tinatamaan at wine-welcome nito. In fairness, hirap palang kalabanin si homesickness. Mapapalaban ka talaga. Kung hindi ko siguro nakayang i-handle ang problemang ito, umuwi ako sa Pinas nang wala sa oras, or worst case baka nabaliw ako. haha. Joke lang po. Seriously, anxiety at depression ang kakambal ng homesickness na yan. Naalala ko yung mga araw na kausap ang pamilya ko through skype, biglang bibigat ang pakiramdam ko in the middle of our conversation. Tapos, mare-realize mo na nagpipigil ka na ng mga luha mo. Yung normal na boses mo, mag-iiba na parang di ka na makapagsalita ng maayos. Ang gagawin ko, lalayo muna ako sa camera. I will compose myself. Take a deep breath. Inhaled. Exhaled. With matching smile pa para di mahalata nina mama. Baka sabihin niya napapano ako? Tapos ang ending - dramatic scene na ang peg. Iyakan na lang kami nun. lol. Syempre ayokong mangyari iyon, si mama pa naman mababaw ang mga luha. Hindi dahil embarrassing iyon sa part ko, kung hindi dahil ayokong mag-alala sila sa akin.
Thank God, maraming naging instrumento at tumulong sa akin para malampasan ko ang stage na ito. Marami akong mga kaibigan at kamag-anak na chinat sa facebook para makausap. Todo motivate sila sa akin at daming mga advice na talaga namang nakatulong. At syempre, pati si girlfriend na walang sawang i-cheer up ako every time I feel lonely dito. Napaka-supportive at understanding niya, kaya nga mahal na mahal ko siya. LDR man kami ngayon, we stayed stronger para mahintay ang 'tamang panahon'. Kaya nga lagi namin sinasabihan ang isa't-isa bukod sa everyday I love you, kasama na ang famous expression dito na 'fighting!'. At syempre, kasama ko lagi si God during my battle against homesickness. Hindi niya ako pinapabayaan at hindi ako bumitaw sa kanya - kaya natatalo ko si homesickness.
Ilan lamang iyan sa mga hinarap ko at hinaharap ko pa ring problema dito sa abroad. Iyong mga iba, minor problems na lang. Saka ko na lang ibabahagi sa inyo mga chingu (it means friend in korean). Kayo mga nakakarelate ngayon, alam kong pinagdaanan nyo rin ito. Ang iba dyan, alam ko ay kasalukuyang pinagdadaanan pa rin ang ganitong sitwasyon. Wag kang susuko chingu, kaya mo yan! Lagi ka lang mag-pray kay Lord. Tatagan mo ang loob mo. Una lang yan mahirap. Di ba nga sabi nila 'beginning is always the hardest part'. Pero unti-unti, masasanay ka rin. Magtiwala ka sa Kanya, hindi ka niya papabayaan. Malalampasan mo rin ang stage na yan.
"These troubles and sufferings of ours are, after all, quite small and won't last very long. Yet this short time of distress will result in God's richest blessings upon us forever and ever." (2 Cor. 4:17 TLB)
Darating ang time na magbubunga rin ang lahat ng hirap at sakripisyo nating ito, kaya tiis-tiis muna mga chingu. Tiyaga-tiyaga muna. Magiging okay din ang lahat. Keep your spirits up! Fighting! Hehe.
•••••
Thank you for reading! Please follow me, click vote, share and write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
RandomMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...