Note: Posted on March 28, 2016
*****
Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat ng blog ko dito. More than a month na rin. Grabe. Simula nang maging busy ako sa work after ng Seollal New Year (Korean New Year) at nailagay ako sa graveyard shift ng 5 consecutive weeks dahil lumakas ang order sa isang produkto ng company, hindi na ko nakapag-update sa blogserye. Kaya ngayon may pagkakataon na ulit, grab the opportunity. I’m happy to be back. Haha. Ang topic na matagal ko ng gusto kong i-share sa inyo mga chingu ay ang experience ko tungkol sa Filipino Community sa abroad particularly yung mga perks when you are part of such community. Sound interesting, right? Hehe. Pag sinabing perk kasi based sa dictionary, it means benefit or privilege. So ano nga ba ang mapapala natin kapag sumali tayo sa isang grupo o community sa abroad?
Kung natatandaan nyo sa mga previous blog ko, nababanggit ko na ang Filipino Community. Isa sa mga advice na sinabi sa akin ng tita kong OFW din sa Middle East — ang mag-join sa isang Filipino Community para daw hindi ma-homesick,which is true. Simula nang makasama ako sa community na ito sa lugar na malapit sa aking workplace, naging makabuluhan ang mga ginagawa ko dito. Hindi naman kasi puro trabaho na lang, hindi ba? Sabi ko nga dapat magkaroon din tayo ng life outside the factory. Kahit sabihin na nating Sunday lang ang day off natin at kailangan natin ng pahinga o mag-stay na lang sa tinutuluyan bahay. For me, wala dapat excuses – lalo na kung ang Filipino Community na kabilang ka ay may kinalaman sa religion mo. Since I am a Christian or Catholic, isa talaga sa primary concerns ko dito ay magawa ko pa din ang obligation kong makapagsimba tuwing Linggo na nakasanayan ko na nung nasa Pilipinas pa ko. In that way kasi mas nae-express ko pa ang pananampalataya ko sa Diyos at continuous pa din ang pagse-serve ko sa Kanya dahil sa mga biyayang pinagkaloob niya sa akin at sa pamilya ko. Thankful naman ako at maswerte na napadpad ako sa church namin dito. Tapos, bonus pa na napasali ako sa choir group at nagkaroon ako ng mga bagong circle of friends ko dito at ngayon kino-consider ko ng family ko dito sa Korea. Iba pa din talaga kapag pinoy, may malasakit sa kapwa at mararamdaman mo ang sense of belonging kapag kasama mo sila. In fairness, parang nasa Pinas pa din ako dahil sa dami ng mga pinoy dito na nakakasalamuha ko. By the way, hindi lang naman by religion ang Filipino Community. Meron din by ethnicity like for example grupo ng mga kapampangan, ilonggo, bisaya and the like.
Isa din sa perk na kapag kabilang ka sa isang Filipino Community, marami kang mame-meet na kapwa mo OFW at makikilala. Minsan nga kahit nasa kabila siyang community o part ng ibang community, may chance na magiging magkakilala kayo dahil sa pamamagitan ng mga common friends nyo. Isa sa mga nakilala ko dito ay si mommy Sally na isang pinay at resident na dito sa Korea at may asawang koreano. Tinuring na namin siyang mommy namin sa Korea since isa na rin siyang nanay at may mga anak na din. Hindi ko maikakaila na naalala ko sa kanya ang nanay ko sa Pinas dahil sa parehong qualities na meron sila. Mabait siya sa amin, maalalahanin na tulad ng isang ina at higit sa lahat masarap siyang magluto. Oh ah! Dahil sa kanya, nakakain kami ng mga Filipino foods at cuisines. Hehe. Naalala ko nga nung nag-celebrate kami ng new year January 1, at ininvite niya kami sa house nila. That was the first time na magpunta kami sa kanila ng kasama kong si Jeff habang ang iba naman naming kasama na sina Reymark at Janroy ay nakapunta na sa kanila. Kasama din namin ang pamilya ni Inang Ruby na siya naman ang tumatayong choir leader naming lahat. Maiba lang ako, kay Inang Ruby naman tayo dumako. Hehe. Bukod sa siya ang nagtuturo sa amin ng tamang pagkanta, etc., siya din ang inang namin pagdating sa labas ng simbahan. Oh di ba dalawa na ang nanay namin dito sa Korea? Ang nagustuhan ko naman na qualities na taglay niya ay ang pagiging cheerful niya, young at heart, hindi KJ, caring at higit sa lahat sa pagiging God-fearing niya. Napansin ko every time na the way na mag-lead siya ng prayer sa amin, tagos sa puso talaga ang mga pinagdarasal niya at mararamdaman mo ang presensya ni Lord. Isa pa, I really see na nagdo-dominate ang pagiging totoo niyang tao na plus factor sa personality niya. Alam kong maikling panahon palang kami nagkakilala, pero naramdaman kong hindi lang isang choir member o kaibigan ang turing niya sa amin – kung hindi isang pamilya. Imagine, nakasama namin siya at kanyang anak sa lakad na kami-kami lang ang nag-set nung nagpunta kami ng Busan Tower at Trick-Eye Museum. Doon kami lalo naging-close kay Inang Ruby. Magmula nun, ang mga taong ito na ang mga kasama ko sa tuwing may pagtitipon o salu-salo ang grupo o ang community. Ang pinakapunto ko po kaya ko sila nabanggit sa topic na ito dahil simula nang makilala ko sila dito sa abroad, naging magaan ang mga paghihirap ko bilang isang OFW. Hindi naman sa kampante o whatsoever, para sa akin ay mga tao akong matatakbuan o makakausap ng personal na pwede mong maishare ng problema when you’re down, na hindi mo masabi sa pamilya mo o mahal mo sa buhay. Same as kahit hindi mo sabihin sa kanila ang pinagdaraanan mo na — I feel you. Haha. Iba pa din kasi kapag personally mong nakausap ang taong sasabihan mo ng problema. So nagpapasalamat talaga ako na kung hindi ako naging part sa church community namin dito, hindi ko sila makikilala at hindi magiging masaya ang pagiging OFW ko dito. Hehe.
Another perk na kapag kasali ka sa isang Filipino Community, nag-i-improve ang social aspect mo o yung pakikisalamuha mo sa ibang tao. Sabi nga nila, no man is an island. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Oh napakanta pa ko. Lol. Kaya mga chingu, learn to interact or socialize to other people not only to make friends with but also to gain self-esteem or confidence. Sa church namin, may mga lessons o activities na ino-offer nila for free na pwede mong salihan katulad ng korean language class, driving, cooking, dancing, guitar, keyboard and voice lessons and many more. Hindi ba ang astig at cool? Haha. Hindi ka lang nagse-serve kay God, may ibang skills or talent ka din na matutunan. Actually, marami pang mga naka-line up na calendar activities ang commnuity para sa aming mga miyembro. Mayroon pa nga Migrant of the Month. Syempre, hindi yan magiging imposible kung hindi dahil sa founder namin na si Father Matthew Kim at ang mga appointed leaders namin. Naalala ko nga ang sabi ni father, community came from the latin word ‘communitas‘ which means to work together or as one. This only means na dapat bilang member ng isang Filipino community, kailangan maging aktibo at may commitment din tayo syempre sa pagtulong para ma-meet ang common goal natin and that is to serve God at the same time our fellow people.
“It takes both God’s power and our effort to produce a loving Christian community.” (Rick Warren)
Bilang closing remark ng paksa sa blog na ito, I want to share naman ang sinabi ng band leader namin sa choir na si kuya Val nung isang araw na nagpa-practice kami. Ang sabi niya sa amin, i-assess namin ang mga sarili namin kung enough na ba para sa amin ang ginagawa naming pagse-serve sa simbahan at kay Lord. Tumatak sa akin ang mga linya: Dapat ang oras na binibigay natin sa Kanya ay hindi left over time, kung hindi quality time pa din. Iyang mga blessings na natanggap natin at mga nangyaring magaganda sa buhay natin ngayon, enough ba ang mga oras na binibigay natin para Kanya. Iyon po ang kahulugan ng mga sinabi niya sa amin na talaga namang sinasang-ayonan ko, mga chingu. Alam kong marami pa akong pagdadaanan at mahaba-mahaba pa ang journey ko para matupad ko ang misyon ko dito, kaya kinakailangan kong kumapit sa Poong May-Kapal natin. Marapat lang na bigyan po nating Siya ng tamang oras for bringing back His glory, at isang way na rin ang pagsali sa mga Filipino Community para mag-serve sa kapwa-tao natin.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
CasualeMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...