Note: This was first posted last December 11, 2015
*****
Pagkatapos namin sa 3 days training na required bago kami i-deploy o isabak sa trabaho dito sa Korea, sinundo ako ng magiging employer ko at agad niya akong tinour sa loob ng factory na magiging bagong workplace ko. At first, I’m glad that I made it and I had passed the re-medical examination dun sa training camp. Pero nang makita ang real scenario sa loob ng factory, tila ba unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sandali akong kinabahan sa mga malalaking makinang ginagamit nila dito. Naalala ko yung sinabi nila sa training, na medyo delikado ang mga makinang ginagamit sa trabaho dito sa Korea. Syempre, wala pa akong kaalam-alam nun sa mga ginagawa nila at di ako sigurado kung mga press machine nga mga iyon. The following days after the weekend, sumabak na ko sa trabaho ko. Iyon nga, I never thought na grabe pala ang mga sumunod na mangyayari sa akin dito. Haha. Kung natatandaan nyo, naikwento ko na sa inyo sa mga nakaraang blog post ko about sa nature ng trabaho ko dito. I admit that I really hate my job simula palang po. Hehe.
Hindi ko nagustuhan ang naging trabaho ko dito hindi lang dahil sa 3D at sobrang pagod ang ginagawa kung hindi dahil wala akong enjoyment na nararamdaman. Oo, tama ang basa nyo! Hehe. Alam nyo yung feeling na hindi ka nag-e-enjoy sa ginagawa mo at you just forcing yourself to go to work? Ako ganon ang na-experience ko nung wala akong isang buwan dito. Kapag gigising ako sa umaga, tinatamad akong bumangon at pumasok sa trabaho. As in napipilitan lang akong pumasok nun. Feeling ko tuloy para akong robot sa ginagawa ko. Iyung bang naka-programmed lang ang katawan mo sa gagawin mo pero labag sa kagustuhan mong gawin ito. Doing something that is needed but you’re acting against your own will. Saklap! Hindi ba parang miserable ka din kapag ganon? Haha. Penitensya na nga sa work, hindi ka pa nakakaramdam ng katiting na saya. Lol.
Mabuti na lang, may mga naisip akong mga paraan para ma-enjoy ko pa rin ang trabaho ko dito kahit paano. Iyong ang mga ishi-share ko ngayon sa blog na ito, mga chingu. Hehe. Paano nga ba mag-e-enjoy sa trabahong ayaw mo? Una sa tip ko, isipin mo lang na hindi permanente ang ginagawa mo ngayon. Kaya nga may kontrata ka, hindi ba? Haha. Pansamantala ka lang dito sa Korea, don’t worry. Pero seriously speaking, think that way nga. Magtiis muna sa trabahong hate mo, hindi naman 24 hours a day ang work natin everyday. Kahit mahaba pa ang oras ng duty natin kada araw dahil sa OT, matatapos ito at uuwi at uuwi ka sa bahay na tinutuluyan mo. Katulad ng ginagawa ko, at the end the day back to normal ulit ang buhay after ng trabaho ko. Kakain ako ng marami at babawiin ko ang pagod ko sa work. Relax relax din pag may time. Hahaha.
Ang next sa tip ko ay kailangan lagi stay positive sa work. Wag po tayong papastress sa mga bagay na walang kwenta. Like for example, kung may kapalpakan kang nagagawa dahil nga bago ka sa work kaya di maiiwasan iyon, ang gawin mo tawanan mo na lang. Smile! Kung nasesermonan ka ng mga koreano, don’t mind them. Hindi mo na gets sinasabi nila! Haha. Joke lang po. Syempre, kapag ganon tinuturuan ka for your own good. Pero minsan, iba yung way nila ng pagtuturo nila — may attitude at medyo harsh. Haha. Ang gawin mo, ipasok mo na lang sa isang tenga ang mga sinabi sayo at ilabas sa kabila. Wag kalimutan i-filter ang mga dapat i-filter na words of wisdom. Hehe. By the way, iyan ang turo sa amin ni Sir Bhul na head manager sa McDo na pinagtrabauhan ko noon. Hehe. Basta always be optimistic o positive po sa work. Mind over matter din po. Wag ng pag-aksayahan ng oras ang mga bagay na hindi naman dapat pinag-aaksahan ng oras. Hehe.
Ang pangatlo sa tip ko ay kailangan i-maintain mo ang sense of humor mo while working. Wag masyadong seryoso, mga chingu. Lighten up para yung mood sa trabahong hate mo, gumagaan pa rin kahit papaano. Hehe. Ako, yung ginagawa ko nag-i-imagine na lang ako na parang nasa McDonald’s store pa rin ako. Para kasing magkapareho lang ang nature of job e. May designated timer din ang mga product na niluluto namin sa mga moldehan o press machine. Magkaiba nga lang sa product, yung sa McDo mga burgers, spaghetti at chicken samantalang dito ay mga plastic building materials. Hehe. Oh bigla yata kayong nagutom? Lol. Ganong attitude ang inaapply ko sa work, nilalaro ko na lang na parang bata para ma-enjoy ko. At least di boring sa mahabang oras ng trabaho, nagiging creative pa ko. Haha. Parang related din tong tip number 3 sa tip number 2 na stay positive e. Ikaw na humusga, chingu. Lol.
Last sa tip ko ay have time for yourself. Wag puro work na lang ng work ang iniisip. Sige ka, magiging workaholic ka nyan. Sabi nga nila, have a balance life style pa rin. Kapag day off, sulitin ang araw. Gumawa ka ng bagay na ma-e-enjoy mo ang araw ng walang trabaho. Katulad ng bumawi sa tulog. O kaya naman, gumala kasama ang mga friends. Reward yourself sa isang linggong trabahong nakakapagod. Hehe. Kami dito, dahil nga napabilang kami sa Choir Group e dumami ang mga bagong kakilala ko. Kaya ayon, after mass at practice, minsan pasyal-pasyal o mamalengke kami. Oh di ba, nakalimutan mo muna yung hate na work mo? Enjoy muna and have a life outside the factory. Haha.
“Don’t let the world around you squeeze you into its own mold, but let God remake you so that your whole attitude mind is changed.” (Rom. 12:6 TLB)
Sana makatulong sa inyo mga chingu ang mga tips ko kung paano mag-eenjoy sa trabahong hate mo. Hehe. Siguro, isa pang reason kaya hate ko ang trabaho dito ay dahil naninibago lang ako at nagsisimula palang — o hindi kaya naman dahil nainip lang ako sa pay day. Haha. What an excuse no?! Hehe. Ang totoo biglang nag-iba ang attitude ko sa work nang matikman ko na ang first sahod ko. To make an exact description, ginanahan talaga ako nang husto. Hahaha. Next topic na yan mga chingu! Malalaman nyo ang buong kwento. Sa ngayon, i-endure muna natin ang hirap sa trabaho ayaw natin. Sooner or later, iyang hate na hate mong trabaho — magugustuhan mo rin. Malalaman mo ang dahilan ni God kung bakit ka Niya nilagay sa sitwasyon na ganyan. Hehe. Kaya kung ako sayo, find ways how to enjoy your job that you don’t like para magstay ka dyan ng matagal at matapos mo ang kontrata. Besides, hindi magtatagal masasanay ka din sa trabahong iyan in God’grace. Wag ng magpaka-choosy po. Hahaha.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
RandomMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...