Note: Posted on August 6, 2016
*****
Natapos na naman ang buwan ng Hulyo ngayong taon. Hindi ko man lang naramdaman. August na pala. Ano bang mga naganap last month? Did I missed something significant? Meron bang dapat ipagdiwang? Haha. Joke lang po! Yup, meron nga. It’s my birthday. Masaya ako sa panibagong taon sa buhay ko na binigay ni Lord. Kita mo nga naman, tumanda na naman ako ng isang taon. Birthday birthday din pag may time. Haha.
Masasabi kong hindi karaniwan ang kaarawan ko ngayong taon. Usually kase hindi ko naman masyadong pinagtutuonan ng pansin kapag malapit na ang araw ng kapanganakan ko. Hindi ako yung tipo ng tao na paghahandaan ko ito bago pa man ito dumating. Hindi ito big deal sa akin. In short, hindi ako nagse-celebrate or whatsover. Parang ordinaryong araw na ito para sa akin. Pero sabi ko nga mga chingu, iba ang naging birthday ko nitong nakaraang buwan. Paano ko nga ba nasabi na iba ito? Unang-una po, ito ang kaarawan ko na wala ako sa Pilipinas. Wala ang mga mahal ko sa buhay sa palagid ko. Dati, kapag birthday ko unang babati sa paggising ko ang pamilya ko. Nakakamiss din iyon sa totoo lang. Hehe. Pati mga kapitbahay namin ay babatiin din ako kapag nakasalubong ko sila sa labas. Oh hindi ba? Naalala rin nila. How thoughtful neighbors they are? Haha. Sa bagay, compound kami sa lugar namin which makes the whole place happier than usual. Ngayon, dito sa abroad walang ganon. Walang babati sa’yo ng maligayang kaarawan in person kung hindi pa nila malalaman. Haha. Hindi naman kase ako yung tipo ng tao na mahilig magsasabi ng “Uy, alam nyo ba? Birthday ko ngayon!” Haha. Naiilang din kase ako kapag babatiin ako ng ibang tao. Hindi ako sanay. Haha.The day when my birthday arrives, I told myself that it will going to be a great day. Kahit na may work ako nang araw na iyon at panggabi pa naman ang duty. Kailangan good vibes pa din. Hehe. Oo, it seems like a normal day lang, pero naramdaman kong special pa rin ito nang bumuhos ang notifications ko sa facebook ng mga pagbati mula sa pamilya ko, sa mga kamag-anak, mga kaibigan ko at syempre sa girlfriend ko. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang simple effort nila. Masasabi ko talagang effort counts and appreciated. I feel so blessed. Really. Kaya naman bago pa man dumating ang araw ng kaarawan ko, naghanda ako ng konting supresa para sa pamilya ko at mga kamag-anak ko doon sa lugar namin. Sabi ko kase sa sarili ko, sa dami ng magandang nangyari sa buhay ko simula last quarter of year 2015 until now — marapat lang na ibahagi ko ang sobra-sobrang blessings na natatanggap ko mula sa Panginoong Diyos. Tutal, once in a blue moon lang ako maghanda kapag birthday ko, kaya tama lang na mag-celebrate ng konti ngayong 2016. Naalala ko sabi ni girlfie nung time na nagpaplano palang ako, sabi niya: “Ang galing naman, ikaw pa ang magsu-surpresa sa kanila sa mismong birthday mo.” Ayon na nga, nagpahanda ako kina mama ng konting salu-salo para sa kanila. Naks! Level-up na ako, may panghanda na sa birthday. Lol. Nagluto sila ng ilang kilo ng pansit, at ilang putahe ng ulam. Balita ko, may inuman din na nangyari with supervised by my tatay. Haha. Narinig ko din kay mama nang magkwento siya ng ilang detalye about sa birthday na may mga cakes daw. Not one, but four. Huwow! Ang dami naman. This is rare. Haha. Sabi niya, binili nila yung isa, galing daw sa lola ko yung isa, sa girlfriend ng kapatid yung isa, at yung last naman dala ng girlfriend ko. Grabe sila no? Nag-abala pa sila. But anyways, thanks to them. Hehe. First time na mangyari sa birthday ko ang ganitong set-up. Ang saya-saya naman! Haha. Maraming highlights na nangyari. Sayang nga, wala ang birthday celebrant doon. Gayun pa man, na-miss ko man ang happenings doon, malayo man ako sa kanila — naramdaman ko naman kung gaano ko sila napasaya.
Hindi pa doon natatapos ang birthday ko, mga chingu. May post-birthday treats pa ko sa mga kasamahan ko dito sa abroad. Unang-una, ang choir group ko at mga ka-churchmate ko. Dahil isang tradisyon ng maituturing sa choir family ko na maghanda kada may kaarawan sa amin, ayon na nga nangyari na ang nangyari. Haha. To the rescue talaga si mommy Sally, isa sa mga nanay namin dito sa Korea na kung hindi ako nagkakamali ay naipakilala ko na sa inyo mga chingu sa mga nakaraang kabanata. Siya ang nagluto ng pansit palabok na ni-request ko sa kanya. Oh di ba pinoy cuisine? Para maiba naman. Nakakamiss din kaya kumain ng mga pagkain natin. Haha. Kaya salamat sa kanya at nakatikim ng masarap na palabok ang mg madlang OFW. Lol. Bukod doon, mayroon ding spaghetti, fried chicken, tinapay, softdrinks, crema de fruta na gawa namin ni Jeff at syempre may cake din na galing sa grupo. Hindi ko expect na marami ang makikikain. Akala ko nga, kami-kami lang. Sa bagay, ang venue ay sa Migrant Center na tambayan namin after ng misa. Everyone is welcome to drop by sa lugar na iyon lalo na ang mga OFW na may concern about sa passport nila, etc. Muntik na nga maubusan eh. Mabuti na lang nagkasya kahit papaano. Isa din sa dito talaga ine-expect ay ang makatanggap ng regalo. Napaka-thoughtful naman nina Ate Ging (na isa din sa mga nanay namin dito) at Madam Maria (na isang staff mula sa Foreign Support Group para sa mga Pinoy EPS Workers na kagaya namin). Nakatanggap ako ng parehong T-shirt, pero don’t worry hindi naman pareho ang designs. Haha. Siya nga pala, nakatanggap din ako ng present mula naman sa girlfriend ko. Although, hindi nakarating ang package on time which is expected naman— nakataon naman sa araw ng monthsary namin. Hihihi. Nakatanggap naman ako ng isang polo-shirt, pasalubong na pagkain kagaya ng cashew, isang inspirational book at pocket prayer note na may kasamang religious item na necklace. May nakita din akong nakasilid na sulat sa loob ng box. Surprise pa more. It’s a birthday greeting letter! How sweet and cheesy she was. Hindi nyo naitatanong, ganyan kami. Yung galawang traditional moves. Hindi ng hokage. Lol.
Back to the topic, nagkaroon din kami ng simpleng post birthday celebration dito sa gisuksa o dorm namin na kami-kaming mga magkakasamang pinoy. Napakadalang namin mag-get together nang ganito, siguro sa kadahilang may kanya-kanyang lakad every Sunday at iba-iba ang trip namin sa buhay. Haha. Mabuti na lang nakapag-set kami ni kuya Glenn na ka-birthday ko pa pala. Akalain mo iyon! Haha. Ayon, ginawa namin ang food trip na may konting inuman sa first day ng Summer Vacation namin na apat na araw. Yung halos avail ang lahat para makapagbonding naman at hindi puro trabaho na lang. May videoke pa kami sa laptop kahit wala kaming gamit na mikropono. Haha. Game na game naman ang lahat.
Alam nyo iyon, mga chingu? Yung tipong buong July yata ay birthday ko dahil sa dami kong ginawang celebration ngayong taon. Haha. Kung kailan young adult na ko saka ko pa naisipang maghanda sa birthday ko ng mga ganyan. Young adult talaga no? Hindi na kase ako young, hindi pa naman din adult. Nasa in between palang po. Hindi ko na babanggitin ang edad ko. Sabi nga nila, age is just a number at ito lang ang nadadagdagan. Pero ang itsura ko ay mukha pa rin naman bata na parang teenager. Whaha.
“In all things I have shown you that by working hard in this way we must help the weak and remember the words of the Lord Jesus, how he himself said, ‘it is more blessed to give than to receive.’” Acts 20:35 (ESV)
Bago magtapos ang blog na ito. Gusto kong tanungin sarili ko. Ano pa ba ang mahihiling ko sa naging kaarawan ko? Sa dami ng blessings na ipinagkaloob ni God sa akin, hindi lang materyal na mga bagay ang tinutukoy ko — maging ang mga positibong nangyayari sa akin sa pananatili ko sa abroad so far. Siguro, sa ngayon kuntento na po ko. Basta tuloy pa rin ang pakikipagsapalaran ko dito para matupad ko ang misyon ko.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
RandomMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...