Note: Posted on July 28, 2016
*****
It’s been more than two months now simula nang hindi ako nakapag-update dito sa blogserye. Bagamat pansamantala akong hindi nakapagsulat, sa kadahilanan na sobrang busy sa work o di kaya naman hindi ko na na-manage ng maayos ang time ko. Anyways po mga chingu, I assured you that I’m definitely back. At meron na akong maibabahaging panibagong karanansan ko sa pakikipagsapalaran ko bilang isang OFW dito sa Korea. Kung natatandaan nyo sa previous blog post ko, month of April iyon. Holy Week. Namuntikan na naman akong mapasuko ng mga pagsubok na hinarap ko. Aminado naman akong pinanghinaan ako ng loob that time. Isama pa dyan ang pagbisita sa akin ni ‘Sepanx’ o separation anxiety. Take note, hindi na si homesickness. Kaya iba na ang term ko, kase mild na lang. Haha. I guess napahaba na naman ang introduction ko. Let’s do a little fastforward towards the topic today, which is — mga natutunan ko so far sa struggle bilang isang EPS Worker.
As of this writing, I’m happy to say I was already in my 9th month here, actually it’s almost going to 10 now. Masasabi kong medyo na-surpass ko na ang dating sitwasyon ko na kung saan nahihirapan ako mag-adjust sa bagong mundong ginagalawan ko. Totally, nag-sink in na sa utak ko at inaccept na ng buong puso ko ngayon ang mga pagbabagong naganap sa buhay ko for the past months. Let’s say, hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko ngayon. May peace of mind na rin. Lol. May nakikita na kong liwanag at pag-asa. Haha. Bumubuti na ang kalagayan ko dito. (Parang may sakit lang lol). What I mean is, gradually — everything was falling into place. And that’s because God is with me all through out my journey here. Ramdam ko lagi ang presence Niya since day one.
Ngayon, dumako na tayo sa paksa. Ang isa sa mga sinasabi kong natutunan ko na gusto kong ibahagi sa inyo ay ang pagiging manhid ko sa paligid ko. Malamang nagtataka kayo kung ano naman kinalaman ng pagiging manhid ko dito sa trabaho ko. Besides, it seems denotes something negative, hindi ba? Kase pwede ding nangangahulugan na pagiging insensitive ko sa palagid ko. In short, parang sinabi ko na rin na wala akong pakelam sa iba at sarili ko lang ang iniisip ko. Tsk! Pero chingu, hindi po iyon ang ibig kong sabihin dito. Hehe. Ang sinasabi ko po na pagiging manhid ay iyong pipigilan mo muna ang tunay na nararamdaman mo pansamantala, lalo na pagdating sa trabaho namin dito sa loob ng factory. Totoo pala ang sinasabi nilang — huwag magpapadala sa emosyon. Beforehand, nung bagong salta palang ako dito, pinayuhan na ko ng mga nadatnan kong pinoy dito. Kung ano man daw ang mga hindi magandang maririnig ko sa mga katrabaho kong korekong, better na huwag magdamdam. Ipasok sa isang tenga at ilabas sa kabila. Actually, nasabi ko rin yan sa ibang previous blog post ko at kung hindi ako nagkakamali may dinagdag pa ako na i-filter o iwanan ang lesson na natutunan from that not so good experience. Iyon na nga ang ginagawa ko simula nun, pero I admit na may pagkakataon pa rin na natatamaan ang ego ko sa mga maltreatment nila sa amin. (Maltreatment talaga? Haha. Ano kami? Inaabuso? Lol.) Oo, naaabuso kami pero hindi physically, kung hindi psychologically including emotionally too. Katulad na lang ng naikwento ko nung last time, yung pinakitunguan ako nang hindi maganda ng team head namin during na nagpapalit kami ng molde at naramdaman ko talagang parang tool o kagamitan lang ako sa paningin niya na walang damdamin. (Ang drama ko! Haha).
Ngayon ko lang na-realize na hindi pala healthy na magpadala nga sa emosyon nang dahil lang doon. In fairness, lalo lang akong nastress. Haha. Pero dahil tapos na ang episode na iyon, naka-get over na ko. Syempre, may natutunan ako sa nangyaring iyon, at iyon nga wag mag-invest ng grievances o negative vibes towards your emotion. Kailangan maging manhid na lang kapag ganon. Hindi ko naman sinasabi na maging matigas ako na parang bato ang puso or whatsoever. Basta wag na lang pansinin. Wag na lang gawing big deal. Let it go. Kapag pinapagalitan o sinasabihan ka sa work ng senior sa’yo, it doesn’t mean na ina-underestimate ka niya. Normal lang iyon lalo na kung nagkamali ka. it’s for your own good naman, hindi ba? Isa pa, we need to listen well to the person who teaching you a lesson. Wag tayong umasta na parang alam na natin ang lahat. Remember, kailangan pa rin natin ng guidance nila kase sila iyong may experience at mas nakakaalam pagdating sa mga duties and responsibilities, at syempre ginagawa nila iyon — para lalo tayong maging effective sa trabaho.
Isa pa dyan sa natutunan ko na related sa bagay na iyan ay iyong kung paano mo ite-treat ang sinabi ng ibang tao sa’yo kapag kinausap o kinompronta ka niya. Ikaw ang magbibigay ng meaning or perspective ng ginawa nila sa’yo. Is he or she insulting you? Or is he or she coaching you? Is he or she trully caring for you? Your life takes on whatever meaning you give it. (Iyan yung sabi sa isang inspirational video na napanood ko sa youtube. Hehe.) Kaya naman kapag pinapagalitan o sinasabihan ako na may kinalaman sa trabaho, I will take it not only as a positive feedback for me, but a constructive criticism as well. Again, just remind you chingu — mentoring is a part of the game for us to learn and grow.
Last na muna na maibabahagi kong karanasan sa trabaho ulit ay iyong minsan ng sinubukan ang patience ko kung gaano ito kahaba. As in, na-test ito to the highest level. Although, simula palang ng arangkada ko dito ay palagi namang nasusubukan ang pagiging pasensyoso ko. Pero nitong nakaraang buwan kung hindi ako nagkakamali, kakaibang challenge ang napagdaanan ko. Graveyard duty ako that time nang makapartner ko ang kapwa ko EPS Worker na ibang lahi. Uzbek saram siya mga chingu, at ahead siya sa akin dito ng ilang years. (Actually, patapos na kontrata nila next month.) May mga naririnig na ko mga rumors tungkol sa kanya na hindi ganon kaganda ang performance niya pagdating sa work ethics. Oo, bihasa na siya sa pag-o-operate ng press machine at alam na niya ang mga work routine. Pero, maraming ayaw sa kanya na Korekong at iniilagan siyang makapartner dahil nga tamad daw at napakatuso. Kaya naman nang ako na ang makapartner niya kung saan napwesto kami hindi sa makina kung hindi sa ibang department na ang ginagawa ay pagkakamada o pagpa-file ng mga various water tank kada matapos ay nalaman kong totoo nga ang mga chismis tungkol sa kanya. Haha. Hindi na ko magtataka na minsan na siyang may mga nakaalitan o nakaaway na katrabaho namin. Ang masasabi ko lang sa one week graveyard duty na kasama ko siya ay one of a kind experience. Sobrang na-challenge ako, pero I’m grateful kase naka-survive ako. Akala ko talaga, iyong first night shift palang ay mag-a-undertime na ko nung nawala na ko sa focus at ang pagiging cool ko sa work dahil nga sa style niya sa trabaho na hindi ko trip. Magulang nga talaga siya! Halos ako lahat ang nagtrabaho, habang siya naman pa-petiks-petiks lang. Kung hindi lang siya matanda sa akin at kung palaban lang ang personality ko katulad ng ibang mga pinoy dito, malamang hindi ako papadaig sa kanya. Mabuti na lang na-cultivate na sa akin ang gift of patience na pinagkaloob ni Lord nung nasa Pinas na ko. Kaya naman nakatiis ako sa ugali niya. Naalala ko nga ang sinabi ko sa sarili ko that time, “hindi ako susuko sa’yo. Kaya ko ito! Papakita ko sa’yo kung paano magtrabaho ang isang pinoy. Itatayo ko ang bandila naming mga pinoy!” Tutal, malapit na rin siyang umuwi sa bansa niya, hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Hindi ako nagpatinag, hindi ako nagpaapekto, hindi ako nagpadala sa emosyon ko — bagkus ginawa ko pa rin ang dapat. There is this phrase in kapampangan dialect na hindi ko alam ang equivalent translation sa tagalog ‘lakwas ke pang isunu’ ang isa din sa ginawa ko. Iyong pinakamalapit na translation siguro: hindi niya ako mapipigilan sa anumang gusto kong gawin. Instead, I will even overdo it. Hindi ko na din hinayaang mawala ang naibalik kong good mood at ang positive attitude ko pagdating sa trabaho. Gilas pa more, iyon ang bukang-bibig ko sa utak ko. Tignan ko lang kung hindi siya mapapahiya. Haha. Iyan ang mga natutunan ko sa experience kong iyon.
Sabi nga ni Pastor Joel Osteen sa fb post niya, marami tayong mami-meet na mga tao sa buhay natin, either they will inspire you, motivate you, or challenge you. Same as sa statement na either they will be a blessings or a lesson in our life. Tama po ba? Hehe. Basta ang mahalaga, natututo tayo sa mga karanasan natin sa buhay na pinararanas sa atin ng May Kapal.
“The capacity to learn is a gift. The ability to learn is a skill. The willingness to learn is a choice.” (Brian Herbert)
Oh hindi ba, sabi sa inyo hindi natatapos ang learning process sa buhay. It’s a repeated cycle. Haha. Everyday, may mga natutunan tayo para ma-develop at ma-build up ang character natin as a person. Kaya mga chingu, keep striving hard to reach our goals and dreams in life. Keep on learning what life has to offer.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
RandomMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...