Chapter 2 - I believe God prepared me for this job

84 2 15
                                    

Note: This blog was first posted last November 16, 2015.

*****

Nang mag-umpisa na ko sa work, first day palang ibang klaseng experience na ang naranasan ko dito. Sabi ko nga, inexpect ko na 3D ang klase ng trabaho sa Korea, pero di ko inexpect na ganon kahirap at kapagod ito in actual. Yung product ng company namin na di ko na babanggitin ang name ay mga plastic building materials such as bathroom ceiling, 1st layer door (design), bathtub, parts ng water tank (body), etc. Gumagamit kami ng iba't-ibang press machine na may designated na ulmahan, depende sa product na ginagawa. Bawat machine ay may naka-assigned na operator na koreano at may assistant siya na pwede kaming mga pinoy ang ia-assign doon. Sa totoo lang, nahirapan ako kapag nangkikikil (main task), yung pag aalisin muna yung sobra-sobrang edges sa gilid ng produktong ginagawa namin para kuminis ito. Tapos dagdag mo pa ang language barrier at pressure sa kasama mong koreano.

Oo, siguro nga naninibago lang ako sa nature ng job dito dahil yung previous job ko ay walang kinalaman talaga sa work ko ngayon. Imagine, from an IT techincal support to a factory worker. Ang layo di ba? Hehe. Bakit ko nga ba piniling mag abroad ngayong maganda na ang work ko sa Pilipinas? Alam nyo na po ang sagot. I'm just being practical and I'm not after the career kung anong tinapos ko but I'm after sa malaking sahod. Salary-wise lang talaga. Mahirap ang buhay namin kaya need ko ng mas malaking sahod para sa pamilya ko. Iyan po ang honest kong sagot. Going back po sa topic, pagdating ko dito akala ko mag-e-enjoy ako kung anong ginagawa sa trabaho — iyon pala hindi. Swertehan din kasi dito sa Korea. Meron mga trabahong mas madali sa work ko kahit 3D pa.

Anyway, malaking pasalamat pa rin ako kay God dahil sa opportunity na binigay nyang ito. Naniniwala akong inihanda Niya ako sa trabahong ito, at alam kong hindi Niya tayong bibigyan ng challenge na hindi natin kayang i-handle. Yup, itong work ko I considered it not only as a blessing but as a — challenge. Nasabi ko na niready ako ni God dahil naisip ko lang kasi yung iba pang previous jobs ko ay may kinalaman din pala sa work kong ito, kahit di talaga related. Haha. Ang gulo ko po no? Lol. Ganito po kasi iyon, nag-working student ako during College years ko sa fast food chain na McDonald's sa lugar namin. Almost three years din ako dun, at naniniwala ako na malaking tulong ang experience na iyon sa work ngayon. Fast food chain at factory, anong connect? Simple lang, kasi parehong mabilisan ang nature ng trabaho. Oh di ba ang galing ni Lord! Haha. Tested na kumbaga. Kahit sabihan pa ko na pali-pali (korean word means hurry-hurry), I will give what they want. E di bilisan! Gilas pa more. Haha. Tapos, nagwork din ako sa telecom company at BPO company na nagpo-provide ng IT related services kung saan isa akong call center agent o technical support. Hehe. Alam nyo naman ang work sa call center, may inbound at outbound calls na pareho ko ng nahandle. Iba't-ibang klase ng tao ang mga nakausap ko na, kasama na dito ang mga pinakasikat sa lahat — ang mga irate o angry customers. Kaya masasabi kong alam ko ng i-handle ang mga taong ito at sanay na rin ako sa kanila. Kagaya dito, may mga coworker kaming koreano na napaka-impatience at kung makasigaw ay wagas haha. Immune na sa akin ang ganyan. Okay lang sa akin, wag lang silang mananakit. Different story na iyon! Haha.

Galing talaga ni Lord, bago niya ako dinala dito ay inihanda muna niya ako ng husto sa gerang ito. Hehe. Dagdag pa iyon, iniisip ko na lang na everyday kapag papasok na ko sa trabaho, para sa akin 'everyday is a battlefield'. Kaya need mo talagang magprepare not only physically but over all. Fighting! Haha. May nagsabi din sa akin chingu na "wala naman trabaho na hindi nakakapagod, yung pagod minsan nasa state of mind lang iyan." Sabi po iyan ng isang tita na nasa abroad din. Kasi nagrereklamo ako na ang hirap at kakapagod ang work ko dito, ayon binigyan niya ako ng mga words of wisdom na nakatulong sa akin. Tama naman siya, nag-o-overthinking lang tayo kaya mas lalo nararamdaman ang pagod sa katawan. Hehe.

Isa pang napansin ko, minsan kung saan ka mahina ay dun ka ilalagay ni Lord. Siguro para mag improve tayo saka para maihanda pa sa future. Naks! Future talaga? Haha. Ummn... basta minsan talaga ite-test ka ni God through your weakness. Katulad ko, di naman ako yung klase ng tao na well-coordinated sa sports, kaya wala akong sports ni isa. Haha. Alam nyo yung parang geek o nerdy type of guy na lampayatot sa mga movies. Iyon! Parang ganon po ako, pero di ako geek o nerd ah. Haha. Akalain mo magtatrabaho ako sa isang factory na ang klase ng trabaho ay required talaga ang pisikal na lakas, liksi at gilas. What an irony in life, hindi ba? Haha. Although nagprepare din ako ng konti sa Pinas bago lumipad dito. Di kayo maniniwala, jumi-gym din ako. Lol. Kaso di nga lang ako consistent nun kaya walang masyadong changes hehe. Asa pa ko no! Haha. Maishare ko lang, yung naging problem ko sa 1st month nun ay sumakit ang almoranas ko. As in nasabak ata siya dito sa work na mabigat kaya siguro ganon. May nagsabi nga sa akin na kasamahan kong pinoy na di daw ako pwede sa work na nabubuhat ng mabigat, kaya isip-isip na akong magpa-release at humanap ng iba. May point naman siya at tama rin ang suggestion niya. Sumagi talaga sa isipan ko ang magparelease sa work. Pero sabi ko, tiis-tiis muna dahil kaya pa naman. Papacheck up na lang ako kapag hindi pa rin gumaling after a month. Hanggang sa bigla na lang naghilom at nawala ang sakit mga ilang weeks lang pagkatapos. God moves in miraculous way. Thank you Lord inalis mo ang sagabal sa work ko para ako'y maging productive. Di talaga ako pinapabayaan ni Jesus dito, mga chingu. Hangga't patuloy ka lang nagdarasal at malakas ang pananampalataya mo sa Kanya, walang problemang di mareresolba. Magtiwala ka lang sa Kanya, alam niya ang makakabuti sa'yo.

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." (Jer. 29:11 NIV)

Kaya ikaw chingu na nahihirapan sa trabaho mo ngayon, don't look down. Wag kang papastress. Cheer up! Kagaya ko, unti-unti ka rin masasanay sa routine ng work mo. Una lang talaga mahirap, but sooner or later yakang-yaka mo na yan! Ikaw pa! Haha. Masasabi kong nakapag-adjust na ko dito kahit papaano, at di na masyadong nahihirapan sa trabaho. Dati-dati iniiwasan ko wag sana akong mailagay sa pwesto sa mga press machine, at ilagay na lang sana ako sa stock room area para di masyadong pagod (May times na dun ako nilalagay kapag marami nakaduty o kapag walang bakanteng pwesto sa mga makina). Iyon pa pala chingu! Hindi araw-araw sa work natin ay ma-e-experience mo ang hell, may araw na petiks lang. Paskong-pasko lang ganon! Haha. Kaya ngayon, di na ko choosy kung saan man pwesto ako ilalagay. I will embrace the challenge. Wushu?! Lol. Kahit saan pang work station pa yan, it's just like nothing! Neman! Dahil... kasama ko naman lagi si God sa duty ko. Kahit nahihirapan ako, nandyan Siya para tulungan ako.

Isipin mo lang chingu kahit mahirap ang trabaho natin dito sa Korea, at the end of day pagkatapos ng duty natin ay back to normal na ulit ang buhay. Makakapagrelax ka na ulit. Kakain ng marami para makabawi sa pagod. (One of my favorite hobbies dito is lumamon. Hehe) Keep fighting at walang susuko. Always pray na sana lagi tayong safe sa work natin at malayo sa anumang aksidente. Extra careful lagi ah, and lastly focus lagi sa work natin.

•••••

Thank you for reading! Please follow me, click vote, share and write a comment.

Blogserye ni Jonzki sa KoreaWhere stories live. Discover now