Note: Posted on April 19, 2016
*****
Sa pagpapatuloy ng blogserye na ito, aminado akong nasa adjustment stage pa din ako dito sa abroad, lalo na pagdating sa trabaho. Hindi ko pa masasabi na gamay ko na ang mga gawain dito. Although alam ko na ang mga sunod-sunod na routine. Honestly speaking, nahihirapan pa din ako sa bigat ng trabaho ko dito kahit na naka-anim na buwan na ko. Pero kinakaya ko naman as much as I can. Adjustment pa more talaga as of now.
This past few weeks bago mag-holy week, nakaranas muli ako ng mga challenges hindi lang sa work, pati na rin sa personal na buhay. Let’s say sinubukan muli ako God kung strong pa rin ang faith ko sa Kanya. Hindi ko alam kung coincidence lang o talaga sinasadya ni Lord na i-test ako sa panahon na ganito. Natawa nga ako nung ni-remind ako ni girlfriend na ‘holy week kasi kaya ganyan.’ Haha. Kaya umagree na din ako ‘Oo nga. Parang penitensya lang ito.’
As I said sa previous blog ko na naging hectic ang work schedule ko recently kung saan 5-consecutive-weeks akong graveyard duty. At first, okay lang sa akin ang changes ng sched ko dahil wala naman akong magagawa. Kinakailangan magpakitang gilas ako sa work, hindi porke bago ako. Flexible dapat ako sa shifting schedule. Anyway, kaya ganon nangyari dahil dumami ang orders ng isang product namin sa company kaya need nila ng manpower sa pang-gabi. Hindi pa kasi pwedeng isabak ang mga bagong hired na Korikong, kaya kaming mga pinoy ang na-assign. Hehe. Grabe, ang laki ng pinayat ko sa sobrang puyat at pagod nitong mga nakaraang linggo. Pero thankful pa rin ako kay Lord kasi hindi bumigay katawan ko sa sakit. Na-survive ko ang challenge.
Pagkatapos ng pagsubok sa schedule, pagbalik ko naman sa pang-araw — nakaranas naman ako ng another challenges sa work. Palagi pa din ang nabubungangaan sa kapartner kong korikong kapag may minimal mistake akong nagagawa. Hindi na lang ako nagpapa-apekto kesa mastress lalo ako. Dinadaan ko na lang sa tawa o sa smile. Di ba nga kung natatandaan nyo isa sa defense mechanisms ko ay idaan na lang sa ngiti ang mga bagay kagaya ng kapalmakan sa work. Lol. Nlisa pa, unti-unti na kong nasasanay sa kanilang kastrikan, o shall I say kaartehan nila dito. Haha. Yung isa namang matinding sumubok sa mahabang pasensya at tatag ng sikmura ko dito ay nung araw na nagpapalit kami ng molde sa machine kung saan ako napwesto, na-stress ako ng sobra — hindi lang physically pati na rin emotionally. Sa laki ba naman ng moldehan na iyon at dalawa lang kami nagpapalit, nahirapan talaga ako nung time na iyon. I can say mala-life and death situation na rin ang pinagdaanan ko. Dangerous ika nga sa isa sa 3D. Yung bang konting mali ko lang sa galaw ko, pwede akong mahulog o mapahamak. Dagdag pa iyong panenermon sa akin ng team head nung nasa itaas ako ng moldehan dahil hindi ko mailagay-lagay ang isang sabitan na bakal sa crane. Bukod kasi sa napakahirap ng paglalagay nito, eh delikado din dahil nasa edge ako na pwede kong ikabagsak mula sa itaas. I can’t believe na ganon pa ang approach ng team head namin sa akin, nakikita na niyang hirap na hirap ako. As usual, hindi na lang ako kumibo at itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagtatrabaho. Kahit sa loob-loob ko, hindi ako maka-move on sa nangyari. Bakit ganyan pa siya? Kung siya kaya ang nasa itaas at maglagay nito. Parang tools o mga gamit lang kami katulad ng spanner at barena sa paningin nila dito? Oo, hindi nyo kami kalahi. Foreigner kami sa bansa nyo. Hello, tao din kami! May mga feelings kagaya nyo! Pasensya na, bigla ako nag-rant dito. Haha. Iyan ang mga hugot lines ko at that moment. I tried to calm down at magfocus na lang sa work, pero hindi kaya eh. Eto na naman ako I admit na pinanghinaan na ko ng loob. Pakiramdam ko kasi sunod-sunod na ang mga unpleasant circumstances sa work. Holy week pa naman. Kaya pati self-doubt nabuo na rin sa utak ko. Magtatagal pa kaya ako sa work na ganito? Kaya ko pa ba? O kung magparelease na lang ako at humanap ng ibang work na medyo magaan-gaan naman? Tsk.
Hanggang sa pag-out sa work at makauwi na sa dorm na tinutuluyan, ang bigat ng pakiramdam ko. Stress na stress ako that time. Eh iyong isang week na iyon, nagkataon pa na mag-isa lang ako sa room dahil iba ang work schedule ng mga ka-roommate kong pinoy kaya wala akong mapagsabian ng sama ng loob ko. Iba pa din kasi kapag personal mong ikinukwneto sa tao kesa sa chat o tawag lang. Ayon, mabuti na lang nakachat ko sina Kuya Alex at Jayson na nandito din sa Korea. Shinare ko sa kanila ang sitwasyon ko sa work, binigyan nila ako ng mga words of wisdom at advices. Ipinaalala nilang muli sa akin ang mga personal reasons ko kung bakit ako nandito, pati mga pinagdaan kong mahabang proseso bago ako natuloy sa pag-aabroad ko dito. Holy week din ako dinalaw muli ni homesickness. Actually, hindi na siguro homesickness. It’s more on separation-anxiety. Opo mga chingu, ang galing ng timing eh ano? Haha. Lunes-Santo nung nakausap ko ang mama ko, this time hindi ko napigilan kahit anong pigil ko sa tunay na nararamdaman ko. Napaluha na ko in the middle of our conversation. Kaya pati siya umiiyak na rin. Grabe, pang-MMK ang mga sumunod na eksena. Hindi na ko nakapagsalita ng maayos. Miss na miss ko na sila. Sabi ni mama, ‘tatagan ko ang loob ko. Wag ko daw silang isipin dahil okay lang sila. Lagi daw akong magdasal. Blah… blah… blah…’ Pati ang girlfriend ko, chine-cheer up niya ko nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari. She always cheer me up every time na pinanghihinaan ako ng loob.
“The reward for those who persevere far exceeds the pain that must precede the victory.” (Ted Engstrom)
Sa mga sumunod na araw, narealize ko na ang mga challenges ko dito sa abroad ay mga sakap sa proseso bago ang tagumpay na inaasam ko. Naliwanagan muli pagkatapos ng holy week na kasama ko pa rin si God sa pagkikipagsalaran ko dito kahit anong mangyari. Kaya kasabay ng transition sa klima nila dito na from Winter Season ay may bagong season na sasalubungin — ito ang Spring. I guess it symbolizes a new hope and a new beginning. Katulad ng mga nalanta na puno at halaman dito, may mga bagong usbong na mga dahon o bulaklak na muling magpapaganda sa kapaligiran. Kaya handa na ko muli tuparin ang misyon na ipagkatiwala ni Lord sa akin. Kapag nadapa, kailangan tumayo muli para sa maipagpatuloy ang nasimulan.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
CasualeMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...