Chapter 7 - Daydreaming Pa More

29 1 0
                                    

Note: This was first posted last December 21, 2015

*****

The moment that you’ve realized na sumasahod ka na sahod pang-abroad, you started to visualize the future you aiming for. Ako, sa totoo lang hindi ko talaga maiwasang mag-daydream while I was on duty at work. Umaandar ang utak ko sa pag-i-imagine nang kung anu-ano. Teka, baka isipin nyo mga dirty thoughts ang mga naiisip ko. Hindi no! Don’t be green minded ah! Nang-a-ano kayo e. Haha. Ang topic sa blog na ito ay hindi tungkol sa mga ganyang bagay. Ang ibig kong sabihin iyung mga tumatakbo sa utak ko ay may kinalaman sa gustong maging future pagkatapos kong magtrabaho dito sa abroad. Opo mga chingu, I can’t help it but to daydream about —what would be my future 4 or 5 years from now. Daydreaming pa more! Hindi ba? Haha. I’m sure kayo din na kapwa ko OFW, napapaisip kung ano nga ba ang mga magiging buhay nyo pagkatapos nyong magtrabaho sa abroad.

Simula nang mag-sink in na sa utak ko na nagtatrabaho na talaga ako bilang OFW dito sa South Korea, sobrang pasalamat ko talaga kay Lord. My gratitude is not enough kung tutuusin. Nararamdaman ko talaga na sobrang blessed ko sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ko akalain na mga ipinagdarasal ko nung nasa Pilipinas pa ko ay nagkaroon ng mga sagot. At ito nga iyon — ang makapagtrabaho sa abroad para matulungan ang pamilya ko. Kaya ngayong nandito na ko, syempre ginrab ko na ang opportunity. Naniniwala ko na dumating na ang tamang pagkakataon para sa akin. It’s time to chase my dreams. Mga pangarap na gusto kong matupad pagdating ng tamang panahon. Ganon talaga yata e, kapag nakikita mo na ang sarili mo na may progress little by little sa mga ginagawa mo — nagsisimula ka ng bumuo ng mga pangarap na gusto mong matupad. Lalo na, binigyan ka na ng access ni God ngayon. Kumbaga, you’re already on board, nakabiyahe na patungo sa daang matuwid — este daan patungo sa katuparan ng mga pangarap mo. Hehe.

Iyon ang pino-point ko mga chingu, kaya di ko talaga maiwasang mag-daydream habang naka-duty sa trabaho. Lumilipad utak ko sa Future World. In short, nawawala ako sa sarili ko. Joke lang po. Let’s say nawawala sa focus minsan. Haha. Kaya eto, isi-share ko sa inyo isa-isa ang mga naiisip kong gawin after I have finished my contract dito sa company. Finished contract agad?! Di pa nga nakakaisang taon dito — ahead much ako no! Nakatikim lang ng sahod pang-abroad, ang dami ng plans after abroad. Haha. Sorry po… masyado akong advance, pagbigyan nyo na ko. Minsan lang to. Oh last ko na to! Hehe. Sabi nga nila, hindi naman masama ang mangarap kung may ginagawa ka naman mga hakbang para magkatotoo ang mga iyon. Ang worse yung walang pangarap sa buhay at wala ding ginagawang aksyon. Kaya ipu-push ko muna ang pagde-daydream kahit dito lang sa blog na ito. Lol.

Unang-una, nakikita ko ang sarili sa future na isang businessman. Tama ang basa nyo! Negosyo ang naiisip ko gawin pagkatapos kong magtrabaho dito sa abroad. Hindi ba ganon dapat business minded? Hehe. Syempre, kung magne-negosyo ako dapat may pera akong gagamitin for my investment. Assuming na nakaipon ako after, which is gagawin ko talaga syempre. Iyon ang pinaka-accurate na dapat gawin ng isang OFW kapag nagtarabaho sa abroad — ang mag-save o mag-ipon ng perang pinagpapaguran mo. Well, kung tinatanong nyo kung ano naman ang naiisip kong business na gusto kong itayo. Haha. My answer is a lot! Ewan ko, ang dami kong naiisip na i-negosyo pagdating ng araw. Hehehe. Isa na dito ang apartment-type of business. Nung nagti-thesis kami nung college, nag-rent kami ng appartment that time ng mga kagrupo ko para matapos namin ang thesis on time. Ayon, nagkaroon ako ng ideya na parang maganda kung may business ako nang ganito. Pansin ko kasi kung meron kang sariling apartment for rent business, hindi ka masyadong pagod. Bilang landlady o landlord, iyung ginagawa mo lang ay maningil monthly sa mga occupants mo. Kaso ang problem na nafo-forsee ko dito, ilang milyon ang kailangan mong puhunan bago ka makapagpatayo ng isang appartment building. Right? Kaya wag na lang siguro! Cross-out ko na sa listahan. Lol. Naisip ko rin kung magkaroon na lang kaya ako ng sariling GYM. Oh natawa kayo no? Haha. Ako rin natawa sa sarili ko. Haha. Kung natatandaan nyo, jumi-gym din ako nung nasa Pinas pa ko na ginawa kong paghahanda bago lumipad dito. Iyon nga lang, wala masyadong changes. Haha. Pero, seriously, parang ang astig kung may sarili kang GYM business. Tagabantay ka lang, taga-singil din at ikaw ang bahala sa maintenance. Ganon lang nakikita kong ginagawa ng may-ari ng gym na kung saan ako naglalaro. Ang problem ko naman dito ay mukhang mataas din ang investment sa negosyo na ito. Tapos, baka walang maniwala sa akin na mga potential players o customers na ako ang may-ari kasi nga hindi naman ako mukhang body-builder. Whaha! Ang saklap! Another gastos naman kung magha-hire pa ako ng gym instructor o trainor. Kaya wag na lang muna nito. Haha. Ang sumunod naman ay bakery business. Ang reason ko naman kaya kasama sa list ko ito ay dahil favorite ko mga tinapay. Mas lalo kong nagustuhan ang mga ito nung matikman ko ang mga tinapay nila dito sa Korea. Ang sasarap kasi! Hehe. Kaya naman pumasok sa utak ko ang ideya na gusto kong magtayo ng bakery na istilong cafe na rin someday. E di wow! Kung magbe-bakery ka na rin lang, e di gawin ng medyo classy ang dating. Ika nga nila bongga hindi ba? Haha. Besides, nabanggit na ni girlfie sa akin na gusto niya rin ng business na ganito. Hindi nga niya alam na gusto ko din nang ganito. Hehe. Malalaman palang niya kapag nabasa na niya ito. Haha. Naii-imagine ko na nga ngayon na pareho kami nagbe-bake at mina-manage ang business namin bakery cafe. Oh di ba? Daydreaming pa more! Haha. Ang problem ko dito na nakikita ko, I don’t know how to start with, and kung magkano ang investment dito. For sure, ilang milyon din ang kailangan. Ikaw ba naman magtatayo ng bakery na cafe at the same time. Pero kung typical bakery business lang siguro, kaya pa. Haha. Oh kung pasukin ko na lang kaya ang business na food cart franchising? Like master siomai, buko shake, shawarma, etc. Pwede din. As far as I know, mababa lang ang puhunan ng mga ganyan, hindi naman aabot sa isang milyon ang halaga. Ang huling business na naiisip kong gawin kung mabibigyan ng pagkakataon ay may kinalaman sa course na natapos ko. Opo mga chingu. I’m still thinking to pursue my career bilang isang IT Graduate. At least man lang, hindi ba magagamit ko pa rin kahit papaano ang pinag-aralan ko? Although, mostly nabaon ko na sa limot ang ilan sa mga technical skills ko simula nang mag-work na ko dito. Siguro, kapag napag-aralan ko ulit — I can get back on track. Yung business na naiisip ko naman dito ay computer or internet shop, o hindi kaya printing related services like tarps, banners, flyers, etc… Basta may kinalaman din sa multimedia services, iyon kasi major ng inyong lingkod. Hehe. Who knows? Someday, baka isa dyan sa mga business na nabanggit ko ay magkatotoo in the near future. Kaya hindi ko sinasara ang pintuan sa mga posibilidad. Daydreaming pa more! Hahaha.

Bukod sa negosyo ang naiisip kong gawin after abroad, mga personal dreams naman ang mga gusto kong ma-achieve. Ang isa siguro sa pinakapatok na pangarap ng lahat ng OFW naka-abroad ay ang makabili ng sariling house and lot pag-uwi sa Pilipinas. Hehe. I know it’s too high to dream like one. But still I want it to be real someday. Para kapag may sarili na akong bahay at lupa, at settle na lahat —then it’s the perfect time to move on to the next level. The one that I’m referring at is ang tamang panahon para magkaroon ng sariling pamilya. Speaking of sariling pamilya, kasama sa thoughts ko when I’m daydreaming yung maikasal sa girlfriend ko sa harap ng altar. Kaya nga nagsusumikap ako nang husto dito dahil kasama siya sa mga pangarap ko na binubuo ko ngayon palang. Bago ko man siya iniwan sa Pilipinas at naging LDR ang relasyon namin ngayon, sinabi ko na sa kanya ang bagay na ito. I remembered that day when I saw her priceless reaction after she heard about this – she was so speechless. Ang sabi pa nga niya pagkatapos ay hindi siya kinilig – instead na-touch daw siya. Oh how so sweet naman hindi ba?! I was moved with that kind of answer. Where will I find a girl like her? Nag-iisa lang siya. Kaya nga I love her so much e. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag binasa niya ang part na ito? Hindi ko namamalayan na bumabanat na pala ako sa pagsulat ng blog na ito. Hahaha. Banat pa more! Booom! Lol. I can’t wait to see how happy she was kapag dumating na yung tamang panahon na maglalakad na siya sa isle ng simbahan at hinihintay ko na siya sa harap ng altar para sa dream wedding namin dalawa. I’m sure iyon na ang magiging pinakamasayang moment sa buhay ko. Masasabi kong may forever! Hihihi… (Tama na yan… Wake up Jonzki! Nagiging love story na ang blog mo!!!) Daydreaming pa more. Push mo pa. Bwhaha.

“There is a time to let things happen and a time to make things happen.” (Hugh Prather)

Oh ayan mga chingu, I hope nagustuhan nyo ang blog ko ngayon at na-inspired kayo kahit papaano. Alam kong pati kayo maraming mga pangarap na gustong maging-reality na naiisip nyo ngayon palang. Naniniwala ako na walang imposible sa mundo. Hindi malayong matutupad ang mga pangarap natin basta may determinasyon, tiyaga at pagsusumikap sa buhay. Samahan na rin ng strong faith kay God. Tulad ng laging sinasabi ko, magtiwala lang tayo sa Kanya dahil alam niya ang makakabuti sa atin. Ngayong hawak na nating ang tamang pagkakataon, nasa atin na lang kung paano natin ito gagamitin ng tama. Sabi ko nga, may access ka na patungo sa katuparan ng ating mga pangarap. Pero tandaan po, wag tayong masyadong magmadali sa karela ng buhay o mag-shortcut patungo sa finish line. Be patience pa rin. There is a time for everything sabi ng quotes sa itaas. Darating din ang tamang panahon na matutupad ang future na pinapangarap mo. Sa ngayon, i-enjoy muna ang present para hindi ma-miss ang mga simpleng bagay na nangyayari ngayon sa buhay natin. Hindi naman importante na alam mo lang kung saan ka patungo, ang importante may ginagawa kang aksyon at wino-work out mo ang mga dreams mo para magkatotoo ang mga ito balang araw. Dream high. Believe more. It will happened.

*****

Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.

Blogserye ni Jonzki sa KoreaWhere stories live. Discover now