Chapter 10 - Mahirap Magkasakit sa Abroad

78 0 0
                                    

Note: This was posted last January 26, 2016

*****

Isa na siguro sa pinakamahirap na challenges sa isang ofw sa abroad ay kapag dumating ang araw na bumigay ang katawan mo dahil sa sobrang pagod or worst dahil sa sakit. Minsan darating talaga sa buhay natin na hindi lahat ng araw ay malakas tayo kaya hindi maiiwasang magkakasakit tayo. Ako, personally na-experience ko na po at masasabing kong hindi po talaga biro ang magkasakit sa abroad.

Isa lang ang suspect ko dyan kaya ako nagkasakit e, dahil sa winter season na yan! Haha. Sabi nga nila dito, ganyan talaga kapag malamig na ang klima lalo na sa bagong dating sa Korea, hindi maiiwasang magkakasakit ka dahil daw nag-a-adjust pa ang katawan. Naku naman! First month of 2016 pa naman at nasampolan na ko. Haha. Anyway, I will going to share my own experience kung bakit ko nasabing mahirap magkasakit sa abroad.

Second Saturday of the month, sakto wala kami pasok sa work at sinet ko na ang mind ko na rest day ko muna ito. Ang gagawin ko lang ay pahinga buong araw sa bahay. Hindi muna ako aalis o gagala dahil simula nung bagong taon, wala pa akong enough rest sa sunod-sunod na gala namin kada weekend. Pero, hindi ko ine-expect na kakatokin na pala ako ng hindi ni homesickness this time, kung hindi si sickness lang. Haha. Ewan ko ba, paggising ko sa umaga nang sabadong iyon iba na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako o mainit ang pakiramdam ko. Tapos, dry at makati na ang lalamunan ko na may kasamang konti pa lamang pag-ubo nun.

Nung nakausap ko sa Skype ang pamilya ko, malat ang boses ko kaya nahata nila may iba sa akin. Sabi ko kay mama, sore throat lang at di ko na sinabi na masama pakiramdam ko para hindi na humaba ang usapan tungkol dito. Syempre, ang mga nanay may mother instinct kaya agad umandar ang pagiging concern niya sa akin. Sinabi niyang magpakulo daw ako ng luya at lagyan ng konting asukal at may instant salabat na ko. Ayon, ginawa ko naman at ininom ko. Saka ako uminom ng bioflu kinagabihan bago natulog. The next day, I thought I’m okay na. Hindi pa pala. Ganon pa rin ang pakiramdam ko – not feeling well at may sore throat with mild cough pa rin. Isa ding home remedy naman ang sinubukan ko na suhestiyon ni pareng Eddieson na kaibigan at kasabay ko ring dumating dito sa Korea katulad ni Kuya Alex. Gumawa naman akong lemonade sa thumbler. Fresh lemon na hiniwa-hiwa ko ng maninipis na piraso saka nilagay sa thumbler na may tubig. Ininom ko iyon katulad ng sabi niya madaming health benefits tulad ng good source of vitamin C, sa balat at anti-oxidant.

Sa totoo lang, nasira ang mga lakad ko nung kinabukasan ng Linggo. Yung akala ko na pwede na kong lumabas at gumala, hindi pa pala. I decided to take a rest na lang sa dorm namin. Hindi rin ako nakapasok sa klase namin na Korean Language Class sa migrant center at hindi din ako nakapagsimba that day. Kung kailan naumpisahan ko ang klase last week, naabsent tuloy ako dahil sa sakit ko. Ito din ang unang Sunday na hindi ako nakapag-mass simula nang maging active member ako ng Choir group sa church namin. Kapag may sakit talaga, ang daming disadvantages e ano? Hehe.

By monday, akala ko I’m totally fine na and I’m ready to go to work. Yung nga lang, hindi pa pala ulit okay. Nanghihina ang katawan ko, as in ang tamlay ko at hindi normal ang pakiramdam ko. Sore throat at ubo nandoon pa din. Dito na ko nagdecide na umabsent sa trabaho at pumunta na lang ng ospital para makapagpacheck up. Kaysa naman pumasok ako sa work, alam kong hindi ko kayang magtrabaho at worse baka may mangyari pa kapag nagpumilit ako, hindi ba chingu? Mabuti na lang, pang-gabi ang duty ni Jeff at nagpasama ako sa kanya sa ospital that time. Nung nagpacheck up ako, as usual nandoon pa din ang language barrier problem. Wala kasi marunong mag-english sa information desk. Anyway, buti na lang medyo pinaghandaan ko ang mga sasabihin ko at nasabi ko naman kung ano ang masakit sa akin. After kong magpacheck up, binigyan nila ako ng injection sa itaas ng bahagi ng pwet ko. Literal na pain in the butt. Haha. Ganon pala dun. Akala ko kung anong gagawin ng nurse e. Lol. Tapos, bumili ako ng gamot ko sa pharmacy. Nagulat ako, ang daming gamot na iinomin ko sa isang pakete per after meal (breakfast, lunch, dinner). Hindi kaya ako maoverdose nito? Haha. Sabi naman ng napagtanungan ko na kakilala kong si Janroy na matagal na sa Korea, mababa lang daw ang dosage ng mga gamot at ganyan daw talaga, sabay-sabay iinomin. Haha. Good thing din na hindi naman ganon ka-expensive ang nagastos that day dahil siguro may health insurance nung pinresent ko yung ARC Id ko sa ospital.

By tuesday, pumasok na ko ng work kahit hindi pa magaling. Inuubo pa rin na may kasamang phlegm. Ginawa ko naman ang sinabi ng pharmacist sa tamang pag-inom ng gamot. Kaya lang, naubos ko na ang gamot hindi pa din ako gumagaling. Lumala pa yata? Grabe, yung virus na pumasok sa katawan ko ang strong. Haha. Nag-solmux na din ako as a replacement ng naubos kong gamot, pero ganon pa din. Hindi tuloy ako productive sa work ko. Ang hirap ng may sakit habang nagtatrabaho. Tsk!

I decided na umabsent ng friday para bumalik ng ospital. Alarming na kase itong sakit ko, ilang days na tuloy pa din ang pag-ubo at sakit sa lalamunan. Nagpaalam naman ako sa work ko at okay naman sa team head namin. Yung next check up na ginawa sa akin ay pina-x ray ako sa baga. Syempre nagdadasal na ko sa mga oras na iyon na sana okay ang result. Pagkausap ko sa doctor, hindi ko magets sa sinasabi niya. Basta ang nauunawaan ko may itinuro siyang parte na nakita niya sa x-ray ko na ‘no good‘ daw. Actually, dapat ipapakausap ko siya sa kilala kong interpreter pero hindi ko nahanap ang contact number niya sa phonebook ko. Sus, hindi pala nakasave. Hmp! Kaya ayon natagalan at pinapunta na niya ako sa next procedure which is iyung need ko daw admission at i-inject ulit sabi ng doctor. What?! Injection ulit? Teka, anong admission naman? Iyan ang mahirap e, hindi clear ang naginv conversation namin dahil hindi ako marunong mag-korean. Saklap! Huhu.

Thank God pa din kase may free wifi sa ospital at nakatawag ako sa fb messenger na nakita ko sa mga previous messages ko. Nakita ko ang pangalan ni Maam Irene ng Woori bank. Siya yung bank representative na pinay na marunong magsalita ng korean. Ang maganda sa kanya — napakabait at approachable niya nung minsan inaassist niya ako para mag-open ng account sa kanila para sa remittances o pagpapadala ko sa Pinas. Una, syempre chinat ko muna at sinabi ang concern ko na hindi woori related kung hindi kailangan ko ng interpreter at that moment dahil nasa ospital ako. Hahaha. Nakakahiya talaga dahil naistorbo ko siya at wala naman siyang kinalaman sa personal kong problema tapos siya ang ginulo ko. Pero, pumayag pa din siya sa request ko kahit ganoon. Siya ang kumausap sa head nurse nung after kong ma-inject. Pinasa ko yung phone ko. This time, nagulat ako at nilagyan ako ng dextrose at pinagstay ako sa loob ng ospital. Naipaliwanag sa akin ni Maam Irene na ganyan daw talaga. Akala ko mako-confine ako ng ilang araw, iyon pala uubusin lang ang isang bag ng dextrose na tatagal hanggang 2 oras. Lol. Pinauna ko na si Jeff na sinamahan ulit ako kahit galing siya ng graveyard duty para naman makatulog na at may work pa siya mamayang gabi.

Alam nyo po mga chingu, nung mag-isa na lang ako at nakaupo sa kama katabi ang ilang pasyente na matatandang korean – na-reliazed ko na ang hirap talagang magkasakit sa abroad. Wala ang pamilya mo sa tabi mo sa mga sitwasyon na ganito. Tanging sarili mo lang ang maasahan mo sa mga sandaling ganito. You have to bear the pain on your own. Iyong tipong malulungkot ka na lang at wala kang magawa kung hindi lakasan mo na lang ang loob mo at magdasal. Kung dati sa Pilipinas, kapag nakakasakit tayo nandyan agad ang pamilya natin, o ang nanay natin para asikasuhin tayo at alagaan. Ito yung first time kong magkasakit at pumunta ng ospital na wala ang pamilya ko para samahan o alalayan ako. Iba talaga ang experience kapag magkakasakit ka dito sa abroad. Hahanap-hanapin mo talaga ang care at love ng pamilya mo. Iba pa din talaga kapag nandyan ang pamilya mo sa tabi mo na mag-aalaga sayo. Sa abroad, nandyan ang mga kaibigan na tutulong sayo, pero hindi sa lahat ng oras dahil may trabaho din sila. Mabuti na lang talaga, hindi malala o grabe ang naging sakit ko nung mga araw na iyon. What if inaapoy ako ng lagnat at di ko kayang tumayo, etc.? Sino na lang ang tutulong sa akin pumunta ng ospital? Mafo-force ka talaga tumayo sa sarili mong mga paa para magpatingin sa ospital. Basta ang hirap talaga magkasakit dito sa abroad. Ikaw lahat ang kikilos para sa sarili mo. Hindi ko na nga sinabi ang tungkol dito sa pamilya ko. Minabuti ko na lang na ilihim sa kanila ang nangyari dahil ayokong mag-worry sila lalo na si mama. Kung meron man taong may nakakaalam sa detalye ng nangyaring pagkakasakit ko, iyon ang girlfriend ko na ramdam ko talaga ang concern at pag-aalala niya kahit malayo siya sa akin.

“Sometimes the strongest among us are the ones who smile through silent pain, cry behind the closed doors, and fight the battle nobody knows about.” (Unknown author)

Ilang ulit na paalala ng mga naging kaibigan ko na dito sa Korea na ingatan at alagaan ang katawan natin dahil iyan ang puhunan natin sa trabaho. Which is true, tama po ba? Health is wealth. Kaya ngayon, extra take care na ko sa sarili ko. Ayoko ng magkasakit ulit at ma-experience ang ganitong pangyayari. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil ramdam ko hindi niya ako pinabayaan nung time na magkasakit ako at pinagaling niya agad ako. Back to normal na ulit. Ready na ulit akong ipagpatuloy ang misyon at journey ko dito sa Korea. Keep fighting pa din! Malalampasan natin lahat ang mga pagsubok na darating sa atin — with help of the Lord God. Amen.

*****

Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.

Blogserye ni Jonzki sa KoreaWhere stories live. Discover now