Note: This was first posted last December 3, 2015
*****
Gusto ko pag-usapan in detail ang naexperience ko nung time na dinadalaw-dalaw pa ako ni homesickness sa mga first weeks ko, bago ang unang buwan ko dito. By the way, ano nga ba ang homesickness na yan? Bakit pahirap siya sa lahat ng taong katulad nating mga OFW? May gamot ba sa homesickness o mga paraan para malabanan yan? Lahat ng iyan ay susubukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya para sa inyo mga chingu.
Homesick, hindi ko na siguro kailangan i-explain pa nang mahigi dahil halos naman lahat pamilyar kung ano ito. Haha. Basta iyan yung nade-depress ka dahil nami-miss mo ang mga pamilya o mahal sa buhay na iniwan mula sa malayong lugar. For me, pahirap siya o isa siyang pain in the butt, kasi affected ang emotional at psychological aspect mo, as in pagsubok siya na kailangan mong malampasan. Kagaya nang nasabi ko sa unang blog post ko, nahirapan talaga akong i-handle ang lungkot at pangungulila ko sa pamilya nang magsimula na kong magtrabaho dito. Sa tuwing mag-isa ako o habang nasa duty ako, hindi ko maiwasan mag-isip nang kung anu-ano, lalo na ang mga naiwan kong mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Sabi ko sa sarili ko, ang hirap palang maging ofw… ang hirap palang malayo sa pamilya mo… hindi pala madali ang makipagsapalaran sa ibang bansa. Dagdag pa ang hirap ng trabaho dito, kaya may konting regret din sa sarili ko kung bakit ko napiling mag-work dito, ngayong okay naman ang dati kong trabaho sa Pinas. Iyang mga naisip ko nung time na nakikipaglaban pa ako kay homesickness. Kung naging mahina ang loob ko at tuluyang nagpalamon sa homesickness na yan, malamang ang dami kong sinirang opportunities para sa sarili ko at sa pamilya ko. I’m really thankful that God is with me when I was in those lonely episodes of my life. Hehe. Hanggang ngayon naman, wala naman nagbago – nararamdaman kong kasama ko lagi si God sa tabi ko. Yung presence niya, nafi-feel ko talaga. Hehe.
Kaya mga chingu, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga ginawa kong ways o mga paraan kung paano ako nag-cope up laban sa homesickness. Isa na rito ay ang pag-contact ko sa kung sinu-sinong mga kaibigan, pamilya at kamag anak ko sa facebook ang inistorbo ko nung time na iyon. Chat dito, chat doon. Walang humpay. Haha. Share ko situation ko sa kanila at hingi ng mga advices, etc. Pati nga sa mga co-worker kong mga Pinoy na matagal na dito at patapos na ang kanilang kontrata, (mabuti pa sila patapos at makakauwi na sila sa Bansang Pilipinas! Haha) todo motivate sila sa akin dito. Naalala ko pagkatapos ng unang week ko, tumawag sa akin si Kuya Alex (kaibigan at kasabayan kong dumating dito sa Korea na kababayan at naging kaklase ko sa Korean Language School.) nahohomesick daw siya. Ang lakas ng loob kong magbigay ng advice sa kanya nung araw na iyon, tapos bandang huli — di ko rin pa pala kayang i-handle si homesickness. Hahay! I’m so weak! Wala pala ako e. Lol. By the way, pamilyadong tao siya, at kung tutuusin grabi pa nga ang pinagdadanan niya kaysa sa akin. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga tao na tumulong sa akin para palakasin ang loob ko at maipagpatuloy ang nasimulan ko dito sa abroad.
Dumating din sa punto, kung anu-anong mga pinopost ko sa facebook wall ko during the time na nahohomesick ako. Mga bible verses at quotes na nakukuha ko sa mga books na dinala ko dito. In fairness, nakatulong din ang mga ito, mino-motivate ako kahit papaano. Gusto ko rin kasi ang nagbabasa. Pwede na ring libangan kontra inip at homesickness syempre! Kaya ikaw chingu, mainam na ituloy mo ang mga hobbies mo na ginagawa mo nung nasa Pinas ka pa. Makakatulong talaga iyon para kahit papaano di ka manibago sa magiging routine mo pagdating sa bansang pupuntahan mo. Kung mahilig kang manood ng mga series o movies, through internet meron naman. Ako, etong pagsusulat ang napili kong gawin dahil gustong-gusto ko itong ginagawa. Na-e-express ko sarili ko. Ito nga oh, dinadaan ko na lang sa pagsusulat ang lahat, para maiwasan ang homesickness! Hehe.
Sinubukan ko rin gumala-gala kada araw ng day off ko, like what they said. Ayon, sumasama ako sa mga co-worker ko dito na mga bago rin sa Korea at nauna lang nang ilang buwan sa akin. Pasyal-pasyal. Shopping kung may pera. Window shopping pag wala. Haha. Nakatulong din naman ang ginawa kong ito para hindi ma-bored sa dorm, at hindi dalawin ni homesickness. Nasubukan ko na kasi mag-stay lang sa dorm nung isang araw na wala kaming pasok ng sabado. Grabe pala, kakainip din lalo na kung wala kang ginagawa. Mabuti na lang, nakapag download ako ng mga pinoy movies. Ayon, nagmovie marathon kami. Nakanood din ulit ng mga tagalog movies after 44 years. Haha. Puro korean kasi mga palabas sa TV e. Nakakaumay kaya, di mo ma-gets. Lol.
Pero mga chingu, may hinahanap din akong iba nung time na nasa early stage of adjusting pa ako dito. Hindi bagay na gusto kong bilhin, o tao na gusto kong makita — kung hindi lugar na gustong-gusto kong puntahan. Alam nyo na kung ano iyon. Hehe. Dahil Sunday ang day off namin dito, naghahanap talaga ako ng simbahan na mabibisitahan para makapag-attend ng mass. Gusto kong ituloy ang routine ko sa Pinas na every Sunday we used to go to church. Ang dami kong gustong i-pray sa Kanya. Ang dami kong gustong ipagpasalamat. Maiba lang ako ng konti, alam nyo bang hindi pa ako nakakaisang buwan dito ay may nangyari nang kamalasan sa akin?! Hindi ko nga makalimutan ang exact date na iyon e. October 25, 2015 — ito yung araw ng tamang panahon na ginanap sa Philippine Arena para opisyal na pagkikita nila Alden at Yaya Dub. Aldub fan din si Jonzki. Actually yung kalyeserye segment. Hahaha. Eh, nawala lang naman ang phone ko na S4 na dinala ko dito sa Korea. Ang tanga ko lang di ba? Di ko namalayan na nahulog na pala sa bulsa ng jacket ko nung pauwi kami galing sa pamamasyal at pamamalengke. Basta, mahabang kwento po mga chingu. Haha. Nung una syempre, bitter ako dahil importante iyon sa akin pero pinilit kong maka-move on agad sa nangyari. Hindi ko na nga sinabi sa pamilya ko nung nakakausap ko sila sa skype (gamit ang laptop ng roommate ko). Baka mag-alala pa sila. Iyon ang pinaka-iniiwasan kong mangyari, tama ba? Well, bakit ko nga ba naikwento ang kamalasan ko nung araw na iyon? Ang point ko lang, hindi na ko nagdamdam sa nangyari. I looked at the brighter side na lang. Sabi ko sa sarili ko, kasama siguro ito… to test how strong my faith to Him is. Opo, iyon na lang ang inisip ko. Sinusubukan Niya lang ako para mas lalong pang maging strong at matibay ang pananampalataya ko sa Kanya during the time na may mga doubts, worries and fear ako sa pagkakapunta ko dito. Kaya mas lalo akong kumapit sa Kanya at hindi bumibitiw hanggang ngayon. Nawala man iyong phone ko, I know there is a reason for what was happened… at iyon nga para subukan Niya ang faith ko. Nung time din kasing iyon — iyong mga araw na ramdam kong mag-isa lang ako dito sa lugar na di ako pamilyar, at malayo pa sa mga mahal mo sa buhay.
Magaling talaga si Lord. Siya na mismo ang gumawa ng way para matalo ko si homesickness. Nakahanap kami ng catholic church malapit sa lugar namin dito na ngayon kami nagma-mass every Sunday. Bonus pa, ang daming pinoy na nagsisimba din. Tapos, english language yung mass kahit koreano ang pari. E di wow! Sarap ng feeling! Hahaha. Para tuloy nasa Pinas na ko ulit. Hindi lang iyon ang magandang nangyari pagkatapos, the following Sunday nalaman din namin na may Catholic Migrant Center for Foreign Workers sila malapit sa church. Ang babait ng mga pinoy na nakilala namin. Sabi nga ng isa pang tita ko na nasa abroad din, mainam na mag-join sa mga pinoy community dito kagaya nito para hindi ma-homesick. Nasali pa kami ng kasama kong si Jeff (pinoy co-worker ko sa company at the same time roommate ko din) sa Choir Group ng simbahan, na pumabor naman sa akin kahit di ako marunong kumanta at di maganda ang boses ko. Ito na rin ang naging way ko para makapag-serve sa Kanya dahil sa lahat ng mga naitulong na Niya sa akin, mga blessings na patuloy Niyang shine-share, at lagi Niya pag-aantabay sa akin dito.
“You may suffer a temporary setback, a disappointment or an unfair situation, but if you will keep moving forward — it won’t be permanent. One touch of God’s favor can turn any situation around.” (Joel Osteen)
Oo mahirap ang malayo sa pamilya, at mag-isang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, pero lahat nang hirap at problema ay gumagaan at nawawala kung ang magiging sandigan mo ay ang Panginoon. Lagi lang tayong manalangin at magtiwala sa Kanya, may magandang kapalit lahat ng sakripisyo nating ito, mga chingu. Stay positive lang tayo! Labanan natin si homesickness! Wag tayong papatalo sa kanya. Alam kong any moment, kakatok pa rin iyan sa atin at dadalawin tayo. Kaya fighting pa more lang! Hehe.
*****
Thank you for reading my blog! Please follow me, click vote, share or write a comment.
YOU ARE READING
Blogserye ni Jonzki sa Korea
De TodoMga blog na ang nilalaman ay mga samu't saring personal na karanasan ko bilang isang OFW sa South Korea. I'm sure makakarelate kayo sa story ko lalong-lalo na ang mga kapwa OFW ko around the world. "Kung may kalyeserye ang eat bulaga, may blogserye...