4:05 PM na at nasa backstage na kami. Naiwan sa upuan, o sa audience ang kapatid kong si Jam. Siya ang magvivideo sa performance namin. Inaantay lang namin matapos magsalit ang host ng event. Kinakabahan na ako. Sa sobrang kaba ko ay naisipan kong uminom muna dun sa malapit na water disperser sa may back stage.
"San ka, Niel?" Tanong ni Mheryl.
"Iinom." Matipid kong sagot.
"Lipstick mo ah!" Paala nya.
Nakalapit na ako sa water dispenser. May paper cups sa may taas na tokador. Bagamat matangkad na ako ay medyo nasa dulo ito, dahilan para mahirapan akong kunin. Pinilit kong abutin ang mga cups hanggang sa may isang lalakeng matangkad na kumuha noon para sakin. Hindi ko sya nilingon pero kinabahan ako nung nagsalita sya.
"Hello." Wika nya. Sabay abot ng mga baso sa akin. Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Itong lalakeng 'to... Si Ru- si Rupert!
"H- Hi." Nauutal na sambit ko. Hindi ko alam kung saan ifofocus ang mga mata ko. Halos mapansin ko na rin ang lahat ng detalye ng damit nya. Naka fit na black pants sya at loose shirt na may design sa gitna. Band shirt kung tawagin ata ang mga ganitong pang itaas.
Ngumisi sya. Napakunot ako ng noo. May nakakatawa ba sa 'Hi'? Tinuro nya yung paper cups. Natanga ako sandali hanggang sa magets ang ibig nyang sabihin. Hello. Hello ang nakasulat sa mga paper cups.
"Aish." Gusto kong lamunin ng lupa. Ano ka ba naman Niela.
"You're welcome." Sambit nya sabay alis. Tinapik ko ang noo ko at nainis ng bahagya sa sarili. Bukod sa mali ang sagot ko ay ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Ano ba yan! Nakakahiya.
"Niel! Tayo na!" Yaya ni ate Joyce. Kami na ang magpeperform.
Kinalimutan ko sandali ang nakakahiyang pangyayaring iyon at nagfocus sa mgag steps namin. Maayos naman namin nagawa ang lahat ng routine. After ng ilang oras matapos ang perf namin ay umuwi na rin kami.
Hanggang sa bahay ay hindi ko parin makalimutan ang saglit na encounter namin ni Rupert. Kinikilig pero naiinis ako sa katangahan ko. Ugh!
Nagbukas ako ng facebook account ko para libangin ang sarili bago matulog. Halos lahat ng friends ko sa facebook ay kapwa kpop fan, so karamihan ay mga litrato galing sa event. Hindi ko napigilan ang sarili na bumisita sa account ni Rupert. Hanggang ngayon ay hindi nya parin inaaccept ang friend request ko kaya kung may ipopost man sya na hindi naka-public ay hindi ko ito makikita. Wala naman syang bagong status. Nakakatamad. Halos i-log out ko na ang account ko nang biglang may nag pop up na notification sa inbox ko. May message. Inisip ko na bukas nalang buksan pero clinick ko narin ang notification.
"Hello, hello."
Napakunot ang noo ko pero na-estatwa ako saglit matapos mapagtanto kung kanino galing ang message. Asdfghjkllhsgsg kay Rupert!!!
Halos pigil na tili at kilig ang reaction ko matapos yun. Hindi ko alam ang irereply. Kailangan ko bilisan ang reply dahil baka mag offline na sya. Pero ano ang sasabihin ko? Kung hindi ko naman sasagutin ay baka isipin nya na pabebe ako. Ano ba! Inopen ko ang message, ibig sabihin lalabas sa na-seen ko na ito. Hindi ko alam, pero para may may kung ano sa tyan ko. Eto na yata yung sinasabi nila butterflies kapag kinakabahan ka.
"Thank you." Nireply ko. Agad ko itong sinundan ng isang paliwanag bago pa sya sumagot. "Thank you sa pag abot ng paper cups."
Nireplyan ny ako ng 'thumbs up' emoji. Ano ba yan ang tipid! Maya maya ay nakatangap ako muli ng notification. Halos itapon ko na ang cellphone ko nang mabasa ang notification.
RUPERT MATHEW MANALILI ACCEPTED YOUR FRIEND REQUEST.
Naghuhuramintado na ang pagkatao ko. Ano 'to!?
Agad ko syang minessage. "Salamat po sa pag accept."
Binigyan nya uli ako ng thumbs up emoji pero agad nya itong sinundan ng isa pang reply.
"Regards mo ko kay Japs."
After nun ay nag offline na sya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kanina lang ay kinikilig ako pero ngayon ay hind ko na mawari ang naaramdaman ko sa reply nya. Gayun pa man, alam kong ang lahat ng ito ay dahil may nagawa sila Ate Japs and Ate Jae.
Ang importante, napansin na ako ni Rupert!
BINABASA MO ANG
That One Hello
Teen FictionMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...