"Niela? Uy! Nakikinig ka ba? Sabi ko ano kakainin naten?" Wika ni Darlene, best friend ko.
Oo nga pala. Lagi nalang akong natutulala at napapaisip ng malalim matapos ang pag bisita ko sa bahay nila Rupert. After ng mga sinabi nya sakin, nagkaroon nanaman ng gap saming dalawa. Naging casual nanaman kami. Bihira nadin kami magtext. Naging awkward ang lahat.
"Siomai nalang ang merienda naten." Sagot ko kay Darlene.
Si Darlene lang ang may alam ng kung ano talaga ang totoong estado namin ni Rupert. Wala kaming label. Pretend boyfriend ko sya, at pakiramdam ko, mababaliw ako sa mga nangyayari.
"San ka pupunta teh?" Tanong ni Darlene kay ate Japs ng makita nya itong nakabihis at mukhang aalis.
"Mall. Gagala kami ni Jae." Sagot ni ate sabay tingin sakin. "With Rupert."
Oh? Talagang kailangan sabihin sakin na kasama sya? Psh. Like I care? Eh naglolokohan lang naman kami sa pretend thing na 'to. Gayun pa man, hindi ko mapigilan ang magtanong
"How is he?"
Shit Niela. Akala ko ba you do not care at all?"He's good. I think. Sya nag aya samin ni Jae. Kaming tatlo lang. You better answer his text messages. Para kayong high school."
Huh? A... Alam nyang I'm ignoring some of Rupert's message?
"Are you sneaking on my phone?" Tanong ko kay Ate.
"Such accusations little sister. Nope. Rupert told me." Sagot nya sabay labas ng bahay.
Sinabi ni Rupert? Bakit? Umalis na si ate at naiwan ako na may tanong parin sa isip ko.
"Klaruhin mo na kasi kung ano talaga ang meron sa inyo." Ani Darlene.
"Paano ko nga kaklaruhin? Eh kahit ako gulong gulo."
"Kung ako ah, sa tingin ko talaga ang bilis ng mga nangyari. Iniisip ko parin na kay ate Japs siya may gusto. Pero sa mga sinabi nya, baka naman nafo-fall na din sya? Pero still, we cannot trust someone just by their words." Sabi ni Darlene na lalong nagpagulo sakin.
----
"Buti alam mo na nandito ako."
"Nabasa ko na may practice kayo ito sa Anda." Sabi ko.
"You've been ignoring me for weeks." Wika nya.
Nandito ako ngayon sa Anda kung saan sila nagpapractice. Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito. Pero ilang parte ng sistema ko ang gusto syang makita.
Kaharap ko ngayon si Rupert. Pawisin. Siguro kung totoong girlfriend nya ko, kanina pa ko nag volunteer na punasan ang mga pawis nya. Siguro dapat kanina ko pa sya inaasikaso. Inaabutan ng tubig kada break time nila, kinakausap sya at sinusuportaha sa bawat laban nila. Pero hindi ko yun magawa kasi hindi naman talaga kami.
"Magpapaalam lang ako. Tara." Anyaya nya.
"Hindi na. Dito nalang ako sa baba. Go ahead."
Umakyat sya sa taas at marahil nagpaalam sa mga kasama nya. Wala syang dalang bag so expected ko na saglit lang kami.
Naglakad lakad kami sa Intramuros. Andito located ang Anda or practice studio nila. Tahimik kami pareho. Kelangan ko na basagin ang awkwardness na 'to sa pagitan namin.
"Lets stop this."
Napatigil si Rupert sa paglalakad.
"You mean, stop walking? Stop here?" Aniya."No Rupert. This pretend thing." Tahimik nya kong pinakikinggan at nagsimula syang humakbang palakad ng marahan. "Iniisip ko na mag message nalang kaso parang unethical kaya pinuntahan kita dito. I know we should've not started this crazy game either. Sorry. It's all my fault."
Naglakad lang sya. Humahakbang na wala akong narinig na ano mang response. Ang awkward nanaman.
"Rupert—"
"Are you done? Kung oo, sige na. Umuwi ka na."
Wait, what? Yun lang? Pinapauwi nya lang ako??
"Si... Sige. Balik ka na dun. Uuwi na ko. Salamat sa oras."
Walang pag aatubiling bumalik sya sa practice studio nila. Ganun lang yun? Naiwan akong tulala at nag iisip. Akala ko ba gusto mo kong ma-fall lang? Akala ko ba hayaan kong saluhin mo ko? Tapos ganun ganun lang pala para hayaan mong itigil ang lahat. Ang galing.
Umuwi na ko. Wala ako sa mood. Pero di ko mapigilan sarili ko na icheck ang social media account nya.
Nagulat ako ng biglang nagkaron ng maliit na bilog na kulay green sa pangalan ni Rupert na ibig sabihin ay naka online sya ngayon. Icha-chat ko ba sya? Ano sasabihin ko? Wag na. Hayaan ko nalang. Wala naman akong karapatang mangamusta.
Pakiramdam ko, ang bilis lang ng lahat. Pakiramdam ko, laro lang talaga 'to. Taga hanga lang ako nung umpisa. Bakit ba kasi naging sobrang taas ng pangarap ko? Bakit ba kasi ginawa kong ganito kakomplikado lahat?
Tinitignan lang kita sa malayo noon. Tinitignan naman kitang lumayo sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
That One Hello
Teen FictionMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...