Part II : Favor

19 4 0
                                    

"Ha? Ano ulit gusto mo mangyari?" Pagtatakang tanong ni ate Japs.

Sinabi ko sa kanila ni ate Jae, best friend nya na kailangan ko ng tulong upang mapalapit kay Rupert ngayong darating na Kpop event.

Nakita kong kumunot ang noo ni ate Jae, at tumingin sa nakatatanda kong kapatid.

"Bakit ba kailangan mo na mapalapit sa lalakeng yun?" Tanong na malumanay ni ate Jae.

"Matagal nang crush nito si Rupert." Wika ni ate Japs. "Iba nalang. Ayoko."

Ngumuso ako at nalungkot pero nabawi iyon sa pagsasalita ni Ate Jae.

"Try ko."

Oh my- Totoo ba yung narinig ko? Napaglakihan ko ng mata si Ate Jae at nakangiting tinanong kung seryoso sya sa sinabi nya.

"Try ko nga." Sambit nya.

Alam kong mukhang desperada kung titignan pero wala naman sigurong masama. Magpapakilala lang ako. Yun lang.

Dumating ang araw ng event at lahat kami ay nakahanda na sa venue. 4:15 PM nakatakda ang performance namin. Maaga kaming nagtungo sa event dahil may morning at afternoon batch iyon. Sila ate Jae, kasama ang kilala nyang covergroup ay kabilang sa morning groups na magpeperform. Special performance lamang sila, dahil kung nakasali sa list ng magcocompete ay alam na ng lahat kung sino ang mananalo.

Kasama ng ate ko sila ate Jae sa isang parte ng venue. Habang kami ay nakaupo sa mga bakanteng upuan. Kinakabahan ako. Umiikot ang mga mata ko para hanapin ang isang tao.

Wala pa siguro sya. Maaga pa naman at alam kong mahaba pa ang araw. Alam kong aattend si Rupert dahil nabasa ko ito sa Facebook status nya. Bigla akong kinalabit ni Mheryl.

"Niel! Si Rupert!" Aniya.

Tinanaw ko ang tinuturo ni Mheryl at nakita ko na papalapit ang mga kabarkada ni Rupert kila ate Japs. Mabuti nalang ay may kaingayan sa venue kaya di narinig nila Rupert ang sinabi ni Mheryl.

"Mga A-listers." Wika ni Ate Joyce.

"Ay, andyan na yung mga famous! Nagsama sama." Sambit ng isa sa nasa likod ko.

Kami kaya? Kailan kaya kami magiging 'A-listers'? Ano ba 'tong naiisip ko. Hindi nga pala kami nagpunta dito para magpasikat kundi para gawin ang hilig namin. Ang sumayaw.

Nakita kong napatingin ang grupo nila Rupert at ate sa may pwesto namin. Kinabahan ako. Pinapakilala na kaya nya kami? Ako? Hala.

Tinignan ko si Rupert at napansin na nakitingin sya sa amin. Blangko ang expresyon ng mukha nya. Hindi ba sya masaya? Napabuntong hininga ako. Nakita ko na may lumapit na organizer kila ate Jae. Mukhang tinatawag na sila para magperform.

Nagpalakpakan ang lahat at nag dim ang lights sa venue. Sasayaw na sila. Nakatayo parin sa parehong lugar si Ate Japs at nakaangat ang cellphone. Alam kong suportado nya ang bestfriend nya, at halatang kukunan ito ng video. Habang nakatayo sa dulo ay nakikita ko na mukhang kinakausap sya ni Rupert. Tumutungo at ngumingiti lang ang kapatid ko. Bakit kaya kahit hindi mag effort ang iba ay napapansin sila ni Rupert?

Binaling ko na ang tingin ko sa stage kung saan bigay todo ang pagsayaw nila Ate Jae. Ang galing nga nila. No wonder kung paano sila naging kilala sa kpop CG (cover group) world.

After ng sayaw nila ate Jae ay hindi ko na matanaw sila Rupert. Nawala rin si ate. Siguro nasa backstage sila para icongrats sila ate.

"Kain muna tayo. Gutom na ko." Yaya ni Jam.

Tumango ako at sabay sabay kaming tumayo. Napagdesisyunan namin na mag Jollibee nalang.

Matapos kumain ay naisipan namin na libutin muna ang mall. Sa mga mall madalas ginaganap ang mga kpop convention.

Habang nag iikot at nag vibrate ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text galing kay ate Japs.

From Jasper Isabelle : San kayo?

Agad kong nireplyan ang kapatid ko. Nagreply din sya after ilang minuto.

From Jasper Isabelle : Uwi na kami.

Hala! Agad? Ni hindi nya kami papanoorin? Grabe. Sanay na ko sa kapatid kong 'to dahil alam ko naman na hindi nya hilig ang lumabas at gumala kung saan. Taong bahay ba. Agad kong nireplyan ang kapatid ko ng 'okay'. Sinabi ko na rin sa mga kasama ko na umuwi na sila ate Japs.

"Akala ko ba ilalakad ka nila kay Rupert mo?" Wika ni Darlene.

Napatigil ako. Teka. Oo nga pala!

That One HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon