Part I : Paghanga

182 6 4
                                    

"Niel, gising na daw!" Inalog alog at tinapik tapik ako ng kapatid ko. Naririnig kong naninermon nanaman ang lola ko.

Ako nga pala si Niela, at ganito kami kada umaga. Maingay. Ganun na nga siguro talaga ang mga matatanda. Naiintindihan ko naman ang lola ko. Siguro hindi buo ang araw nya kapag hindi sya nakapanermon. Tumayo na ako at kinusot kusot ko ang mga mata ko. Nakahanda na ang almusal pero pinili ko munang maligo para magising diwa ko.

Bakasyon ngayon, ngunit halos dalawang linggo nalang ay magsisimula na ulit ang klase. Habang abala kaming magkakapatid sa gawaing bahay, sumisimple akong tumitingin sa phone ko. Ewan ko ba. Kung si lola, hindi kumpleto ang araw kapag wala syang paninermon na nagagawa, ako naman, hindi na yata mabubuhay nang walang cellphone.

"RUPERT NANAMAN!" napaigting ako ng narinig ko ang pinsan ko na lumabas ng pintuan ng bahay nila. Iisang compound lang kaming lahat at may pwesto sa compound kung saan kami naglalaba. Lumabas ang pinsan kong si Mheryl na nakabusangot.

"Gaga." Sabay baling ko muli sa nilalabhan.

"Famous yun. Hindi ka mapapansin nun!" Wika ng pinsan ko.

"Oo nga." Narinig kong sumabat naman ang nakakatanda kong kapatid na si Jam.

Nginitian ko sila ng sarcastic na ngiti at nagpatuloy sa ginagawa. Oo nga naman. Sino nga ba ako para mapansin ng isang Rupert Mathew Manalili? Si Rupert ay isang kilalang personalidad sa kpop cosplayer world. Sa bansa namin ay hindi na bago ang pagcocover o pagcocosplay ng ilan sa mga kilalang Kpop idol o Kpop superstar. Isa na si Rupert doon. Sa sobrang kilala ng pangalan ni Rupert, ay madami din tulad ko ang humahanga sa kanya.

Hindi na bago sakin ang kwestyunin ang sarili ko kung ano at sino nga ba ako para mapansin ng isang Rupert Manalili. Alam ko sa sarili ko na may ibubuga naman ako at kayang makipagsabayan sa iba nyang fangirl. Matangkad ako, maputi na may mahabang buhok, at hilig ko rin ang pagkanta at pagsayaw. Sa katunayan, may cover group nga ako at nagcocover kami ng mga sayaw ng Miss A, Exid at iba pa. Pero alam ko parin na suntok sa buwan ang pag hanga ko kay Rupert.

××××××××××××××××

Habang lumilipas ang mga araw, ay abala kami ng grupo ko sa sayaw na balak namin iperform sa stage sa isang kpop convention. Naimbitahan kami sa isang production number at mababasa mo sa aming lahat ng pagkaexcited.

"Niel, paano pag nakita mo si Rupert sa event?" Tanong sakin ni ate Joyce, ang pinakamatandang myembro sa Goddess. Iyon ang pangalan ng cover group namin.

"Nakita ko na sya noon. Saka ano naman?" Wika ko.

"Baka magpanic ka tapos magkamali mali ka sa routine natin ah?" Sambit naman ng isa pa sa kamyembro namin at isa sa malapit kong kaibigan na si Darlene.

"Gaga." Sagot ko at nagtawanan silang lahat. Hindi naman ako ganun. Oo crush ko sya pero di naman ako papasindak ng ganun.

Matapos namin mamili sa mall ng damit na magagamit namin sa sayaw ay nagkayayaan kami na tumambay muna sa bahay. Bumili kami ng pizza at donut para meron kaming makakain habang nagkukwentuhan.

Sa bahay ay nadatnan ko ang pinaka nakakatanda kong kapatid na si Ate Japs. Mukhang may gala sya. Bagamat nakasuot lamang sya ng simpleng plain black t-shirt na manipis at short shorts ay halata kong may importante syang pupuntahan. Habang nagsasapatos ay tinanong ko sya kung san ang punta nya.

"Kila Riley." Matipid nyang sagot. Agad syang umalis matapos magsintas ng sapatos.

Si Kuya Riley ang masugid na manliligaw ng ate ko. Ang pagkakaalam ko, ayaw nya kay Kuya dahil lagi nya ito pinagtutulakan kapag dumadalaw ito sa bahay. Ewan ko ba!

Dahil nasa balkonahe ang mga kaibigan ko, ay nadaanan sila ni Ate Japs. Bakas sa mukha ng mga kagrupo ko ang paghanga nila kay ate. Ganun naman talaga. Simula highschool ay marami na ang naaatract sa kapatid ko. Matangkad din sya tulad ko, mas maputi sa akin, at may mga mata na tila koreana. Para nga syang anime kung titignan dahil sa mahilig ito mag dye ng buhok.

"Ang ganda talaga ng ate mo noh?" Sambit ni ate Joyce.

"Sigurado pag yan ang nagpursigi kay Rupert, pak!" Wika ni Mheryl na pinsan ko, sabay tawa.

Inirapan ko sya at bingyan ng hilaw na ngiti. Pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang isang ideya.

Malapit si ate sa mga kilalang kpop cosplayer sa bansa. Isa sa matalik nyang kaibigan ay binansagang "Jihyun PH" dahil kawahig na kahawig ito ni Nam Ji Hyun ng 4minute. Ano kaya kung.....

"Niel?" wika ni Jam na kapatid ko.

"Sila ate Japs and ate Jae!"

That One HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon