Part V : He's Here

15 4 2
                                    

"Sigurado ka bang boyfriend mo talaga yun?" Pagtatanong ni Rianne.

Konti pa, sasabunutan ko na 'to. Aminin ko na kaya na hindi ko boyfriend si Rupert? Buong araw ako kinukulit ng mga kaklase ko. At ang madalas kong isagot ay ang pag ngiti.

"Two days na simula nung invitation namin sa kanya yet di ka parin nya sinusundo." Wika ni Rianne.

Hanggang sa nagtapos ang buong araw ay hindi sila natapos sa pagtatanong at pag uusisa sakin. Papalabas na kami ng school ng may napansin kaming pinagkukumpulan sa may waiting area sa labas ng school.

Ng makalapit kami ay naaninag ko na isang matangkad na lalake ang pinagkakaguluhan nila. Sus! Yun lang pala. Napakunot ako ng noo dahil pilit kong inaaninag ang itsura ng lalakeng yun.

"Nakatingin sya dito." Wika ni Alexa.

Tinignan ko ulit ang lalake at-

"Omg! Niela!" Wika ni Rianne na may paghampas sa braso ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko ang lalake. Si R.. Rupert!!

Umayos ng pagkakatayo si Rupert. Kanina ay nakasandal sya sa may waiting area. Nakatingin sya sa akin. Kinakabahan ako dahil baka galit sya at ipagsigawan nya sa buong campus ang kasinungalingan ko. Tsk tsk ang bilis talaga ng karma!

Hinila ako papalapit nila Rianne kay Rupert. Kahit ayoko ay tila walang nagawa ang mga paa ko. Nang makalapit na kami ay hindi ko matitigan sa mata si Rupert. Yung pagiging poker face nya. Ni wala syang emosyon. Ang cold ng aura nya.

"Excuse me. Padaanin nyo nga kami. Kasama ko girfriend nyanf pinagkakaguluhan nyo!" Pagmamayabang ni Rianne.

"Hi." Sambit ni Alexa.

"Si Niela oh..." Wika naman ni Rianne na halos ipagtulakan ako kay Rupert.

Awkward. Ugh. Pwede bang sa lugar na walang tao mo nalang ako pagalitan?? How I wish na makausap ko sya gamit lang ang utak. Nakupo!

"Lets go?" Mahinang bigkas ni Rupert na halos hindi ko marinig dahil sa nagtitilian parin ang mga babae sa gilid namin.

"San kayo punta? Sama kami! Magdidate ba kayo? Sabi ni Rianne.

Chismosa! Ililibing na nya ko ng buhay dahil sa kasinungalingan ko. Anong date!?

Hindi sya sinagot ni Rupert bagkus naglakad na sya palayo. Sumunod naman ako kasi nga ililibing na nya ko ng buhay. Ano ba kasi tong ginawa ko?

"Cold mo naman na boyfriend!" Sigaw ni Rianne.

Lumingon si Rupert sa kanila at ramdam ko pagkairita nya.

"We need a little privacy. That's how we do it. Me and my girlfriend." Sagot ni Rupert.

Yup. Dun sa lugar na hindi nyo makikita kung paano nya ko pagalitan sa kasinungalingan ko. Pero, wait. Tama ba narinig ko? Gi- girlfriend daw? Ako ba yun?

Nagpatuloy sa paglalakad si Rupert at nakasunod lang ako sa kanya. Iniwan namin ang mga kaklase ko dun na nagtilian matapos ng sinabi ni Rupert. Nakarating kami sa 7-Eleven sa paglalakad namin. Pumasok si Rupert sa loob at yun narin ang ginawa ko.

Kumuha sya ng Hotdog sandwich at Slurpee at ganun din ginawa ko. Halos ginaya ko lang ang mga kilos nya. Wala na ako sa wisyo. Ang iniisip ko lang ay kung ano ang mga sasabihin nya sakin.

Nilapag nya sa counter area ang mga kinuha nya, at nilingon ang parehong pagkain na inorder ko. Sumenyas sya na ilagay din sa counter ang mga kinuha ko. Naglabas ako ng wallet pero pinigilan nya ko.

"I'll pay. Go get us a table." Aniya.

Eto na talaga Niela. This is it. Naghanap ako ng bakanteng table. Hindi naman ganun karami ang tao sa store at maraming vacant tables pero pinili ko iyong dulo. Para sakaling sigawan nya ako ay hindi naman kami literal na center of attraction.

Nilapag nya ang mga binili namin sa table.

"Thank you." Mahinang sabi ko.

Nabalot kami ng katahimikan sandali habang inaantay ko na magsalita sya. Nagpatuloy lang sya sa pagkain.

"Sorry." Sabi ko. Pinili ko nang simulan ang conversation dahil gusto ko narin matapos to.

Nilapag nya ang hotdog sandwich sa table at tumingin sakin. Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

"Bakit mo sinabi na boyfriend mo ko?"

Inamin ko ang totoo na napressure lang ako. Alam kong ang babaw pero inamin ko sa kanya ang totoo. Nakinig lamang sya at hinayaan akong magsalita.

"Bakit ako?" Tanong nya.

"Ikaw una kong naisip. Sorry na. Bukas na bukas sasabihin ko sa mga classmates ko na hindi totoo lahat. Sorry talaga. Pero please  wag mo nalang sana ikwento kila ate Japs."

Sincere ako sa sinabi ko. Aaminin ko na talaga bukas sa mga kaklase ko. Ayoko lang sana na makarating pa to sa iba.

"No." Aniya.
Tinignan ko sya ng buong pagtataka.

"Ha?"
"I said no." Sabi nya.

"Oh sige. Aaminin ko din kila ate, hayaan mong ako magexplain sa kanila."

"No, that's not what I meant." Inabot nya ang slurpee sa tabi nya at uminom. Hindi ko sya maintindihan.

"Wait. Hindi ko magets. Anong gusto mo gawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Let them think na I am your boyfriend. Huwag mo muna tapusin, this is actually exciting." Aniya.

Kumunot ang noo ko at hindi na talaga sya maintindihan.

"Sorry.. Pero hindi ko parin magets." Sabi ko sa kanya.

"I'll be your pretend boyfriend. Hayaan mo muna yung storyang ginawa mo." Kumagat ulit sya sa sandwich na hawak nya.

"Anong catch nito? Anong kapalit?" Gustong gusto ko malinawan dahil gulong gulo na ko.

"Nothing for now. Pag iisipan ko pa." Sabi nya, sabay punas ng tissue sa bibig nya.

"My life is kinda boring lately. Saka na kita sisingilin. Lets see where this story can lead us." Sabay ngiti sa akin.

Tinignan ko lang sya habang nakakunot ang noo ko. Tumitig din sya sakin at ngumiti.

"I'll be your boyfriend and you'll be mine."

That One HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon