"BAKIT MO KO INUNFRIEND?"
Wow. Ang gandang bati sa umaga ah. Akala ko ba nag-practice ka ng mga sasabihin on the way here?
"Ano? Ah! Sa Facebook ba? Teka lang, ganyan ka ba bumati ng good morning?" Sagot ni Niela.
"Papasukin mo kaya." Wika ng babae sa likod nya. Mukhang tita nya ang isang 'to. "Buti wala si mamang dito, papasukin mo Niel." Dugtong ng babae.
Binuksan ni Niela ang gate. Agad din naman akong pumasok.
"Good morning. Bakit mo ko inunfriend?" Iba ka talaga, Rupert. Eto ba ang nangyayari pag kinakain ang pride?
"Eh ano naman kung inunfriend kita. Account ko naman yun." Sagot nya. "Umuwi ka na. Ang aga aga, dumadayo ka."
"Pero diba ang tagal mong inantay na i-accept ko yung friend request mo?"
Nakita kong namula sya ng bahagya.
"Oo nga. Pero kung gaano ka kadali mag move on, ganun din kadali mag unfriend noh."
Ako? Nag move on? Anong sinasabi nito?
"Kayo ba?" Tanong ng babaeng tumawag kay Niela kanina.
"Oo!"
"Hindi, Lei!" Sabay na bigkas namin."Wait, paano naging tayo eh diba nakikipaglaro ka lang?" Tanong ni Niela. "Napahod na ko makipaglaro. Napagod na ko mag pretend. Napagod na ko, Rupert. Wala namang tayo."
"Pero pwede namang totohanin. Gusto kong totohanin." Mahinang sabi ko.
———
*** NIELA'S POV ***
"Pero pwede namang totohanin. Gusto kong totohanin." Wika ni Rupert.
Ano ba 'to? Anong sabi nya? Bakit heto nanaman tayo? bakit andito ka nanaman? Bakit ganito nanaman ang nararamdaman ko? Parang tumigil nanaman ang mundo ko. Lahat ng paru-paro sa tyan ko na kanina pa gustong kumawala ay halos sumabog na. Siguro totoo nga na hindi ka pwedeng mag move on kung tatakasan mo lang ang isang bagay. Hindi mo pwedeng basta tapusin ang isang bagay nang hindi ito nasisimulan.
"Nag almusal ka na ba?" Tanong ng tita ko na bumali sa katahimikang dinala ni Rupert matapos nyang sabihin yun.
"Tapos na po." sagot ni Rupert. "Iadd mo ko uli." baling nya sakin.
"Ha?" Ano bang sinasabi nito at nag demand pa!
"Sabi ko iadd mo ko uli. Magkita tayo mamaya sa 7 eleven malapit sa school nyo." Sabay labas nya sa gate namin. "Alis na po 'ko ako." Nagpaalam siya kila tita at agad nyang pinaandar ang motorsiklo nya't umalis.
ANO BANG PROBLEMA NO'N ANONG MAKITA KAMI? AT BAKIT KO SIYA IAADD? NASIRA NA BA UTAK NI RUPERT SA ILANG LINGGO NAMING DI PAGKAKAUSAP? ANO BA 'TO LORD, GUSTO KO LANG NAMAN MAG MOVE ON BAWAL BA YUN?
"Ibang klase din pala si Rupert." sabi ng pinsan kong si Lei. "Pang wattpad!" Dugtong nya.
TITIRISIN KO 'TONG SI RUPERT EH.
———
Dalawang bagay lang ang maaring mangyari ngayon. Ang totoong closure na dapat sana ay noon pa nangyari, o baka magsimula kami muli.
Huy, ano ba Niela. Imposibleng mangyari yung ikalawa kasi hello. Game lang 'to, pretend pretend. Ilusyunada. Paano ka magmu-move nyan.
Malapit na 'ko sa 7eleven store kung saan una kaming kumain ni Rupert. Naalala ko, dito 'ko halos lamunin ng lupa sa kaba kasi akala ko papagalitan nya ko sa pagkakalat kong boyfriend ko siya. Pero ang ending, mas malalang gulo pa pala yung papasukin ko nung sinakyan ni Rupert ang kabaliwan ko.
Tanaw ko na ang 7eleven at sa loob kita ko agad si Rupert na may dalawang slurpee na nakalagay sa mesa na inokupa nya. Pumasok na 'ko ng store. Tanda ko, ganitong kaba din ang naramdaman ko noong una kong pasok sa store na ito kasama siya. Agad din naman akong nakita ni Rupert, tumayo siya sa kinauupuan.
"Ang tagal mo. Matutunaw na yung binili ko." Bungad nya sakin.
Wow, sinabi ko bang bumili ka nyan at maghintay malay ko ba naman diba?
"Akala ko, 'di ka pupunta." bigkas nya.
Okay na. Finish na. Iyo na ko uli. Ay hindi hindi hindi. Strong independent woman tayo, no. Stand firm, Niela. Panindigan mo coldness mo.
"Late ko nabasa yung message mo kung anong oras ako pupunta." sagot ko sa kanya.
"Late? Or wala ka lang talaga interest makipagkita?"
Actually, oo. Natatakot ako. Nagdadalawang isip. Kasi alam kong sa isang snap lang, kayang kaya mo na uli ako hatakin papunta sayo. Alam kong kayang kaya mo basagin yung wall na unti-unti kong binuo nung nagpaalam ako sayo.
"Hindi naman." Sabi ko.
At nabalot kami ng katahimikan. Napaka awkward nito.
"Magsimula tayo uli. Sa totoo. Ako si Rupert Matthew." Sabay lahad nya ng kamay niya.
Ano 'to? Anong kaba 'tong nararamdaman ko? Hindi ko alam bakit parang kusang kumilos ang kamay ko at nakipagkamay kay Rupert.
"Na— Nice to meet you." hindi ko alam bat bigla akong nautal. Saan nanaman kaya hahantong 'to pag hinayaan kong mahulog ako?
"Your name?" Tanong nya. Ano ba 'to, naguguluhan ako. MITSUHA! Sabihin ko kayang ayan ang pangalan ko? Wow nice, Niela. Hindi ito ang time para magbiro.
"Daniela."
"Finally, lets begin again, Niela."
BINABASA MO ANG
That One Hello
Teen FictionMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...