Nagsimula na uli ang panibagong school year. Medyo matatagalan ulit bago kami makapag perform sa isang convention.
Mabilis ang takbo ng panahon at kahit paano ay naging casual kami ni Rupert. Nagkakamustahan, nag cocomment ako sa mga post nya. Hi, hello. Pero hanggang dun lang yun. Medyo nawalan na rin ako ng pag asa na totoong mapansin nya kasi pakiramdam ko nga, napilitan lang din syang iadd ako nung gabing yun.
"Niel, may gagawin ka mamaya? Daan tayo mall. May bibilhin ako." Wika ng classmate kong si Rianne.
Tumungo ako bilang pag sang- ayon. Wala naman akong gagawin after ng klase dahil maaga anh dismissal namin.
Sa mall ay hinayaan ko lang mamili si Rianne. Tumitingin din naman ako pero wala akong balak bumili. Pakiramdam ko, masyado na akong maraming gamit para dagdagan pa. Mga damit ang pinamili nya.
Ng napadaan kami sa may Nike store ay hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Bumili ako ng isang sneakers na may simpleng design, at kulay itim. Naisip ko rin kasi na magagamit ko ito sa dancing class namin.
Matapos mamili ay pumunta kami sa McDo para kumain.
"Siguro kung may boyfriend ka Niela, hindi na kita mayayaya dito noh?" Wika nya. "Bakit kasi di ka pa nagboboyfriend? Ako madami na naging bf. Trust me.. Exciting!"
Buti nalang at napatigil sya sa pagsasalita dahil turn nya na umorder. Inikutan ko sya ng mata habang nakatalikod. Bakit pa nya kailangan kalkalin ang lovelife ko?
Habang kumakain ay tuloy parin sya sa pagkwento ng mga nakaraang love life nya. Medyo napupuno na ako. Hindi kami close ni Rianne pero okay naman sya. Ang hindi ko lang gusto sa ugali nya ay ang pagiging matabil nya.
"Magboyfriend ka na kasi." Aniya.
"May boyfriend ako!" Napalakas ng bahagya ang pagkakasabi ko dahil narin siguro punong puno na 'ko.
Natigilan sya, pero bumalik sa pagtatanong. "Sino?"
Naku, ayan na Niela. Sino daw! Jusko. Ano ha, anong sasabihin mo eh wala ka naman talagang boyfriend. Nakupo!
"Si.. Si.." Isip Niela. Isip!
Nakatingin parin si Rianne sakin habang hawak ang fries na dapat sana ay isasawsaw nya sa ketchup. Naghihintay sya ng sagot.
"Si Rupert." Sambit ko.
"Sinong Rupert?"
Oo nga pala. Hindi ko kailanman naikwento sa kanila ang paghangga ko kay Rupert. Hindi nila alam na ito ang matagal ko ng nagugustuhan."Hindi nyo sya kilala. Hindi naman kasi sya nag aaral sa school naten." Sabi ko.
Tumango si Rianne at nagpatuloy sa pagkain.
"Patingin ng facebook nya." Nakangiting bigkas ni Rianne.
Napanganga ako kasi grabe, mukhang hindi parin sya makapaniwala sa sinabi ko. Binigay ko ang FB account ni Rupert dahil naisip ko na kung iadd man nya ito ay hindi rin sya papansinin. Ako nga, nangailangan pa ng tulong ng iba bago ako napansin ni Rupert eh.
Chineck ni Rianne ang account ni Rupert. "Ang gwapo naman!" Ilang beses nya inulit ulit habang nagiiscroll sa mga public pictures ni Rupert.
"Wala kayong picture na magkasama?" Tanong nya.
Tsk. Ayan na nga ba. Jusko Niela ano ba to! Ano na isasagot mo ngayon?
"May pictures kayo na-" natigilan si Rianne ng may tumawag sa phone nya.
Nabunutan ako ng tinik. Sana makalimutan na ni Rianne ang tungkol sa boyfriend ko kuno. Tsk ano ba naman napasok mo Niela.
Kinabukasan sa school ay nagulat nalang ako nang makarating din sa iba naming classmate na may boyfriend na ako.
"Bat sinabi mo sa iba?" Tanong ko kay Rianne.
"Tinanong kasi nila ano mga napamili at ginawa naten sa mall kahapon, hanggang sa naikwento ko na." Nakangiti nyang bigkas sa akin.
"Saka ano ka ba Niela, ang gwapo kaya ng boyfriend mo." Sabi ni Alexa, isa ko pang classmate.
Napakunot ang noo ko.
"Rianne! Wag mo sabing pati FB account ni Rupert-" naputol na agad ang pagtatanong ko ng tumungo tungo na sya na parang aso.Napa-face palm nalang ako. Ani ba to.
"Minessage ko kaya sya." Sabi ni Rianne.
"Okay." As if naman magrereply yun sayo.
"Ako din saka si Grace." Sabi naman ni Alexa.
Naku, goodluck. Maswerte na kayo pag naseen zone kayo nun!
"Sabi ko sunduin ka naman nya minsan sa school." Wika ni Rianne.
"Ahh." Pero nanlaki ang mata ko ng marealized ko ang sinabi nya.
"Ano? Minessage mo ng ganun?!""Oo. Para mameet namin ng personal." Sabi naman ni Alexa.
Naguluhan ang pagiisip ko dahil jusko paano naman ako susunduin ng boyfriend ko eh di ko naman talaga sya boyfriend.
Isa pa. Minessage nila si Rupert. Ibig sabihin, nakarating na rin kay Rupert ang kasinungalingan ko.
Tsk tsk. Lagot ka Niela!
BINABASA MO ANG
That One Hello
Fiksi RemajaMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...