9:30 AM ng makareceived ako ng text galing kay Rupert. Pinaalala nya sakin na susunduin nya ako ng pass 10 AM dahil ngayon ang araw na imimeet ko ang pamilya nya.
Habang nag aayos ako ng sarili ay hindi maalis sa isip ko ang ginagawa naming pagpapanggap. Hindi ko alam kung hanggang saan kami nito dadalhin. Sa totoo lang, gusto ko nang umayaw. Iniisip ko paano ako titigil sa gulong ginawa ko. Dalawang linggo na matapos sakin sabihin ni Rupert na ipakikilala nya ako sa pamilya nya. Dapat ay agad agad iyon, pero na-adjust ng na-adjust dahil daw sa schedule ng family members nya.
Maya maya pa't may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"He's here." Wika ni Ate Japs matapos buksan ang pintuan.
Tumango ako at tumayo sa kinauupuan ko. Simple lang ang suot ko. Sabi ni Rupert hindi naman daw formal meet ups eto, dapat daw suotin ko kung ano at saan ako kumportable.
"Be careful with your little game." Wika ng ate ko na nagpatigil sakin palabas ng kwarto.
Nilingon ko sya at agad nagtama ang mga mata namin.
"I know everything."
"Did he tell you?" Tanong ko.
"No. Actually, I figured everything out."
Aniya sabay upo sa kama ko.
"Your classmate Rianne..."Hindi pa man sinasabi ni ate ang ginawa ni Rianne ay nakaramdam na agad ako ng pagkairita.
"She is asking me about you and your boyfriend Rupert. No worries, hindi ko naman sya nirereplyan. I thought it was just one of your delusions, and nothing serious, but I got curious when Rupert ask me to excuse you to go with him sa Anda."
Huminga sya ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita.
"I don't know the real deal or the real score. I just know this came in super fast. So if you guys are playing games, please be careful."Matapos non ay agad syang tumayo sa pagkakaupo at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan ako sa loob na napaisip kung ano nga ba ang kakalabasan ng pinag gagawa ko.
I better stop this as early as I can.
Paglabas ko ay nakita ko si Rupert sa may balkonahe ng namin. Agad syang tumayo at nginitian ako matapos suriin ang suot ko.
Nakasuot ako ng skinny jeans na may butas o ripped sa may bandang tuhod at nakasuot ng isang malaking na statement shirt na may nakalagay na "Stay Weird." Naka-tuck in ito sa may unahan at hinayaan itong naka untuck sa may likuran ko.
Agad naman kaming nagpaalam. Sumakay kami muli sa motorsiklo nya.
Tuwing ganito kami kalapit sa isa't isa ay nawawala sa isipan ko na itigil na ang pagkukunwaring ito. Alam ko na kapag lumalim pa ang nararamdaman ko, baka mahirapan akong kumalas. Baka mas lalo lang akong masaktan.
"Come in." Wika ng isang babae na mukhang kapatid yata ni Rupert.
Pumasok ako sa bahay nila. May kalawakan ang kaninang living room. Nakita ko agad ang malalaking muebles sa may paanan ng hagdan nila. Dalawang leon na mukhang mamahalin at pinasadya. Napansin ko din sa may isang sulok ng living room nila na may isang vintage na organ or piano na kulay itim.
Minimal ang tema ng design ng bahay nila. Alam ko yon, dahil art major ang ate ko at madalas ko naririnig or nakikita ito sa mga projects nya noon. Sa may itaas nito ay mapapansin ang ilang larawan ng pamilya ni Rupert.
"Tama nga si Ruru, you're beautiful." Wika ng isang nakaposturang babae na hini ganun katandaan. Siguro ito ang mama ni Rupert.
"Ma. Stop with the nickname." Ani Rupert na nagpatawa sa isang lalake sa likod nya.
"Looks like our little Ruru is shy!" Wika ng lalake at sabay gulo sa buhok ni Rupert.
"I'm Rupert's Dad. Mas gwapo ako dyan nung kabataan ko!"Nakakatuwa ang pamilya nya. Parang ang gaan nila kasama.
"At syempre, hindi naman mabubuo si Rupert kung wala ang mama nya." Hinawakan ng tatay ni Rupert ang babaeng tumawag sa kanya ng 'Ruru.' I knew it. She resembles Rupert's eyes. Those damn eyes!
Masaya ang lunch ko sa bahay nila Rupert. Pakiramdam ko, belong ako.
"You okay?" Tanong ni Rupert na nagpatigil sa pagmamatsyag ko sa garden nila.
Hindi nila ako hinayaan na tumulong sa hugasin o sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Bagkus, sinabihan nila ako na tignan o magliwaliw sa malawak na bakuran ng pamilya ni Rupert.
"Yup. Bakit?"
"I don't know. I just feel the need to ask you that." Aniya.
Kami lang dalawa ngayon ang magkasama. Binalot uli kami ng sandaling katahimikan.
"Do we have to involve your family?" Hinarap ko si Rupert na ngayon ay nakatingin sa baba.
"On this pretend thing, Rupert... Magsisinungaling din ba tayo sa kanila? Is this how you play games, Rupert?"
Hindi ako nakarinig ng kahit ano sa kanya. Nakayuko parin sya at tila nagiisip ng isasagot sa akin.
"Itigil na natin 'to. Kasi-" sandaling naputol ang pagsasalita ko sa sinabi niya.
"No!"
"Anong 'No'? We better stop this kasi habang tumatagal, mas marami tayong masasaktan! Itigil na naten 'to kasi habang tumatagal, lalo lang tayong mahihirapan! Kasi habang tumatagal baka mas mahulog ako sayo at ako lang din sa huli ang masasaktan! Rupert lets-"
"Then fall for me! Fall for me. I'll catch you so there's nothing to worry! I'll catch you Niela. I' will."
BINABASA MO ANG
That One Hello
Novela JuvenilMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...