"Namimiss ko na siya."
Bigla akong natauhan sa sinabi ko. Bumalik ako sa realidad at tumigil kakaisip sa kanya at sa ilang buwan naming pinagsamahan.
Nandito ako ngayon sa unang 7 eleven store na kinainan namin. Bakit ko nga ba sya namimiss eh wala nga akong ginawa nung bumitaw siya. Ni wala nga akong ginawa para bawiin siya uli. Ah, oo nga pala. Paano mo naman babawiin ang isang bagay na kahit kailan ay hindi naman naging sa iyo?
Ilang linggo na rin matapos nyang magpaalam. Ilang linggo na rin akong nag iisip kung bakit ganito nalang yung nararamdaman ko.
"Hindi naman naging tayo." Tsk, paulit ulit nalang ako dito sa 7 eleven. Siguro iniisip ng mga crew dito, baliw na 'ko at sobrang broken hearted ko.
"I-message mo na kasi." Bigkas ng tao sa likod ko.
Napalingon ako, at pilit inalala kung sino 'tong babaeng 'to.
"Hi, do you still remember me?" Bigla syang tumabi sakin. Pamilyar ang mukha nya pero hindi ko talaga matandaan kung sino siya.
"No. I'm sorry." Sagot ko.
"Okay lang. Kaklase at kaibigan ako ni Niela. Alexa nga pala."
Wow, great. Niela nanaman. Pinipilit ko ngang burahin sa isip ko ang pangalan na yan kasi kahit ako naguguluhan sa sariling takbo ng utak ko eh.
"Ah, oo. Natatandaan ko na. Kamusta?" Bigkas ko. Sobrang awkward nito sakin, knowing na hindi ako marunong makisalamuha sa ibang tao.
"Okay lang. Si Niela, hindi mo ba sya kakamustahin? Namimiss ka na nun." pwede ko kayang walk out-an 'tong babaeng 'to?
"Ah ganun ba. Paano mo naman nalaman na namimiss niya 'ko?" Good Rupert, magtanong ka pa para lalo kang hindi makamove on.
"Ganyang ganyan din siya madalas nitong nakaraan. Tulala sya, tapos nakwento din nya sakin yung totoo."
Totoo?? na laro lang 'to?
"Nakwento nya din sakin paano nagwakas." Dugtong nya.
So, para sa kanya pala yun na ang hangganan. Para sa kanya ba, yun na ang huli?
"Ah...." Awkward silence came in. Wala ako masabi. Ayoko nang magtanong. Ayoko nang may malaman pa.
"Alam mo, lagi kitang nakikita dito." halos mabulunan ako sa slurpee na iniinom ko. Shoot, ganun na ba ka-obvious yung pagpunta ko dito? nakarinig ako ng tawa mula sa kanya. "Ano ka ba, hindi ko naman sinasabi kay Niela yun. Hahahaha. Malapit kasi bahay namin dito, kaya siguro madalas kitang mapansin. Taga dito ka ba? Or may binabalikan ka lang talaga?"
"Wala. Pasensya na, hindi talaga ako marunong makipagkaibigan or makisalamuha ng maayos pero meron sana akong hihilingin, please kalimutan mo na na nakita mo 'ko ngayong gabi dito."
Tumungo sya, at pagkatapos ay tumayo.
"Kung namimiss mo ang isang tao, kumilos ka. Hindi gagawa ng paraan ang universe para magkaayos kayong dalawa."
and it hit me. Alam ko yun, pero bakit parang natauhan ako sa sinabi niya?
"See you around, Rupert." ngumiti siya, at patuloy nang lumabas sa store.
Alam kong ako ang dapag gumawa ng paraan para magkausap kaming muli. Pero hindi naman kasi ganun kadali yun. Hindi ganon kadali lunukin ang pride.
———
Hindi ako makatulog at patuloy ko parin iniisip ano kayang dapat gawin para maging okay ang lahat. Hindi rin ako makakamove on alam ko, dahil hindi naman naging kami at hindi rin maayos ang closure namin. Bakit ko pa kasi sinimulan ang mga bagay bagay at naglaro ng ganito na ang ending ako rin ang mahihirapan?
Anong oras na. Sisikatan na 'ko ng araw dito kakaisip sa wala.
Nag iiscroll ako sa Facebook gamit ang phone ko nang bigla kong napagtanto na bakit wala na akong nakikitang post nya sa newsfeed ko. Chineck ko ang profile nya at nagulat dahil hindi na kami connected. Hindi na kami friends sa social media.
"Inunfriend nya ba 'ko???" Aba, ang lakas ng loob!
Gusto ko sana siyang imessage kaso greyed out ang message button nya.
"Rupert, may kape na dito! Mag almusal ka na rin." Sigaw ni mama sa baba. Agad akong bumangon at bumaba para magtungo sa kusina dala parin ng cellphone ko.
Shoot, umaga na. Ang aga ng bungad sakin ng facebook na 'to. Bat nya ko iuunfriend eh diba ilang siglo nga syang nag intay sakin para iaaccept ko ang friend request nya?
"Ru, wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni papa.
"Wala po. Pero may pupuntahan ako. Pa, pwedeng mahiram yung susi ng motor?"
"San ka naman pupunta eh kay aga aga, mag almu—" napatigil si mama sa pagsasalita nang hinawakan ni papa ang kamay nya.
"Hayaan mo na. Nasa kwarto namin, sa taas ng drawer. Nandoon ang susi." Bigkas ni papa.
Agad akong tumayo matapos maubos ang kape na inihanda ni mama. Narinig ko ang bulong ni papa kay mama habang paakyat ako at papunta sa kwarto nila.
"Hayaan mong ayusin nya ang sarili nya. Malaki na si Rupert. Tignan natin ang mangyayari sa gagawin nya."
Mukhang may ideya si papa sa gagawin ko.
Agad akong umalis at nag motor matapos magpaalam sa mga magulang ko. Napakasupportive at swerte ko sa pamilya ko. Ngayon naman, aayusin ko 'tong gusot na ginawa ko. Hindi ako sigurado sa daan, pero bahala na. Bahala na sa kakalabasan.
———
Agad 'kong kinatok ang gate na itim sa bahay kung saan may babaeng nagwawalis. Siguro kasing edad ko lang siya o mas bata pa.
"Bakit? Ano yu—" napatigil siya. "Rupert??" Mukhang gulat siya, pero agad pumunta sa likuran ng bahay na para bang may tatawagin. Maya maya pa ay dumating na ang taong gustong gusto ko na kausapin.
"Anong ginagawa mo dito, ang aga aga—"
"BAKIT MO 'KO INUNFRIEND?"
BINABASA MO ANG
That One Hello
Novela JuvenilMatagal ng nagugustuhan ni Daniela (Niela) si Rupert, isang sikat na kpop fanboy, pero alam nyang suntok sa buwan para mapansin sya nito. Paano kaya mahuhulog sa kanya ng di inaasahan ang isang lalake na noon eh kahit 'seen zone' at hindi magawa sa...