Part VI : The Pretend

12 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na na boyfriend, or shoul I say "pretend boyfriend" ko na si Rupert.

After namin kumain noon sa 7eleven ay nagpalitan kami ng number. Kung hindi lang ako kinakain ng kaba at pagtataka noon, ay baka mahimatay ako sa kilig.

"Niela? Bakit nga pala hindi kayo naka in-a-relationship ni Rupert?"
Eto nanaman si Rianne. Wala ba tong buhay o dapat gawin bukod sa pag uusisa ng buhay ko?

"Rianne, masyadong private si Rupert. I sense it nung pumunta sya para sunduin si Niela." Wika ni Alexa, sabay ayos ng eye glasses nya.

Inayos ni Rianne ang buhok at inipit ito sa likuran ng tenga nya.

"Bahala ka. Kung ako ang boyfriend ni Rupert, iinggitin ko lahat ng Facebook friends ko!" Ani Rianne.

Eh sa hindi. Pake mo ba sa relasyon namin na kahit ako ay hindi rin maintindihan?

Tumunog ang phone ko at agad kong nakita ang pangalan ni Rupert na nag appear sa screen nito. Nakatanggap ako ng dalawang text message galing sa kanya.

From Rupert :
Sunduin kita mamaya.

Napakunot ako ng noo at nagtaka. Sunduin? Baka wrong send lang sya? Binuksan ko din naman agad ang isa pang text galing sa kanya.

From Rupert :
Wala ka bang load? May pupuntahan tayo. Naipagpaalam na kita kay Japs.

Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin dahil may halong pagtataka at kaba ang naramdaman ko. Is he asking me for a date? Psh! Ni hindi nya nga ako tinanong eh. Duh, Niela. Kung tatanggihan ko ba sya, pagsisigawan nya sa buong Pilipinas yung kahibangan ko?

Dahil sa wala akong load ay nakitext ako kay Alexa. Tinext ko si Rupert at sinabing pumapayag ako sa pag aaya nya. Sinabi ko din na wala akong load kaya di ako makakapag reply at na nakitext lang ako sa isang kaklase.


Matapos ang klase ay agad kong namataan si Rupert sa may tapat main gate ng school namin. Syempre, nagtilian nanaman ang mga kaklase ko. Wala ba silang lovelife? Hindi ba nila napapanood 'to sa isang teleserye? Kung oo, hindi pa ba sila nagsasawa sa ganitong eksena?

Lumapit ako kay Rupert at nakita ko syang pinasadahan ang itsura ko.

"You're wearing that?" Tanong nya.

Tinutukoy nya ang suot kong P.E. uniform at malamang, hindi nya din papalagpasin ang hagardo versoza kong itsura.

"Yeah. Unless you want me to go home first para magpalit?" Sagot ko.

Pinagtaasan nya ko ng kilay.
"No need. We're in a hurry."

Tinalikuran nya ko agad pagkatapos sabihin yun at agad naglakad papalapit sa isang motorsiklong nakaparada sa may di kalayuan.

"Sayo 'to?" Turo ko sa motor dahil nakita kong kinuha nya ang dalawang helmet na nakapatong dito.


"Yes." Matipid nyang sagot.

"Sasakay tayo dito?"

Tinitigan nya ko na parang naiirita.
"Obvious ba? Not unless you want to walk and run to chase me while I'm riding this."

Wow naman Rupert, hindi ka lang cold na tao eh noh? Pilosopo ka rin eh! Naku, kung di ka lang gwapo.

Inirapan ko sya at kinuha ang pink na helmet sa kamay nya. Sinuot na nya ang black helmet at agad sumakay sa motor. Ginawa ko rin yun. Medyo naiilang pa ako kasi nasa harapan ko sya. Ang lapit namin sa isa't isa. Kinikilig ako, nakakainis!


Sakto lang ang pagpapatakbo nya ng motor. Hindi mabagal, at hindi rin mabilis. Hindi ganoon ka-traffic kaya nakarating kami agad sa lugar na kung tawagin nila ay 'Anda'. Para syang gym or dance studio. Maraming mga grupo ang nagpapractice dito kaya halo halo ang tunog. Halos lahat pa yata at kpop fan.

Umupo ako sa may gilid at itinabi sakin ni Rupert ang bag nya. Kandong ko ang bag ko habang nasa tabi ang mga gamit ni Rupert.

Nakita ko syang lumapit sa isang grupo ng mga kalalakihan. Pamilyar ang mga mukha nila. Kung hindi ako nagkakamali, eto ang grupo ni Rupert na kung tawagin ay Face Off.

Pinanood ko lang silang magsayaw. So, kaya ako sinama ni Rupert dito ay para magbantay ng mga gamit nya. Wow. Ganito ba gawain ng lahat ng girlfriend sa mundo?

Matapos ng dalawang oras na pagsasayaw ay agad nagpaalam ang dalawa sa kagrupo ni Rupert. Sana umuwi na kami kasi low batt na ang phone ko kaka-scroll ng kung anu-ano sa dalawang oras na pag upo ko dito.


"Uwi na ba tayo?" Tanong ko kay Rupert ng lumapit sya sakin para kumuha ng pamunas sa pawis nya.

Hindi ko mapigilang tignan ang pawis na tumutulo papuntang jaw line nya. Naka side view sa ngayon at nakaluhod na may inaayos sa bag nya.

"Not yet. I'm hungry. Kain muna tayo." Sagot nya na hindi man lang ako tinignan. Patuloy lang sya sa pag aayos ng gamit nya.

"Wow magdidate sila!" Wika ng isang lalakeng kagrupo ni Rupert.
"Hi, Micko nga pala." Sabay lahad ng kamay sa akin.


Tumayo si Rupert at agad hinarap ang lalakeng nag ngangalan daw na Micko.

"Dude. Diba uuwi na rin kayo?"

"Hahaha! Oo na Rupert. I'll back off. Pwede mo naman sabihin sakin ng direkta yun. Nagpapaligoy ka pa." Wika ni Micko.

Lumingon si Rupert sa akin na nakaupo parin. "Let's go?" Tanong nya, sabay kuha ng bag ko na kalong ko kanina.

Agad naman akong tumayo at sinundan sya sa paglalakad nya. Weirdo.


Hindi naman kami ganun katagal naglakad dahil may malapit na 7eleven sa may Anda. Tulad ng una naming eksena, inutusan nya akong humanap ng upuan. Nakita konf inorder nya ang parehong inorder namin ng una. Pagkatapos mag bayad ay nagtungo na sya sa table na nireserba ko para samin.

"Pagkatapos nito, uuwi na ba tayo?" Tanong ko. Agad syang nagtaas ng tingin sa akin.

"Uwing uwi ka na ba? It's a date diba, pretend girlfriend?" Sabay kagat sa hotdog sandwich na hawak nya.

Wow. Date pala ang ganito para sayo? Samahan ka sa mga kaibigan mo, paupuin ako sa isang tabi, panoorin kayo ng dalawang oras?? Ni hindi mo nga ako pinakilala sa nga kagrupo mo eh. Anong date!

Nagpigil ako ng sarili dahil baka ibuhos nya sakin ang slurpee na binili nya kung sasabihin ko ang laman ng utak ko.

"That's my cover group. Face Off."
Uminom sya saglit sa slurpee sa gilid nya.
"I uh... I told them you're my girlfriend. See, kung gusto mo paniwalain lahat, dapat wala kang gusot sa side ko. This pretend thing would be nicer if it's smooth."

Tahimik ko syang pinakinggan. Hindi ko alam kung bakit wala akong nai-react. Biglang sumagi sa isip ko na itigil nalang lahat. Nag fast forward kasi sa utak ko na paano kaya namin ititigil ito soon?


"And Niela... I want you to meet my family tomorrow."

That One HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon