Chapter IV: Alarm Clock

1.1K 82 9
                                    

"BWAHAHA. Dahil sa sobrang sama ng ugali mo, halika, susunugin kita."


"Sino ka sa tingin mo para sumunod ako?"


"Ah. Eh. Ako si... Ako si..."


"Ah alam ko na. Wala kang pinag-aralan ano? Miski sarili mong pangalan, hindi mo alam. Eh kasi naman, mga mangmang ang mga demonyo dito. Wala ba man lang ka-edu-edukasyon dito? NAKAKAHIYA KAYO!"


TOT TOT! TOT TOT!


6:45 am


Same morning. Same devil-dreaming. Same routine. Same BULLSHIT alarm clock ringing!


Sa galit ko, binato ko sa labas yung alarm clock.


Then suddenly...


After 3 seconds...


SHIT! Bakit ko binato yung alarm clock? Eh regalo yun ng besprend ko.


Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at lumabas ng bahay para hanapin yung alarm clock.


Up and down kasi yung bahay namin, so syempre may hagdan.


Isipin mo, kung walang hagdan yung bahay namin.


Diba ang pangit naman tignan na mismo yung may-ari, nag-a-akyat-bahay gang?


By the way, nasan na nga ba ako?


SHIT! Yung alarm clock nga pala.


"Shet. Nasan na yun? Nasan na yun?"


Makalipas ang halos 30 minutos na paghahanap...


May narinig ako bigla.


"ARRGGH. ARRGGH. ARRF-ARRF!"


AY SHIT!


Nginangatngat na nung aso yung alarm clock!


SHIT! BILIS! TAKBO!


YAH!


BOOOGGSHH!


ARF! ARF! ARF!


Tinadyakan ko sa mukha yung aso.


"HAHA. Yan ang nababagay sa'yo. PUSHIT KANG ASO KA!"


HAHA. Kahit aso minumura ko na.


Pero...


Hala! Shet.


Wasak-wasak na yung alarm clock!


Ano nang sasabihin ko sa besprend ko?


Kung sakaling nagtanong sya tungkol dun sa ni-regalong alarm clock nya nung taon?


Napatulala ako at napaisip.


Nang biglang...


AY! DOUBLE SHET!


Oo nga pala, may pasok pa pala ako!


Anong oras na ba?


7:35 am


AY! DOUBLE DOUBLE SHET SHET!


Lagpas kalahati na ang time ng first subject namin!


MA'AM GANDA, PAPUNTA NA PO AKO!


- - - - -


Matapos ang mahabang paglalakbay sakay ng isang uugod-ugod na taxi...


"GOODMORNING MGA BALUGA!"


Hay sa wakas!


Nakarating din ako sa room bago pa matapos ang first subject.


"Mr. Arcanghel, masyado ka pang maaga para sa second period."


Hala! Nadami na ang bitter sa mundo.


Naging bitter narin si Ma'am Ganda.


Dahil yata nung namatay si Pilita.


Kasi naman, yung Ada na balugang yun eh, pinatay pa ang hampaslupa.


"Do you think that you're on time for the first period right now? Look at the time now."


7:59 am


Oo nga noh.


Isang minuto na nga lang.


Pero ayos lang yun.


At least pumasok pa ako sa P.U.W.I.T.


Wew. Nakakadiri naman yung last sentence na sinabi ko.


Medyo SPG.


Ah este, Sobrang SPG pala.


TING! TING! TING!


YES! P.E. Time na!


Pumasok na sa room namin si Sir Ramos a.k.a. Sir Maniac na kahit aso ay pinagnanasaan.


May dala syang good news.


"Okay class."


Sabay hawak sa balikat ni Ella.


Tsina-tsansingan ata.


"Get off with me! JERK!"


"Okay okay, fine. Masyado ka namang pa-hard to get."


Kitang-kita ko sa mga mata ni Harvey ang galit with matching apoy-apoy pa sa ginagawa ni sir kay Ella.


Pero buti nalang at walang ginawa si Harvey na kung ano kay sir dahil kung meron, ay hala, baka mawalan ng ulo si sir.


Ayaw ko naman makakita ng isang teacher na nagtuturo ng walang ulo noh.


"May good news ako para sa mga lalake. Magkakaroon po tayo sa makalawa ng try-outs para sa pagpili ng mga isasali sa basketball team ng campus na lalaban ngayong susunod na buwan sa Clash Of The Campuses Basketball League."


Bigla akong kinuhit ni Harvey.


"Uy besprend, mag-try-out tayo. Dali!"


"Geh geh."


May biglang umepal.


"HAHA. Siguradong hindi kayo makakapasa dun. Eh ang bubulok nyo eh."


Aba! Nakisabat na naman ang Ella.


"Huy Ella Baluga! Kapag hindi ka kinakausap, wag sasabat ha? At isa pa! Sinong may sabing bulok kami pagdating sa basketball? Hindi kami bulok noh! Eh ikaw nga dyan eh, hindi marunong."


"Sinong may sabing hindi ako marunong?"


Huh? Ano daw?


Marunong syang mag-basketball?


Babae? Marunong mag-basketball?


Babaeng halimaw? Marunong mag-basketball?


WHAT THE--


Ibang klase 'tong babaeng 'to.


"Pero wag kayong mag-alala. Hindi ako magta-try-out sa basketball. Pagiging cheerleader ang goal ko."


"WOW. Tinakot mo naman ako dun Ella. Gusto mong maging cheerleader? Shit lang ha. Sa tingin ko, mas bagay sa'yo ang maging mascot. HAHA."


"Eeeww. Duh? Being a mascot is like being a thrash."


"O, edi mas okay. Mukha ka ngang basura eh. Sarap mong itapon."


"ARRGGH! Ewan ko sa'yo! Pushit ka! Pushit!"


"Pushit? Diba yun yung nasa dagat?"


"Ewan ko sa'yo! Ang CORNY mo! SHIT KA!"


HAHA. Nag-walk-out si Ella kahit may teacher pa.


"Ms. De Jesus? Where are you going?"


"To hell sir. Wanna join?"


Deputa! In-smid-an pa si Sir Maniac bago umalis.


Where are we na nga?


Ah. Oo.


Wag kasing palasabat kapag hindi kausap.


"Okay students, kung sinong sasali sa try-outs, kindly sign-up sa ipapasa kong papel."


At ayan na nga.


Pinapasa na nila.


Malapit na!


Oo. Malapit na nga!


Ay? Ang tagal nilang ipasa?


At dahil pauna ang pasa, nauna si besprend na mag-sign-up.


Ayan! Ipinapasa na ni besprend yung papel.


Magsusulat na sana ako ng biglang...


SHIT! Ngayon pa nawalan ng tinta yung ballpen ko.


Hinanap ko sa bag yung isa ko pang ballpen.


Humanap ako nang humanap.


Ang hirap maghanap. Eh kasi naman ang gulo ng bag ko.


At sa wakas!


TING! TING! TING!


"Okay class, ipasa nyo na sa akin yung papel. Dali, at nag-time na! Bilis!"


Magsa-sign-up na sana ako nang biglang...


Takte!


Hinigit sa akin ni sir yung sign-up form bigla at kumaripas na ng takbo palabas.


Mamboboso na naman ata sa CR ng babae eh. Tuwing recess kasi, maraming babae na ang nagsi-CR.


Pinilit ko parin sumigaw kahit malayo na si sir.


"Sir Maniac! Sir Maniac Kabayo! Ang bilis mo pong tumakbo! Madulas sana kayo! Magsa-sign-up pa po ako!"


Pushit naman oh.


Kabayong bingi pala 'tong sinisigawan ko.


Well, recess naman ngayon at actually gutom narin ako. Hindi na kasi ako kumain ng agahan.


"Manang Batchoy, isang sandwich nga po."


Manang Batchoy ang tawag namin dun sa nagtitinda sa cafeteria kasi as usual, kalimitan sa mga tinatawag na batchoy ay mataba.


"Anong sandwich iho?"


"Baluga ka ba Manang? Edi syempre yung sandwich na may tinapay. Common sense naman po dyan oh."


"Anong palaman iho?"


"Manang natatae ka ba? O sige nga, i-testing mong ipalaman ang utot. Kaya mo?"


"Aba iho, namimilosopo ka na ah."


"Aba Manang, mukha ka nang piggy bank ah."


"Ikaw ba iho hindi pa titigil?"


"Ikaw ba Manang hindi pa mahihiya sa'yong bilbil?"


"Aba iho, sumusobra ka na ah."


"Aba Manang, kulang pa sa'yo ang extra rice ah."


"Hoy iho, hindi ako nag-apply bilang tindera dito sa cafeteria para lang sagot-sagutin ng ganyan."


"Hoy Manang, hindi ako pumunta dito para lang makipag-tangahan nang dahil lamang sa isang tinapay na utot ang palaman."


"Pambihira! O, ito na ang sandwich mong may tinapay na utot ang palaman. May reklamo pa?"


"Sa tingin mo Manang?"


"Aba. Magsisimula ka na naman iho ah."


"Ay hindi Manang, patapos na po, patapos na po ang recess. BWISIT!"


Aba, Sino ba sya sa inaakala nya?


Mukha nga syang tinambakan ng maraming tinga eh.


TING! TING! TING!


Ayan, nag-bell na nga. Sabi ko na nga ba eh.


Ang bobo naman kasi ni Manang Batchoy.


Meron ba namang sandwich na walang tinapay?


At saka isa pa!


Walang utot ang naiipahid upang maipalaman sa tinapay. Tss.


- - - - -


Yehey! Tapos na ang class hours!


Habang naglalakad kami pauwi ng besprend ko...


"Uy besprend, bakit ka laging na-le-late tuwing papasok ka sa school tuwing umaga?"


"Eh kasi naman yung alarm clock na regalo mo."


"Ano? Yung alarm clock na regalo ko? Sinisisi mo? Bakit? Papaano?"


Shet. Anong sinabi ko? Bakit ko sinabi yun?


"Ay, naku hindi. Hindi yung alarm clock mo ang dahilan kung bakit ako na-le-late. Ang totoo pa nga eh, SOBRANG laki ng tulong ng alarm clock mo sa paggising sa akin eh."


"Talaga besprend?"


"Oo."


Kahit hindi.


Umiiral na naman ang kasinungalingan ko.


"Ayos pa ba yung alarm clock na regalo ko?"


"Ah oo. Safe and sound yung alarm clock mo with flying colors. Nakalagay nga sa basurahan eh."


"Ano? Saan? Sa basurahan?"


"Ay hindi. I mean sa koleksyon ko pala."


"Ah, sige."


Kahit ang totoo, eh hinagis ko palabas ng bahay yung alarm clock at pinagnga-ngatngat pa ng aso.


"Ay, oo nga pala Gab. Gimik ako sa bahay nyo ha?"


"Huwag!"


"Huwag? Bakit?"


"Ah. Eh. Ang gulo-gulo kasi sa bahay."


Ang totoo eh, baka kasi makita nya yung alarm clock. Mahirap na.


"Naku, ayos lang yun. Sanay naman akong magulo sa bahay nyo eh. Kailan pa ba dun naging maayos? HAHA."


Baluga ba 'tong besprend ko?


Eh sinabi ko na ngang huwag eh.


"Ah. Eh. Ang totoo nyan eh..."


Anong sasabihin ko?


Isip. Isip.


"Ah! Oo. Pupunta pa pala ako sa drug store."


"Bibili ka ng droga?"


"Baluga ka! Hindi ako bibili ng droga. Gamot ang bibilihin ko!"


"Gamot para saan?"


"Ahmm. Sa lagnat besprend."


"Para kanino?"


Pushit naman oh.


Ang dami-dami pang tinatanong. Interviewer lang?


"Ah. Eh. Para sa Mama ko."


"Kailan ka pa nagkaroon ng Mama? Ah este, kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa Mama mo?"


"Ah basta. Mahabang kwento."


"Gaano kahaba?"


Deputa!


Hindi pa ba titigil 'tong lalakeng ito?


"Kasing haba ng ilong ni Procopia Mukhang Hopia Pinocchio."


"Sino yun?"


Ay Pushit!


Leche.


Makaalis na nga.


"Ah basta. Ikaw na ang bahalang kumilala sa pushit na 'yon. O sige, aalis na ako. Bye!"


Kahit ang totoo eh, hindi naman talaga ako pupunta sa drugstore na tindahan ng mga adik na 'yon.


- - - - -


Habang nakahiga ako sa kwarto ko...


"BEEESSPRREEEENND!"


"AY JUSKUPO! PALAKANG MAY PINIGANG TAE! Pushit ka besprend! Ginulat mo ako. Diba sabi ko sa'yo, huwag kang pupunta dito."


Minsan, walanghiya talaga itong besprend ko.


Namamasok nalang ng bahay.


Anytime, anywhere.


Para na nga syang kasali sa Akyat-Bahay Gang eh.


Pero naisip ko...


Pushit! Anong gagawin ko? Baka makita nya yung alarm clock.


"Uy Gab! May ike-kwento kasi ako."


Kwento? Tungkol naman saan?


"Dun mo na sa labas i-kwento sa akin. Hali!"


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa higaan pero bigla nya akong tinulak pabalik.


"Dito nalang besprend. Mabilis lang 'to."


Pasimple kong tinakpan yung alarm clock na halos katabi lang nya.


"Uy besprend! Nakikinig ka ba?"


"Ah. Oo besprend. Ano bang ike-kwento mo?"


"Eh kasi ganto 'yon, lahat daw ng magiging miyembro ng P.U.W.I.T. Basketball Team, may libre daw meryenda bawat praktis."


"Yun lang? Ano ba yan Harvey, ang takaw mo."


"Oo nga eh. Kaya nga galingan natin besprend sa try-outs ha?"


"O sige na besprend. Kung yan ang ikakasaya mo, edi GO LANG NANG GO! Kaya natin yan. Lalo na, kasama mo ako."


"HAHA. Yabang mo rin noh? Uy teka sandali, ano yun?"


Shet! Nakita na nya.


"Ah. Eh. Alin?"


"Yan, yung tinatago mo. Ano yan besprend?"


"Ah. Eh. Wala 'to."


"Dali na. Bilis! Ipakita mo na sa akin."


"WALA NGA SABI 'TO EH! HINDI ITO YUNG ALARM CLOCK MONG IBINATO KO SA LABAS DAHIL SA SOBRANG GALIT KO!"


"Ano besprend? Nagalit ka sa alarm clock ko kaya mo inbinato?"


SHIT! Bakit ba kasi nasabi ko yun. Ang hirap talag kapag walang brake ang dila.


"Ah. Eh. Oo besprend eh. Binato ko yung alarm clock mo palabas at nginatngat pa ng aso. Huwag kang magagalit ha?"


Unti-unti kong ipinakita kay Harvey yung wasak-wasak na alarm clock na regalo nya.


"Ako? Magagalit? Magagalit talaga ako kapag hindi ako kinabag sa kakatawa sa alarm clock na yan. HAHA! Eh hindi naman akin yan eh. Regalo yan ni Ada sa'yo last year. Kulay black yung regalo ko sa'yo. Eh blue yan eh."


Huh?


All this time, inaakala ko lang pala na regalo ni besprend yung alarm clock na blue sa akin?


Tapos regalo pa ni Ada?


Eeeww. Yuck! Iningatan ko pa naman yun ng buong taon.


Tapos, halos papaiyak na ako sa kakahanap para lang dun na nginatngat pa ng aso.


Pushit!


Kaya naman pala ako nahuhuli sa klase eh.


Pangit kasi yung nagbigay.


"Pushit yaan. Si Ada pala ang nagbigay. Akala ko naman ay ikaw. Edi sana pala pagkabukas na pagkabukas ko palang nung regalo eh, tinapon ko na agad. Pushit kang alarm clock ka! Ito ang bagay sa'yo!"


For the second time, binato ko yung alarm clock palabas ng bahay na may halong galit.


"ARRRAAAAYY!"


Huh? Sino yun?


May tinamaan ata nung binato kong alarm clock sa labas.


"Gab, may tinamaan ka ata sa labas. Hala! Yari ka."


Na-curious ako kung sino yung tinamaan kaya lumabas ako ng bahay.


"Besprend, sino yung tinamaan?"


Lumingon-lingon ako para hanapin yung tinamaan.


"Ewan ko Harvey. Di ko alam. Walang tao dito o."


"Oo nga noh. Pero nasaan na yung alarm clock? HAHA. Hala. Yari ka! Baka minu-multo ka na ni Pilita. Hala. HAHAHA. AWWOOOHH!"


Huh?


Ako? Minumulto ni Pilita?


But why?


"Asus, hindi naman totoo yan, at kung mumultuhin nya ako, HAHA sya pa dapat ang humanda sa akin. Dahil ibo-botcha ko sya. Papatayin ko sya ng dalawang beses."

Bad Meets The Worst (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon