[Ella's POV]
"HARVEY?!" O.O
Laking gulat ko nang malaman ko na si Harvey pala ang multo. Napaghahampas ko ito dahil sa galit ko.
"Pushit ka Harvey! Mamatay ka na! Mamatay na kayong dalawa! Siguro inutusan ka ni Gab na takutin ako 'noh? Pushit kayong dalawa! PUSHIT! Nasaan yang Gab na 'yan? Ilabas mo sya! Ilabas mo yang besprend mong walang brief!"
Inisa-isa kong buksan ang mga stall para hanapin si Gab. Pero wala ito dito kaya bumalik ako sa harap ni Harvey para kausaping muli ito.
"Sabihin mo, nasaan yang kaibigan mong ulupong!?"
"URGH! URGH! URGH!"
Umungol na naman sya nang umungol habang itinuturo nya yung mukha nyang may nakapagkit na plunger.
"Huh? Ano? Nasa mukha mo si Gab? Pinaglololoko mo ba akong busluging itlog ka? Ha?"
"URGH! URGH! URRRGHH!"
Pilit nyang tinatanggal yung plunger pero hindi nya kaya so I guess na ang kanyang ibig sabihin is gusto nyang ipatanggal yung plunger ng inidoro sa mukha nya.
"URGH! URGH! URRRGHH!"
"Okay. Okay. Sandali lang. Sandali. Masyado ka namang hot eh."
"URGH?"
"WALA! Ang sabi ko, tutulungan na kitang kumag ka! Hmmp." -__-
"URRRGHH!"
Hinawakan ko yung plunger sa mukha nya at itinulak ang dibdib nya.
Huh? Ano? OH MY GOSH! Bakit ginagawa ko 'to? Bakit nagagawa ko ito? Nakahawak ako sa dibdib ng isang lalake? YUCK! Pero sandali, wait, may napansin akong kakaiba sa dibdib nya eh.
"Ano ba yan Harvey, b-bakit basa?"
"URGH?"
"ARRRGHH. Nevermind na nga lang. Okay. Kapag sinabi kong Three, hihigitin ko na yung plunger ha? At uurong ka naman ha? Okay. One. Two. THREE!"
Sinimulan ko nang higitin yung plunger.
"URRRGHH! URRRGHH!"
WOOH! Intense yun ah. Nakakapagod pala. Pero hindi parin natanggal yung plunger.
"Teka, eh hindi ka naman tumutulong sa akin eh. Ang sabi ko, uurong ka habang hinihigit ko yung plunger pero anong ginawa mo? NAGHINTAY KA LANG NG PASKO! NAGNOCHE BUENA KA LANG SA PLUNGER NG INIDORO MO! Pushit ka! Tumulong ka! Huwag ka lang basta tumanga! Hmmp. Okay. Isa pa ha? I-pwersa mo ha? Para masarapan ako. AY! Este, para mahugot ko pala."
Hmmp. Ano ba yan. Ang baboy-baboy ko ha.
"Okay. Huhugutin ko na uli ha? One. Two. THREE!"
Sinimulang ko na uli ang paghugot at sa WAKAS! Tumulong din si Harvey. WOOH!
Iniurong nya ang mukha nya para tulungan akong matanggal ang plunger ng inidoro sa mukha nito.
"URRRGHH! URRRGHH!"
"URRRGHH! URRRGHH!"
Well, as of now, pareho na kaming umuungol sa sarap. AY! Este, sa hirap pala na aming dinadanas. Shet. Ang baboy ko na.
Fortunately, nakita ko si Patrick na pasipol-sipol pa habang pauli-uli sa labas.
"PSSSTT! HUY! Halika dali! Dali!"
BINABASA MO ANG
Bad Meets The Worst (UNDER REVISION)
HumorPara sa may galit ang puso, basahin mo ito.