Chapter IX: Crazily Decided

820 61 42
                                    

[Gab's POV]

WOW. Nasa loob ba ako ng isang refridgerator?

Bukod sa malamig dito sa Guidance Councilor's Office eh sobrang katatahimik pa.

Hindi ba maalam magparty-party 'tong matandang 'to?

May namatayan ba dito? Nakikipaglamay ba kami dito? Pa-kape naman dyan oh. Biskwit narin para busog.

Suddenly...

Tumingin sa akin ng masama ang Guidance Councilor naming si Ma'am Catausan.

Aba! Loko-loko ba 'tong Guidance Councilor na 'to? Ang sama-sama ng tingin sa akin. Para bang mangangain lang ng isang poging katulad ko. Ang yummy ko daw kasi. HAHA. Naisingit pa yun ah.

Gumante ako. Sinamaan ko din ng tingin si Ma'am Catausan. Actually, mas masama pa sa tingin nya kanina.

Binaliwala lang ni Ma'am ang masama kong tingin at sinamaan naman nya ng tingin itong balugang kaharap ko ngayon sa office na nanuntok lang naman ng biglaan at basta-basta kanina sa court. -__-

But instead of makigaya sya ng pagtingin ng masama sa Guidance Councilor, aba! Pushit ito ah. Ako ba naman ang sinamaan ng tingin?

Pushit ka ding Guidance Councilor ka! Makikigaya ka pa ng pagtingin ng masama sa akin.

Right now, dalawa na silang nakatingin ng masama sa akin.

Oh no! Nagsama ang dalawang kampon ng kadiliman. AAAHHH! Layuan nyo ako!

"Pushit yaan! Wag nyo nga akong tignan ng ganyan! Ang pangit nyo! Siguro, may masamang balak kayo sa akin noh? Mang-re-rape kayo noh? AAAHHH! Tulong! Tulong! May mga rapist dito! AAAHHH! Virgin pa po ako! Wag po! Wag po! Wag--"

BOOOGGSHH!

PAK!

"Aray! Ang sakit nun ha. Ipasundo kita dyan kay Kamatayan eh." -__-

"Osige. Hala, gawa na. Wag ka nang dumada ng dumada pa."

Aba, seryoso ba 'tong balugang 'to? Aba'y gusto na atang mamatay agad eh.

Hmm. Matakot nga 'to.

Pinaglapat ko sa isa't-isa ang dalawang kamay ko at nagsalita ng kung ano-ano. Para mag-style ng ritwal na pagtawag kay Kamatayan na hindi nya alam na joke joke lamang 'to.

"Abrushibara Buripushita Puritangkara Hemiridangpalaka. Ikaw lalake ay susunduin na. BWAHAHA BWAHAHA. Kay Kamatayan ay mamatay k--"

Hindi ko pa man nasasabi yung huling word nung ritwal eh may sumigaw na. -__-

Isang boses na nagmula sa labas ng office.

"ARRRGHH! Let me go! You bastard!"

"Teka, parang boses yun ni ano ah."

Nagulat nalang ako nang biglang umimik yung Guidance Councilor.

"O andito na pala sila eh."

Huh? WOW. Nagsasalita pala 'tong balugang Guidance Councilor na 'to? May dila pala 'to? Akala ko isang nuno lang na nakaupo sa loob ng isang refridgerator eh.

Then bumukas na yung pinto at napatingin naman ako,

"ADA!? Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka sa akin! SHOO! SHOO! Masama kang espirito! Alis!"

Ikinoros ko yung dalawang hintuturo ko na para bang nagpapaalis ako ng masamang halimaw.

"Ano ba Gab! Hindi ako masamang espirito noh."

Bad Meets The Worst (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon