Mine
noun/pronoun
: pati kris kringle paasa
PART1: I never liked Xmas, but I take kris kringle seriously
Inabot ata ako ng 5 minutes para lang makapag-isip ng pinaka-unique na code name para sa kris kringle. I rejected all of your suggestions. (if I chose one of those, e 'di kapag ikaw nakabunot no'n, alam mo na na akin 'yon) Kung tutuusin, dapat wala na nga akong pake dahil code name nga lang 'yon at dapat mabilis lang isipin, but for me, it was just like choosing a username for a social media account. Kailangan pag-isipan ng husto.
I ended up choosing the best that I could think of; yung siguradong hindi obvious na ako 'yon.
Ako
I was laughing while writing it down on a piece of paper provided by Tony. Naimagine ko yung taong makakabunot ng akin; sasabihin niya sa gitna: "Si Ako ang nabunot ko."
Pakshit, ambabaw ko. I find pleasure in things like this, Alex. Alam mo 'yan.
"Natatawa ka ba kasi hindi kasing korni ng mga sinuggest ko 'yung napili mo?" Ang tanong mo.
I shook my head. "Korni din eh. Pang-bangag."
Tumayo ako at nilagay 'yon sa kahon sa may mesa sa gitna bago bumalik uli sa tabi mo. You were busy talking with Jasmine and I overheard your topic.
Codename ang usapan at kinkwento mo kay Jas kung ano yung napili mo at hiningi mo. (Note: na-overheard pero hindi nag-eavesdrop. Narinig kong si "Bae" ka at ang hiningi mo ay disposable razors na worth 300.) Jas sounded like she's a little sad that she won't be a part of our section's Christmas party. Inampon na kasi siya ng kabilang section at hindi na siya tumanggi sa kanila dahil baka magka-issue pa.
Natigil kayong mag-usap dahil nagpapabunot na si Tony. Kumuha na rin ako ng paper sa box at agad sinilip yung nabunot ko. Nakisilip ka rin at tinulak ko yung mukha mo palayo.
"Ano ba!"
"Ako si Bae, 'Lexi. Ikaw ba si Jejemon na Bookstore GC ang hinihingi?"
I shook my head. Jas was looking at the paper I'm holding. Mukhang gusto rin makiusyoso.
"O, e 'di, pwede mo na ishare 'yan! Sino nabunot mo?"
I gave up, hindi naman nga Bae ang nabunot ko at hindi rin ako si JeJeMoN. Safe naman i-share. Tumingin muna ako sa paligid. Nang paniguradong walang nakatingin, ipinakita ko yung papel.
mine
nipple tapethanks! xoxo
Tumawa kayo ni Jasmine. What a nice code name. Benta sa inyo. Benta rin sa'kin eh. Mas pang bangag pa kesa sa napili kong code name. Tapos dahil yung hiningi, nipple tape, sigurado akong kay Karmen 'to. Yesterday, I heard her talking to her friends about the wonderful existence of nipple tape in this world. Tapos ampangit din ng handwriting sa paper, hawig ng sulat niya.
PART2: Nipple tapes are like condoms idk why
Two days before the party, I bought the gift. Nag-abono pa ako ng 38 php para sa dalawang set kasi nga 300 yung naka-set na price ng gift sa kris kringle. First time ko lang bumili no'nー and for some unsure reasons, I felt so embarrassed and nervous when I handed the pack of nipple tapes to the cashier boy. It felt as if I'm a minor pretending to be an adult just to get my hands on some condoms! Para bang illegal na gawain. I really don't know why. Nakahinga na rin naman ako ng maayos pagkatapos.
PART3: The moment of truth
The Christmas party was pretty normal. As usual, may games, kainan and all of that normal stuff they do in Holiday parties. Nothing roused my excitement except your presence. Kasi naman, at least, inampon ka ng klase namin. (Sometimes, I do wonder if the other irregular students feel like they're outcasts. Sabi mo, ikaw, hindi mo naman yun nararamdaman.)
Yung exchang gift lang talaga din ang ipinunta ko. Gusto ko lang makuha yung hiniling kong prepaid load.
"Nabunot ko si Ako! Sino si Ako?" Karmen raised her arm and waved the card. Sayang, naisip ko pa naman na may balot na special. Like a box or something para hindi sobrang obvious yung hininging regalo, kaso wala eh. (Well, expected naman kay Karmen. Even her projects are always done with minimal effort.)
"Edi, ikaw!" I heard Rocco shouted from behind. Nagpigil ako ng tawa dahil ayokong ipakitang ambabaw ko masyado. No one laughed, kahit ikaw, tahimik ka lang at busy sa spaghetti mo. (Ikatlong balik mo na. Pasalamat ka dahil 1/4 ng klase ay nag-d-diet)
I stood up and walked towards her. Naisip ko nakakatawa na ako ang nabunot niya tapos siya naman ang nabunot ko. Parang destiny!
"Ikaw pala! O-M-G! Ikaw si Ako!" She laughed before pouting her exaggeratingly red lips.
So when it was my turn in front, I stared at Karmen. Hindi nga lang siya nakatingin sa'kin dahil busy siyang kausap si Reina.
"Sino ka ba Mine?"
Karmen, still, did not look at me. Lumibot na lang tuloy ang mga mata ko sa loob ng classroom. No one reacted and I started to get worried. Joke ba si Mine? Baka absent? But no one's absent!
"I'm Yours!" Sigaw ni Rocco. Napatingin ako agad sa kanya.
"Are you Mine?"
"Ako si Yours, hindi ako si Mine!" He replied before yawning. Nilito lang pala ako ng mokong!
Bigla na lang kitang nakitang tumayo. You walked towards me as you wiped your mouth with a tissue.
"Sa'n na regalo ko?"
BINABASA MO ANG
Ang Lexicon ni Alexi para kay Alex
Teen FictionWhen one speaks of love and relationship, it's not always in chronological order. Sometimes, it starts with A and ends with Z. Kahibangan, n. : Yung ginawan kita ng lexicon ng mga alaala na may halong pangungumpisal tapos ipapadala ko sa LBC kapag...