numb
adjective
: kailangan ko ng anesthesia, ituturok ko sa hypothalamus ko
"2 years ang contract, 'Lexi. Sa Food and Bev ako. Basta 'pag alis ko, ako parin bestfriend mo, ha? 'Wag mo ko pagpapalit!"
I shouldn't be surprised anymore. Narinig ko na rin naman 'yung sabi mong plano niyo ni Jasmine mag-Singapore. I tried not to care. Hindi ako nakibalita sa kahit ano. Even if you were talking to me about all the requirements and stuff, labas lang lahat sa kabilang tenga ko. Tapos sunod na lang na nalaman ko, aalis ka na pala.
"Hello? Yoohoo, 'Dyan ka pa?"
I cleared my throat and continued speaking.
"Yup! Congrats, OFW ka na. Sige na, inaantok na 'ko. Babye na."
I bit my lip afterwards as I tried not to cry.
"Babye na agad? 'To naman. 'Di mo man lang ba ko ma-mi-miss?"
Then I heard your signature loud laugh. Anong nakakatawa, Alex? Walang nakakatawa.
"Hindi," sagot ko. "Saya ko nga eh, matagal kong 'di makikita mukha mo."
"Weh! Sama ka na kasi! Apply ka na rin para magkasama na tayo do'n! Malay mo, yung ka-sparks mo pala, nasa Singapore! Baka andun si Destiny!"
Gusto ko na ibato yung cellphone ko sa pader. Ka-sparks sa SG? Destiny? Seryoso kang naisip mo pa 'yon?
"Ayoko nga do'n! Kulit mo! Sige na, babye na. Inaantok na 'ko."
Gusto kong sumama.
Gusto kong sumunod para lang kasama kita, pero anong gagawin ko kung tatlo tayo do'n sa SG?
Am I really that desperate to be with you? Ano 'yon, "Wherever You Will Go" ng The Calling ang peg ko? Marunong din naman akong mahiya, lalo kay Jasmine. I bet she wouldn't like it if there would still be a third-wheel; SG na nga kayo tapos e-epal pa 'ko?
Hindi ako dapat nandoon, gets mo ba? It's the "next level" to your relationship. Pangarap 'yon ni Jasmine, yung mangibang-bansa kasama ka. Sasabit pa ba ako sa pangarap ng iba?
"Sige na nga. Ikaw din, mangungulila ka talaga sa'kin. 'Wag kaya kitang i-Skype?"
Pang-asar pa 'yung tono ng boses mo. Lechugas ka talaga. Nanakot ka pa? Sarap mong sapakin minsan.
"'Di 'wag!" Napadabog ako sa kama. I threw one of my pillows on the wall. Nakonsensya nga lang ako kaya pinulot ko rin agad.
"Biro lang!" Tumawa ka na naman. "Ikaw pa, matitiis ba naman kitang 'di makausap?"
Binaba ko na 'yung tawag. I can't take it anymore. Nalunod na ako sa feelings kong nakakapikon. If my voice became shaky, malalaman mo na nag-d-drama na ako.
Speaking of drama, biro mo, lagi kong pinagtatawanan si Mommy tuwing nanunuod siya ng telenobela sa TV. Especially yung scene na aalis yung bida tapos clingy yung ka-partner niya. Nag-iiyakan sila and all that drama shit! Ugh. My mom would always cry while watching those kind of scenes, ako naman, I cringe or laugh. And this night, karma kicked me on the face. Pakshit, ang sakit pala talagang maiwan? And what's funny is, hindi naman tayo. We're just friends. Wala akong karapatan gayahin yung amount ng pag-e-emote ni ate sa paglisan ng bidang lalake.
2 years without you. O baka dumagdag pa, kapag nag-renew ka ng contract.
Lintik na 'yan.
Mamamatay ako kung wala ka— One of the most bullshit lines I've ever heard. Napaka-gasgas sa mga palabas. Bakit ka ba naman mamamatay kung nabuhay ka naman ng matagal na wala siya? What an exaggeration! Pero eto, nararamdaman kong sa bibig ko na mismo lalabas yung mga salitang 'yon.
I hugged Bunny and cried; sa kanya ko na nilabas ang lahat. Anger and frustration. I'm so disappointed with myself. Na-realize ko na sobrang dependent ko na pala sa'yo.
"Swerte mo na stufftoy ka at hindi tao. Wala kang pakiramdam," sabi ko sa kanya.
She only gave me a smile. It was like an assurance that everything's gonna be alright even without you. Pero hindi eh. That assurance is nothing! Ayoko na lang makaramdam for 2 freaking years.
I don't want you to go. Kung ako lang masusunod, itatali kita sa upuan sa kwarto ko at hindi kita paaalisin. Pero career mo 'yan. Who am I to tell you not to go and not to pursue your career in SG? Wala naman akong karapatan. That's your life, not mine.
I took my phone and thought of apologizing. Alam kong hindi naman tama na binabaan kita. But before I was able to type anything, I received a message from you.
Sorry, galit ka ba? Hintayin mo ko pagbalik, okay? Pag bakasyon pupuntahan kita. Para di mo ko mamiss masyado, video call tayo pag andun na ko. Sa fb messenger din kita i-m-message. Okay?
Mamimiss kita, Alexi. :(( Mwah mwah tsup tsup :*
:((
BINABASA MO ANG
Ang Lexicon ni Alexi para kay Alex
Teen FictionWhen one speaks of love and relationship, it's not always in chronological order. Sometimes, it starts with A and ends with Z. Kahibangan, n. : Yung ginawan kita ng lexicon ng mga alaala na may halong pangungumpisal tapos ipapadala ko sa LBC kapag...