ugly
adjective
: I vowed never to describe myself again as such, sabi mo kasi eh
An entire school year in our college couldn't possibly end without beauty contests. Beauty contest para sa saving the environment, beauty contest para sa Buwan ng Wika, beauty contest para sa lahat na ata ng klase ng okasyon... sa totoo lang, hindi ko na maalala kung para saan yung mga iba doon. Ang tanging alam ko lang napaka-relevant ng patalbugan ng kagandahan at katalinuhan para sa college natin kaya't maya't maya ay may ganuong contest.
Like what I said before, I couldn't fathom the relevance of this, but just like any other students, I just go with the flow. Kung hindi ka ba naman kasi a-attend 'di ba, wala ka ng attendance sa klase ng tinamaan ng event? Besides, andyan si Jasmine na pro na sa ganyang event. She's the reason why I glue my butt on the auditorium seat for an hour or so even if I can't stand the program. (God, you know how much I hate beauty contests)
That time when we were in the classroom discussing who will be the next representative for an upcoming beauty contest (for a lower batch class event), you yelled my name.
"I nominate 'Lexi!" sabi mo. I wanted to choke you to death at that moment. Porket wala si Jasmine sa klaseng 'yon, ako naman?
"Guys, pinag-t-tripan lang ako ni Alvestir!" napatayo ako sa kinauupuan ko at natawa sila Reina. Thank God, they didn't write my name on the whiteboard. Kung sakali, nakakahiya kung 1.) makikita ko na ikaw lang ang boboto sa'kin 2.) maraming bumoto tapos ako pa isasabak sa gyera.
Pag-upo ko, tinapakan ko yung paa mo at napa-aray ka.
"Para sa'n 'yon, ha? Sira ka ba? Ampangit ko tapos ako ni-nominate mo?" pabulong kong sinabi, timping-timpi ang inis. Rinig ko na nagpapatuloy na sila sa pag-n-nominate. Si Karmen, vinolunteer sarili niya. Wow lang. The epitome of GGSS.
Umiling-iling ka habang nakapikit. "Never ever say that you're ugly, Pare. Masama 'yan."
Winasiwas mo pa yung hintuturo mo sa harap ko bago mo ko tingnan.
"Seriously, anong trip 'yan? High ka na naman?"
Tumikhim ka bago ka nagpaliwanag. I was expecting for 'Beauty is in the eyes of the beholder' o yung 'Walang ginawang pangit ang Diyos' na explanation.
"Halimbawa nasa ibang scene ka. Magkausap ka'yo ni Charlie at sinabi mo 'yon sa kanya."
Napa-kunot-noo ako. "Charlie? Anong kinalaman niya dito?"
"Halimbawa nga lang!"Napakamot ka ng batok at tumango na lang ako para matapos ka na sa explanation.
"Paano na lang kung gandang-ganda siya sa'yo, physically, emotionally and everything. Yung tipong tingin niya sa'yo ay work of art na underrated, isang obrang kaya niyang titigan habangbuhay kahit magka-dry eyes siya. Yung kita niya lahat ng imperfections mo, halimbawa yung cellulites mo na hindi mawala-wala kahit anong exercise ang gawin mo, yung stretchmarks na meron ka kahit hindi ka pa nanganganak... pero lahat ng 'yon ay gusto niya dahil parte ang mga 'yon ng kabuuan mo. Gandang-ganda siya sa bawat hibla ng buhok mo kahit sabi mo buhaghag, sa ugat mo sa binti na hindi mo gets kung blue ba o green o mixed, sa hugis ng ilong mong hindi ubod ng tangos, sa mga mata mong hindi pangbanyaga yung kulay at sa iba pang mga maliliit na detalye sa'yo..."
Thought at that moment: How wonderful it is to have someone sincerely appreciate you and your imperfections- your entirety! Kahit hindi in a romantic way, even by just liking you (as a person or a friend) and those "ugliness" that you think you posses... masarap na 'yun sa pakiramdam. Not all people can appreciate others' imperfections. Choosy yung iba.
"...Ngayon, kung sinabi mong pangit ka sa harap niya, ano sa tingin mo mararamdaman niya?"
I shrugged even if I knew the answer.
"Siyempre slightly maiinsulto siya pero hindi niya 'yon sasabihin sa'yo. Gandang-ganda siya sa'yo, tapos bigla mong kokontrahin ng 'di sadya sa pamamagitan ng panlalait mo sa sarili mo gamit yung adjective na 'yon? Gusto ka niya as is, tapos sarili mo pala hindi mo kayang ma-appreciate dahil lang sa lack of self-confidence mo? Hindi naman magagalit sa'yo si Charlie kasi naiintindahan ka niya, pero... ayon. Basta."
Natameme ako. I got your point. I really do.
"Pangako mong hindi mo na tatawagin ang sarili mo na pangit, okay?" Mula sa pagka-kunot-noo ay napangiti ka na.
I smiled back and nodded.
"Pero peste ka, 'wag mo kung susubukang i-nominate uli!"
I gave you a sullen glance before I faced front. Tumawa ka lang.
BINABASA MO ANG
Ang Lexicon ni Alexi para kay Alex
Teen FictionWhen one speaks of love and relationship, it's not always in chronological order. Sometimes, it starts with A and ends with Z. Kahibangan, n. : Yung ginawan kita ng lexicon ng mga alaala na may halong pangungumpisal tapos ipapadala ko sa LBC kapag...