yabang
adjective
: there's a difference between being a proud bastard and a person oozing with sex appeal because of confidence (oo na, ikaw na yung latter)
When Asan si Crispin? was in the middle of performing an OPM music in this specific college event, I heard a snarky comment from a guy beside me.
"Wow, anggaling. Sobrang galing!"
Hindi ko siya kilala pero obvious na sarcastic yung pananalita niya. He was talking to the other boys beside him and they were laughing. One of them was Jomar's friend. Most of them were from the higher batch, yung iba naman mga irregular. Hindi ko lang kabisado mga pangalan nila, pero nakikita ko sila sa building.
I glanced at them and the guy recognized me.
"Uy, 'di ba ikaw yung kaibigan ni yabang?"
I raised an eyebrow. "Sinong yabang yung tinutukoy mo?"
He smirked and pointed in front. "Si Alvestir!"
Napasimangot ako sa narinig. Hindi na ako nakapag-concentrate sa pag-pe-perform ninyo dahil sa sinabi niya.
Biglang may humirit ng "Sus, galit ka lang kasi crush ng babe mo si Alex!" sabay nagtawanan yung ibang mga lalaki.
The boy showed his hand in front of them and raised his middle finger. Nagtawanan na naman yung iba.
Hinihintay kong may sumuway. Pero sa sobrang laki ata ng auditorium sa medicine building at wala yung ibang mga prof dahil busy sila sa preparation para sa performance nila, wala man lang nakapansin sa maiingay na lalaki sa tabi ko.
"Hindi mayabang si Alex!" I told him. "Confident lang siya sa sarili niya. There's a difference between being a proud bastard and a person oozing with sex appeal because of confidence. Baka ikaw, hindi mo lang ma-distinguish. He's pretty popular with girls... that's because he's definitely not a snarky loser like you."
Nag-react na naman yung mga lalaki. Pigil na pigil pa ako sa mga sinabi ko. I stood up and transferred on a vacant seat near Reina's group. Iwas ingay. Iwas gulo.
I wanted to punch him on the face. Hindi nga lang pwede dahil baka mamaya madala na naman ako sa disciplinarian's office. Ano bang problema ng mga tao? When a person is confident, mayabang na agad. Tapos kapag mahiyain, weirdo na agad! God. Minsan parang ewan lang mag-isip ng iba.
Pagkatapos ng program at bago magsimula ang next class, kinwento ko sa'yo yung nangyari.
"Ano, ayos ba yung performance?" Nakangisi mong sabi habang naka-thumbs up.
"Umm... Hindi ko na napanood ng matino eh," I honestly said.
Napakunot-noo ka. "Bakit? Sino iniintindi mo habang nasa stage kami? Nasa stage naman si Charlie, sa'n ka naman nagtititingin?"
Tumikhim ako bago sumagot. "Ayokong mabadtrip ka ha, tingin ko lang talaga kailangan mo 'to malaman. Para aware ka kung sino yung mga makikipagplastikan sa'yo o ano."
Pagkatango mo, kinwento ko sa'yo yung sinabi nung lalaki.
I was expecting you to get mad. Naisip ko na sasabihin mo "Asan na yung mga kumag na 'yon? Humanda sila 'pag nakita ko sila blahblah". Hindi ba ganun naman kapag sa mga lalaki? Yung big deal sa kanilang tinatawag na mayabang? Tapos may confrontation at may suntukan na magaganap... well, just like in action films.
Imagining you getting involved in a gang war made me nervous. Nung oras na 'yon bigla kong naisip na dapat hindi ko na lang pala sinabi. Gusto kong bawiin pero hindi na pwede.
"Hayaan mo lang sila. Tropa nila Jomar 'yun. Inaagaw ko raw kasi yung girlfriend kaya badtrip sa'kin," natatawa mong sabi bago ka biglang naging seryoso. "Teka, anong ginawa mo? Sinagot mo ba?"
Kinwento ko sa'yo yung ginawa ko at napasimangot ka.
"Bakit mo naman 'yun sinabi?"
There was an obvious disappointment in the tone of your voice and your facial expression.
"S-sorry, e kasi naman nakakainis yung sinabi niya eh! Tawagin ka ba namang yabang!"
Kami lang may karapatang lokohin at tawagin kang mayabang tuwing nag-co-confidence joke ka. (i.e. "Ang gwapo ko", "Ang sexy ko", etc.) Hindi sila, dahil hindi ka nila kilalang-kilala.
Napa-buntong hininga ka at umiling.
"Salamat sa pagtatanggol, pero sa susunod 'pag naulit pa, 'wag mo na silang papatulan, ha?"
Tiningnan kita na parang hindi sumasang-ayon. Hindi ba kapag magkakaibigan, pinagtatanggol ang isa't isa tuwing may gustong mang-api sa isa? Kahit hindi harapang pang-aapi 'yon, mali pa rin sila.
"Paano na lang 'di ba, kung pati ikaw naman bastusin ng mga 'yon? Sige ka, 'pag ikaw binastos nila, uupakan ko talaga 'yung mga 'yon," you said with a smirk.
"Sige na nga, hindi na..." Napakamot na lang ako ng batok.
Sige na. Talo na ko. Inisip ko na lang yung disciplinarian's office. Okay, fine.
"Pero salamat pa din, ha?" sabi mo bago mo ko kurutin sa tigkabilang pisngi. Tinulak naman kita. "Big girl ka na, pinagtatanggol mo na ko! Naks. Talagang sinabi mo yung oozing with sex appeal?"
Nag-init yung mga pisngi ko. Pinaulit mo sa'kin, pero hindi ko na sinabi. Dumila lang ako sa'yo at pinaglaruan yung scarf ko.
Gusto parin kita ipagtanggol kapag may masama silang sasabihin tungkol sa'yo. Kahit malabo ka, ikaw parin ang isa sa pinakamabait na taong nakilala ko. This is yet another reason why I really like you— Sabi namin ni Charlie para kang basagulerong tambay lalo kapag naka-sando ka lang... pero hindi naman talaga. Sadyang mukha lang.
BINABASA MO ANG
Ang Lexicon ni Alexi para kay Alex
Teen FictionWhen one speaks of love and relationship, it's not always in chronological order. Sometimes, it starts with A and ends with Z. Kahibangan, n. : Yung ginawan kita ng lexicon ng mga alaala na may halong pangungumpisal tapos ipapadala ko sa LBC kapag...