1

17.2K 441 9
                                    

      

        "Manong Guard?"ang bati ni Zylene sa Guard na nasa harapan ng Fontana Tower & Condominiums.

"Yes Miss?"

"Yung karatula po sa gate,available pa po ba yan?"tanong ng dalaga.

Napatingin ang guard sa dalaga mula ulo hanggang paa.

"Sino mag-apply? Ikaw?"

"Manong judgemental ka ha?"

"Aba ay bakit naman,tinanong lang kita masama ba yun?"

"Kasi up and down tingin mo Manong,isumbong kita kay Duterte taga samin yun!"

"Haha, taga Davao ka,magkababaryo tayo kung ganun saan ka sa Davao?"

"Huh? Hindi po joke lang sinusubukan lang kita Manong kung matatakot ka."nakangiting sabi ni Zylene.

"Aba wala naman akong ginagawang masama sayo ah? Ikaw nga itong nanakot baka ikaw pa isumbong ko!"

"Joke nga lang 'yun Manong."

Tumahimik ang Guard ng may bumisina na isang Black BMW sa tapat ng gate at sa gulat ni Zylene ay halos mapalundag sya.

"Gago! Walang pakundangan magbusina kala mo kanya ang buong Building."nakasimangot na sabi ni Zylene.

"Hoy! Dahan-dahan ka sa sinasabi mo hindi mo sila kilala."paalala ng Guard.

"Dont care Manong mayabang palibhasa naka-kotse. Paano po yung tinatanong ko?"

"May resumé ka ba dala?"tanong nito sa dalaga.

Napailing si Zylene. "Wala po."

"Paano ka mag-apply kung wala ka resume? Birthcertificate? Diploma?"sunod-sunod nitong tanong.

"Wala po Manong, tanong ko lang naman po kung available pa yan di ko pa naman sinabi mag-apply ako."

"Aba ay pilosopo ka rin ano, sabagay baka nagmamanman ka lang at balak mong looban ang mga Condo dito."

Nagpanting si Zylene sa narinig at salubong ang dalawang kilay na nakapamewang na humarap sa guard.

"Manong! Tingnan mo nga ang mukha kong ito? Mukha ba akong gagawa ng masama?"inis nyang tanong dito.

"Wala akong sinabi okey, at para sa ikatatahimik mo!
Ikaw magtanong sa may-ari ng Building na ito."sagot ng Guard at pinindot ang intercom.

"Yes Bismar?" tanong ng sumagot sa intercom.

"Sir may nagtatanong kung available pa yung ads sa gate tungkol sa housemaids."

"Pakisabi leave all the information paper he or she has to you, im busy now, she or he can come back tommorrow at 9am sharp,bawal ang late. Thanks Bismar."

Napatitig si Zylene sa intercom. "Ang ganda ng boses parang Dj sa radio, omg I like his voice so husky!"kinikilig na sabi ni Zylene.

"Ehem! Miss narinig mo naman sinabi ni Sir. So ikaw na bahala kung gusto mo bumalik ka na lang kapag may dala ka ng mga papel."

"Sige Manong salamat po. Balik na lang po ako bukas."

"Bawal ang late ha,galit si Sir sa mga late na tao lalo na kapag nagbigay sya ng oras."

"Sige po, pasensya na at salamat po." Paalam nya dito.

Ng makaalis si Zylene,habang naglalakad sya ay napabuntong hininga sya ng malalim, apat na buwan na sya sa Ilocos mula ng maglayas siya sa kanilang Hacienda sa Davao. Pilit kasi syang ipinapakasal ng ama sa anak ng Kumpadre nito na minsan ay hindi pa nya nakikita.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon