Chapter 30

9.2K 319 9
                                    

[A/N.....UNEDITED po ulit ito I'm sorry sa mga error ko....thank you all.....]

Pababa na sila Zylene ng kotse na kanilang sinasakyan ng dumating ang kotse ng kanyang Ama.

        "Papa!" Bigkas ni Zylene. At ng akma niyang bubuksan ang pinto ng kotse ay pinigilan siya ni Eloisa.

        "Ate sandali, si kuya William at ang pekeng ikaw." Ang sabi ni Eloisa na nakatingin sa dalawa. Napasinghap si Zylene ng makita ang pinakamamahal na binata, dumaloy ang luhang kanina pa pinipigilan ng makita niyang niyakap nito si Karen.

        "Pinapatawad na kita and I want us to get married as soon as possible, at pinapatawad ko na rin si Winona." Sabi ni Karen/Zylene.

       "Oo Love, kahit bukas na bukas din ay pakakasalan kita." Sagot ni William.

Kung nagulat ang pamilya dela Vega ay triple ang gulat ng pamilya Fontana ng ihayag ni William ang napag-usapan nila ng kasintahan.

       "Sure na na talaga ito?" Tanong ni Don Manolo.

     "Yes Papa." Masayang sambit ni William.

       "Bweno aalis na muna kami ng INYONG Mama, may mahalagang bagay lang kaming aayusin." Ang paalam ni Don Manolo sa mga anak na bakas sa mukha ang di pag-sang-ayon sa sinabi ni William.

Ng makaalis ang kanilang magulang ay tumayo si Wendell at nilapitan ang kapatid.

         "Alam mo William? Ikaw na ang pinaka-Tangang Tao na nakilala ko!" Galit na sabi ni Wendell sa kapatid.

"Ano ba ang problema nyo, bakit ba against na against kayo kay Zylene?"

"Dahil hindi siya ang tunay na Zylene!" Mariin na sabi ni Winona.

"Oh really, at last you showed up, Winona! After all these pinatawad ka na ni Zylene sa nagawa mo sa'ming anak, you still have a guts na sabihin sa'kin na she's an impostor." Sarkastikong sagot ni William sa kapatid.

"Dahil iyon ang totoo kuya! Open your eye's, kapatid siya ni Samuel na ginaya ang mukha ni ate Zylene para paghigantihan ka dahil sa pagkamatay ng totoong ama na ipinagbubuntis nya noon, hindi ka ba nagtataka? Na sa tuwing mag papacheck up siya at hinihiling mong sasamahan mo sya madami siyang alibi, para hindi ka magduda dahil she's only 4months pregnant, dahil Kung ang totong Zylene ay iyon she should be 7months pregnant!" Umiiyak na paliwanag ni Winona sa kapatid.

"You know what, all of you cut this bullshits okey,! kung ayaw nyo akong maging masaya hindi ko kayo kailangan!" Galit na sabi ni William. " and why you're all here in Davao, para ba guluhin ang kasal namin ni Zylene, sorry to all of you, no one can stop me to marry her!"

Nagmamadaling tinungo ni William ang pinto ng hotel na tinutuluyan ng mga kapatid, sa totoo lang para siyang sinipa sa dibdib ng banggitin ni Winona ang mga alibi na sinasabi ni Zylene tuwing mag-insist syang sumama dito, gulo ang isip na kinabig niya ang pinto at sa paghila niya nito ay tumambad sa kanya ang isang buntis na babae na kamukhang-kamukha ni Zylene, naumid ang dila ni William sa nakita, at ng napatingin siya sa mga mata nito ay nakita niya ang pinaghalong lungkot at saya.

"William?" Naiiyak na sambit ni Zylene. 7months without seeing him it's like 7years, she wanted to hug him tight and don't let him go, but nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan at pagtataka na halos ikadurog ng puso niya.
Tahimik na nakamasid ang magkakapatid sa dalawa, ng tumunog ang cellphone ni William ay napaiktad si Zylene.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon