Chapter 22

9K 293 9
                                    

Three months later......

Mag-isang nagbabantay si Winona sa kapatid, makaalis lang ni Tim ang kaibigan ng kanyang kuya. Ng malaman ng kanilang parent's ang nangyari nagdecide silang dalahin ito sa America, na agad na tinutulan nila Wayne. Nasaksihan pa niya ang matinding nagtatalo ng mga ito.

         "He has to stay here Ma! Nandito kami hindi namin sya pababayaan." Mahinahon sabi ni Wade kahit pa panay ang hinga nito ng malalim, senyales na naiiyamot na ito, panay naman ang hagod ni Mhitzi sa likod ng asawa.

          "Hon relax,okey." Bulong ni Mhitzi sa asawa at hinalikan ito sa pisngi. Tila naman hinipan ng hangin ang inis na namumuo sa dibdib ni Wade sa ginagawa ng asawa, kaya kinabig niya ito at mariing hinalikan sa labi ng mag umpisang humaplos ang kamay ni Wade sa likod ng asawa ay hinampas ito ng Ina.

       "Wade!! Umuwi na kayo at doon nyo ipagpatuloy yan!" Inis nitong sagot na natatawa.

      "Ang alin Ma?" Patay malisyang tanong ni Wade na ikinapula ng mukha ni Mhitzi.

        "Mga anak mo manang-mana sayo!" Baling ni Donya Wanda sa asawa.

      "Tingnan mo ito akong nanahimik nadamay!" Ungol ni Don Manolo na natatawa sa asawa. "Bakit ba, naiinggit ka yata sa mga anak natin, ay tayo na lang umuwi."

Pinaghahampas ni Donya Wanda ang asawa ng hawak na Dyaryo na ikinatawa ng mga anak. " bweno matitigas lang din naman ang mg ulo nyo, mauna na kami ng Papa ninyong  umuwi. "

        "Ingat Ma, Dad." Sabay na sabi ni Mhitzi at Rachelle at humalik sa mga byenan.

      
       "Rachelle, iha ang aga mo naman kumain ng mangga, baka sikmurain ka nyan." Puna ni Donya Wanda sa pangatlong manugang.

        "hindi po Ma, ang sarap kasi." Sagot nitong patuloy sa pag-nguya.

        "Alam na Mom." Singit ni Winona. "A new little tiny feet will come soon."

       "Omg another Fontana!?" Masayang bulalas ng Donya." Sabagay malaki na ang Twins nyo. Teka nga akala ko ba ay may kasintahan yang kapatid nyo ay nasaan?"

Natigilan sila,Winona, Mhitzi, Wade at Rachelle ." ahm, ano kasi Ma."sagot ni Winona.

         "Just like I said before, walang girlfriend yang anak mo,honey." Sagot ni Don Manolo. "Tara na at may naghihintay pa sa'kin sa Villa." Dugtong nito at nauna ng lumabas ng kwarto ni William.

        "Wala ba kayong palanong sabihin sa kanila ang totoo, malay nyo makatulong?" Suhestyon ni Mhitzi.

         "Honey, saka na si William na ang magsabi pagkagising nya, you know him ayaw na ayaw ng pinangungunahan."sagot ni Wade sa asawa na panay ang pisil sa bewang nito.

      "Mabuti na lang naagapan natin ang media, dahil kung hindi baka lalong nadali ang buhay ni William." Sabi ni Rachelle.

        "Kaya we have to be more careful. Dahil nasa paligid pa sila Samuel Aguirre at Rhaiza." Sabi ni Wade.

       "May sa pusa din ang lalaking yun, dapat tinuluyan na ni William yun eh!" Sungit ng bagong dating si Wayne kasunod ang asawa nito at si Wendell na agad lumapit sa asawa.

       "Mommy, I miss you." Sabi ni Wendell at agad na hinalikan ang asawang nangunyapit sa kanyang batok.

         "Aba! Isa pa kayo, mga mahahalay!" Awat na reklamo ni Winona sa dalawa.

        "Inggit ka lang bunso." Pang-aasar ni Wendell.

        "Hindi no!" Irap niyang tugon dito kasabay ng paghalukipkip.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon