Chapter 31

10.2K 346 18
                                    

{ A/N.....first of all.... Thank you God.... I know saying thank you is not enough, how you made me so happy and proud "my dear Readers" but gusto ko pong ulit-ulitin ang pasasalamat sa pagbabasa ng mga story ko....kahit pa boring...ang update ko.....maraming salamat po talaga... #ellamarie

Halos lundagin na ni William ang hagdan makababa lang para maabutan ang babaeng pinakamamahal. Samantala pikit matang niyakap ni Zylene ang kanyang tiyan ng gumulong siya pababa. "God please don't let something happened on us, ipinauubaya ko na po sayo ang lahat." Ang piping dasal ni Zylene at tuluyan na sya nawalan ng malay-tao. Duguan ang ulo ni Zylene at maging ang pagitan ng kanyang hita, halos magkandarapa si William sa paglabas ng pinto buhat ang kasintahan duguan, sa nanlalabo niyang mata na hilam ng luha ay nakita niya ang pagpatak ng luha ni Zylene.

"Love, patawarin mo ako." Humahagulgol niyang sabi mabilis ang kilos ni William na isinakay ang dalagang walang malay-tao sa kotseng kanyang nahagilap.

"Tabiiiiii!!!" Sigaw ni William sa lahat ng madaan! "Fuck you!!! I said move on my way!!" Ang patuloy niyang pagmumura kasabay ng sunod-sunod na pagbusina wala siyang pakialam kung minumura siya pabalik ng mga taong nadadaan niya.

Samantala, inip na inip na si Rhaiza sa likod na bahagi ng Hacienda sa paghihintay kay Karen.

"Your a fucking shit! Karen kapag ako ang inonse mo!" Gigil niyang sabi, hindi siya makapasok dahil sa mga asong naglalakihan sa likod ng Hacienda.

Ng mga oras na iyon ay magkasunod ang sasakyan nila Don Fabian Alfonso at William patungong hospital dahil nagsikip ang dibdib ng Ina ni Zylene. Naiwan si Karen na hindi makakilos sa kinatatayuan ng mga oras na yun na sinamantala ni Eloisa at Winona na hinihingal na dumating.

"Katapusan mo na Karen!" Sigaw ni Winona ng akmang tatakbo ito palabas ng maramdaman ang presensya nila.

"Kung inaalala mong, natatakot ako sa isang Fontana na kagaya mo you're wrong!" Ganting sigaw ni Karen at ibinato dito ang nahawakan na babasaging banga.

Mabilis na nakailag si Winona, may alam siya sa martial art kaya sisiguraduhin niyang hindi makakaporma si Karen sa kanya.

"Eloisa alam mo na ang gagawin mo."sabi ni Winona sa dalaga. Lakad takbo ang ginawa ni Karen para makalabas ng malaking bahay ng mga dela Vega, ngunit isang malaking pagkakamali dahil Nasalubong niya sila Ellaine at Mhitzi na agad niyang namukhaan, mabilis na hinablot ni Ellaine ang braso ni Karen.

" where do you think you're going?"matapang na tanong ni Ellaine. At binigyan ito ng isang malakas na sampal.

"Haha, kahit magtulong-tulong pa kayo, hindi nyo ako maipapakulong!"

"Ay tanga! Who said that? Of course we're not going to send you in jail." Sabi ni Mhitzi ng makalapit dito.

"That's good!" Ngising sagot ni Karen.

"Guess what kung saan ka namin ihahatid?" Nakalolokong tanong ni Ellaine.

"Sis, wait hindi natin siya pwedeng ihatid ng mag-isa, di ba? Hintayin natin ang kanyang kasama, para hindi sila maligaw na dalawa."ang sabat naman ni Winona.

Pilit na sinasakyan ni Karen ang pakulo ng tatlong babae ng mga Fontana.

" patawarin nyo ako, nagawa ko lang naman yung bagay na yun dahil, sa ginawa ni William sa aking Ama. "Ang pagmamakaawa ni Karen.

" madali naman akong magpatawad."sabi ni Mhitzi.

"Same here." Ellaine said. "Hindi ko lang alam si Winona.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon