Chapter Fourteen

11.6K 359 3
                                    

  

        "Ako!"sabi ni Peter.

       "Ako rin!"sabi naman ni Mhigz.

        "Anong ginagawa nyo dito?"sabay na tanong ni Wendell at Wade sa kanilang kaibigan.

      " masama na ba ng dumalaw sainyo, porke at may kanya-kanya na kayong pamilya?"tanong ni Peter.

      "Lol! Ibig kong sabihin bakit kayo nandito sa bahay nila kuya Wayne, bakit hindi sa bahay namin?" Tugon ni Wade.

      "Eh pare,nasaan ka ba?" Tanong ni Peter.

       "Andito kila kuya."

       "Kung andito ka at wala ka  sa pugad nyo ni Mhitzi, sinong pupuntahan ko doon, sila Manang!?" Pilosopo nitong sagot.

       "Tingnan mo itong loko na ito! Pilosopo!" Gigil na sabi ni Wade sa humahalakhak na si Peter.

       "Naligaw ka bro." Baling naman ni Wendell sa kaibigan.

       "What? May tikbalang ba dito para maligaw ako?"sagot ni Mhigz kasabay ng pag-kindat kay Winona na ikinapula ng dalaga na hindi nakaligtas sa paningin ni Wendell.

       " hoy Miguel! Manong tantanan mo yang bunso namin ha! Kala ko mo hindi ko nakita pakindat-kindat ka pang nalalaman  ha!"sabi ni Wendell matapos batukan ang kaibigan.

Samantala dahil natuon ang atensyon ng lahat kay Mhigz ay pasimpleng lumapit si Peter kay Winona.

     "Hi, pie lalo kang gumaganda ah." Bati nito na ikinalingon ng lahat.

      "John Peter Guanzon!" Nagbabantang tinig ni Wade.

      "Tssss ang OA mo pare, dati ko pa tawag yun sa kanya ah, short ng cutie pie! What's wrong with that?" Reklamo ni Peter.

      "Dati yun! Nung hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng crush at ng Love. Lumayas na nga kayong dalawa kung yang bunso lang namin ang puntirya nyo!" Mariing bigkas ni Wade.

      "Kuya ang OA mo naman!" Protesta ni Winona.

      "Okey fine, tutal itinataboy mo na ako ay wala akong magagawa, tara na Mhigz, at ang tumatandang Leon ay nagagalit." Sabi ni Peter na tumayo at nilapitan si Winona."Alis na tayo pie sungit ni kuya."sabi nitong nakangisi.

     "Hands off Guanzon!" Sabi ni Wade at hinampas ang kamay ni Peter na tawa ng tawa.

       "Bye mga kuya at ate." Dueto ng dalawa bago umalis.

Patalikod na si Winona dahil alam niyang siya naman ang kukuyugin ng tanong mg mga kapatid lalo ng ng Leon na si Wade.

      "Where are you going young Lady?" Tanong ni William.

       "Kuya!" Sabi ni Winona na pumapadyak at bumalik sa upuan.

      "Kayo talaga, dalaga yang kapatid nyo at maganda nagtataka pa kayo kung maligawan sya." Sabi ni Ellaine sa magkakapatid.

       "She can entertain anyone wag lang yung dalawang mokong na yun, babaero na, wala pang matinong direksyon ang mga isip palibahasa mayayaman." Seryosong sabi ni Wade." At lalo na yang si Peter! Winona no way! Mark my word!"

      "Whatever kuya! At kung sakaling isa sa kanila ang magustuhan ko, mas okey yun di ba? At least kilalang nyo na sila." Mabilis na sagot ni Winona.

        "Winona!" Mariing bigkas ni Wade at Wendell.

        "Bunso just listen to us, okey." Mahinahon sabi ni Wayne na sinang-ayunan ni William na walang ginagawa kundi ang lamukusin ng halik si Zylene.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon