Chapter 35

10.2K 325 17
                                    


Hindi nakapalag si Rhaiza ng  kubabawan siya ni Zylene, sinabayan pa ng pagsakit ng kanyang ulo ang pangyayari. Sabog ang luha ay walang tigil na kinalmot ni Zylene si Rhaiza sa mukha at sa leeg dahil sa tindi ng galit niya dito ay halos mapatay na niya ito.

"I told you before  hindi kita kilala, hindi mo na sana ako idinamay pa sa galit mo sa mga Fontana!"sigaw ni Zylene. "Ang dapat sayo binabasag ang mukha impostor!! Inggrata!!"muling sigaw ni Zylene. Ng akmang sasampalin niya ulit si Zylene ay sya  naman bukas ng pinto, pumasok ang  mga taong binayaran ni Rhaiza para,tulungan sya.

"Walangya ka Zylene!!"galit na sabi ni Rhaiza. ''you'll pay this!"

"Eloisa ilabas mo si Liam."sigaw ni Zylene at agad na hinarangan si Rhaiza.

"Mga bobo, wag ninyong hahayaan makalabas ang bata."bulyaw ni Rhaiza sa dalawang lalaking nakatayo sa likuran niya." habulin nyo mga tanga!!"

Hirap na hirap na lumakad si Eloisa hawak ang anak ni Zylene, malapit na siya sa pinto ng biglang may humila sa kanyang buhok. Napaigik siya sa sakit dahil pakiramdam niya ay nadala pati ang kanyang anit, muntik na niyang mabitiwan ang bata.

"Arayyyyy!! Bitiwan nyo ako."daing ni Eloisa na narinig ni Zylene agad siyang tumakbo palabas ngunit agad siyang napaluhod ng hampasin siya ni Rhaiza ng hawak nitong kahoy. Pinilit ni Zylene na bumangon kahit pakiramdam niya ay wala na syang lakas dahil sa malakas na impact ng kahoy na tumama sa kanyang likuran. Napaluhod sya sakit, hindi pa lang siya ganap na nakakabangon ay naramdaman niya anh paghila ni Rhaiza sa kanyang buhok patingala.

"Walangya ka! Bitiwan mo ako lumaban ka ng patas!"mariing sabi ni Zylene at pinipilit na tatagan ang loob, kita niya ang anak na kinuha ni Rhaiza matapos nitong bitiwana ang buhok niya ay bigyan siya ng isang malakas na sipa sa sikmura.

"Anong pakiramdam ng nag iisa Zylene?"tanong ni Rhaiza habang hawak nito ang kanyang anak.

"Parang awa mo na, ibigay mo ang anak ko."sabi ni Zylene at pilit na inaabot ang anak.

"Malaki na rin siguro ang anak ko, kung nabigyan lang sya ng pagkakataon makita ang mundo. Magandang reunion di ba kung magkita sila ng anak mo."

Kinilabutan si Zylene sa mga sinasabi ni Rhaiza, habang patuloy ng paghakbang nito pataas sa hagdan.

"Alam mo kung magbabago ka lang Rhaiza, kaya kitang tulungan at patawarin."nanginginig ang boses ni Zylene lalo pa at narating na nila ang pinakataas ng building na kinaroroonan nila, malakas ang hangin sa taas kaya lalong nangilabot si Zylene.

"Rhaiza parang awa mo na ibaba mo na ang anak ko  wala naman siyang kinalaman sa nangyari sa buhay mo he's innocent."nakaluhod na pagmamakaawa ni Zylene, lalo siyang napasigaw ng tila papel na hawak ni Rhaiza ang anak at dumungaw sa ibaba.

"Ang gusto ko sana ang mga Fontana ang magmakaawa sa'kin. Sinira nila ang buhay ko, lalo na si Wayne."sabi ni Rhaiza.

"Sila ang may kasalanan sayo bakit kailangan idamay mo kami."

"Dahil alam kong mahal ka nila."sagot nito at inihagis sa kanyang harapan ang cellphone."tawagan mo ang mga Fontana at sa loob ng dalawang oras at hindi dumating si Wayne o Wendell, magpaalam ka na sa anak mo."

Nanginginig ang kamay na inabot ni Zylene ang cellphone at tinawagan si Ellaine dahil iyon lang ang tanda niyang number.

"Hello?"bungad ni Ellaine sa kabilang linya.

"A-ate Ellaine."humahagulgol na sambit ni Zylene.

"Zylene? Nasaan ka? Anong nangyayari?"tarantang tanong ni Ellaine.

"Ate si Kuya Wayne, gusto ni Rhaiza na makita kung hindi kayo makakarating in two hours papatayin niya ang anak ko dito sa lumang palengke ng Davao City ate Ellaine please..."

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon