Chapter 34

9.3K 303 16
                                    

Pre-Finale

Mabilis lumakad ang araw, kahit anong taboy at pambabalewala ang gawin ni Zylene kay William ay tila bingi ang binata sa kanyang mga sinasabi.

"Hell I care to your reasons!!"sigaw ni William ng isang umaga ay hindi niya makita ang kanyang mag ina sa apartment na tinutuluyan  nito.''gago! Binabayaran kita para bantayan sila, anong ginagawa mong sira ulo ka!!"galit na sabi ni William sa kinuha niyang bodyguard ng mag ina.

"Boss pasensya na binigyan kasi ako ng pagkain ni Eloisa, ng maubos ko ito nawalan na ako ng malay sa paligid ko Boss."

Sinasabi na nga ba niya, that fucking Eloisa is a fake. Mabilis siyang kumilos kung iniwan na talaga sya ng kanyang mag ina ay may paraan pa agad niyang tinawagan ang mga airport na pwede nitong daanan ngunit lahat ay negative hindi pa ito lumalabas ng bansa kung ganun.

"Tim I need your help pare."bungad ni William sa kaibigan ng sagutin nito ang tawag niya." Meet me at the cafe Demitasse here in Davao City."

"What's the problem pare?" Tanong ni Tim ng magkaharap sila sa cafeteria.

"Eloisa is back the missing maid and loyal partner of Rhaiza before."panimula ni William. Napaawang ang labi ni Tim sa mga sinabi ng kaibigan dahil napalagay na sila na ang bangkay na nakita noon sa simaboh na bahagi ng mansion ay si Eloisa. Matapos isalaysay ni William ang lahat dito ay pareho silng natahimik.

"Pare, sa palagay mo saan sila maaaring pumunta?"

"I have no idea."tugon ni William at napahilamos sa sariling mukha."I can't wait to see that fucking bitch!!  I want to kill her Tim!"

"Pare relax, kung magpapadalos-dalos ka ng desisyon o kilos maaaring mauwi sa wala ang lahat. "payo ni Tim sa kaibigan.

Natahimik si William sa sinabi ng kaibigan, puno ng pag-aalala ang puso niya at isip sa kanyang mag-ina. Marahas siyang napabuga ng hangin at muling nilagok ang kapeng nasa harapan niya, naghiwalay sila ni Tim ng parehong clueless.

Samantala, nagtataka si Zylene sa mga ikinikilos ni Eloisa kaya naman hindi niya napigilang punahin ito.

''Ano ba ang problema mo, Eloisa? You look so tense?"

"It's nothing ate, I thought someone is following us.''

Nakaramdam ng kaba si Zylene sa isinagot ni Eloisa (Rhaiza). Kaya napabilis ang hakbang niya palabas ng mall hindi niya napansin ang ngiting demonyo na sumilay sa labi nito, bago tuluyang sumakay sa kotse ni Zylene si Eloisa ay sumenyas ito ng pasimple sa van na nasa likuran nila. Ng nasa kahabaan na sila ng McArthur Highway, Davao City ay nag overtake ang van na nasa kanilang likuran. Agad na nagpanic si Zylene na nasa backseat kalong ang anak.

''Mang Ben? Anong nangyayari?"tarantang tanong ni Zylene.

"Hindi ko po alam Mam Zylene."

"Baba!" Sigaw ng lalaking nakabonet kay Mang Ben. Ng hindi kumilos ang matanda ay hinampas ito ng hawak nitong baril sa ulo na ikinatili ni Zylene. Ng umaktong kakalabitin nito ang baril na nakatutok sa sentido ni Mang Ben ay nagmakaawa si Zylene.

"Please wag, anong kailangan nyo? Let him alive please."lumuluhang pakiusap ni Zylene.

"Okey, madali naman akong kausap."sagot nito at hinila si Mang Ben palabas ng kotse. "Baba! Bilisan mo."ang baling nito kay Zylene at Eloisa(RHAIZA).

Mabilis na pinaandar ng mga ito ang van ng makapasok sila Zylene sa loob, yakap niya ng mahigpit ang anak habang umiiyak. Umakto naman na natatakot si Eloisa (Rhaiza).

''Pwede ba tumahimik ka!"asik ng isang lalaki kay Zylene na ikinagulat ng huli."nakakabingi ang nguyngoy mo!"dugtong pa nito.

"Ano ba ang kailangan nyo sa'kin? Hindi ko kayo kilala at walang akong atraso sainyo.''sigaw ni Zylene.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon