chapter 17

9.2K 308 2
                                    

Maagang umuwi ng araw na iyon si William, balak niyang kausapin si Bismar tungkol sa bagong tenant na nasabi ni Zylene, dinaanan niya ito guard house at pinasusunod sa kanyang opisina.. Pagpasok niya sa loob ay naoangiti siya naabutan niya ang kasintahan na abala na nanunuod ng TV. Agad niya iyong nilapitan.

"Hi Love."bati niya dito at kinintalan ng halik sa labi.

"Hello, ang aga mo yata ngaun?"sagot nito na hindi inaalis ang paningin sa TV screen.

Napakunot ang noo ni William sa ginawi ng dalaga, inalid niya ang suot na coat at bahagyang niluwagan ang kurbata at pasimpleng umupo sa tabi ng kasintahan at marahan umakbay, ngunit bahagya itong umisod palayo sa kanya. Pakiramdam ni William ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Sisitahin sana nya ang dalaga ng tumunog ang doorbell, agad syang tumayo at binuksan ito.

"Come in Bismar."

"Salamat Sir."tugon nito at napatingin sa gawi ni Zylene." Magandang hapon, Miss Zylene.

Lumingon si Zylene dito at ngumiti."magandang hapon din Bismar, kamusta ka?"

Lalong nagpanting ang tenga ni William ng mga oras na yun, nakita naman ni Bismar ang pagkunot ng noo at pagtalim ng sulyap ni William, kaya marahan siyang tumungo, sa magkakapatid na Fontana ay pinakamabagsik ito, ilan na ba ang gwardya dinispatsa nito lalo na kapag may tiwali itong ginagawa wala itong patawad, kaya ng kumalat ang balita na kasintahan na nito si Zylene, halos lahat ay walang mangahas na basta bumati sa dalaga ng pabiro.

"Follow me Bismar." Sabi ni William at mabilis naman sumunod si Bismar. "Sit down."wika nito ng makapasok sila sa opisina.

"Sir may nagawa po ba ako?"kinakabahan tanong nito sa binata.

"May bago ba tayong tenant na hindi ko nalalaman!?"

"Ho!? Sir, inpossible naman po iyon, eh bago naman po kayo tumanggap ng tenant nag C.I pa po tayo di ba? Kaya wala po tayong bagong tenant."

Hindi na sya nagulat sa sinabi nito, ipina-review na rin niya ang mga record ng CCTV camera nya sa loob at labas ng Fontana Towers and Condominiums, maging ang bawat sulok nito, makukuha niya ang kopya nito mamayang hapon. Matapos niyang i-briefing si Bismar tungkol sa paghihigpit sa pagpapasok ng mga tao sa kanilang Building ay maingat niyang ibinilin dito na anytime na lalabas ang kasintahan ay tatwagan sya nito.

"Bismar, pinagkakatiwalaan kita kaya, inaasahan kong magagawa mo ng maayos ang trabaho mo."

"Makakaasa po kayo Sir."

"At tandaan mong mabuti ang mukha ng babaeng iyan, hindi sya dapat makalapit kay Zylene o kahit dito sa condo. Maging alerto kayo ng mga kasama mo, kilala mo ako, Bismar trabaho lang tayo walang personalan!"

"Opo, Sir. Sige po mauna na ako."paalam ni Bismar matapos ang halos tatlong oras nilang pag-uusap. Sa paglabas nila sa salas ay wala ni Zylene doon kaya naman lalong nakaramdam ng inis si William. Ng makaalis si Bismar ay dinampot nya ang kanyang coat at dumiretso sa kwarto nila ng dalaga. Inis niyang itinulak ang pinto ay doon ay nakita nya ang kasintahan na natutulog.

"Love."malambing niyang tawag dito kasabay ng pagdampi ng kanyang labi sa leeg nito.

"Hmmm."ungol ni Zylene na nagising."ano ba natutulog ang tao!"nakasimangot nitong sabi na tumalikod sa kanya.

Niyakap ito ni William at binalewala ang pag-simangot nito at pagsusungit ngunit pumalag ito at humarap sa kanya.

"Pwede ba kung ayaw mong matulog, pwes magpatulog ka!"inis nitong sabi sa kanya.

"Teka nga ano ba ang problema?, I came early para maka bonding because I know, I was so busy this past few days. So why so cold Zylene?"

Imbes na sagutin ni Zylene ang kasintahan ay tinalikuran niya ito, lumabas sya ng kwarto ngunit mabilis na sumunod ang binata.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon