2

12.9K 438 5
                                    

Lakad takbo ang ginawa ni Zylene papalayo sa lalaking naka-engkwentro. Hinihingal sya ng makarating sa kanyang inuupahan maliit na apartment.

"Bakit kasi nalimutan kong dalahin ang mga credit card ko." Inis nyang sabi habang binubuksan ang pinto ng kanyang apartment.

Agad syang dumiretso sa personal refrigerator na nabili at kumuha ng isang bote ng mineral water. Iniikot nya ang paningin sa loob ng tinitirahan dalawa ang kwarto nito at may maliit na terrace para sa bisita at isang kitchen na tama lang ang laki para sa kanya,malawak ang cr dahil nasa loob ang washing machine at drier na kanyang binili.

Nag-withdraw sya sa kanyang ATM na ipinambayad sa apartment at ipinambili ng gamit umabot ng 100 libo ang kanyang nagastos sa gamit palang sa bahay. Sa apat na buwan nyang pananatili sa Ilocos ay halos paubos na ang pera nyang dineposito sa ATM na 500 libong piso. Hindi naman kasi nya ini-expect na ganito ang kakalabasan ng lahat kaya hindi sya kumuha ng malaking pera sa banko nya sa Australia at isa pang pagkakamali nya ay ang mga personal nyang gamit ay naiwan nya sa Davao ang kanyang Australian passport at Visa ay naroon din kaya mahihirapan syang bumalik ng Australia kahit gustong-gusto na nyang bumalik doon.

Bigla syang natahimik ng maalala ang boyfriend wala itong kaalam alam sa nangyayari sa kanya, at nasisiguro nya na kapag nalaman nito ay susunod ito ng Pinas. Naisip nyang buksan ang kanyang laptop na binili at nag online sa SKPE,napangiti sya ng makitang online ang nobyo..agad syang nagmensahe dito..

Zylene: hello baby..

Steve: Zylene asan ka?

Zylene: Zylene?
(Nakaramdam ng tampo si Zylene sa pagtawag ni Steve sa buo niyang pangalan)

Maya-maya ay nakita nyang nawala ang green light na nagsasabing online ito. Ngunit nag-type ito ng message.

Steve: Nasa meeting ako,Im sorry baby..

Zylene: and so dati naman kahit nasa meeting ka di ako threat sayo, ngaun ba ganun na kaya nag chat off ka?

Steve: no baby please...presentation ito I have to focus.

Zylene: Fine: mag out na ako! GOODLUCK SA PRESENTATION MO!!!!!

Steve: please baby don't be mad.

Sunod-sunod ang mensaheng ipinadala ni Steve ngunit kahit isa ay wala syang sinagot, hanggang sa tawagan sya nito ay hindi rin niya sinasagot ang call nito sa skype at maging sa cellphone nya. Hindi nagtagal ay kusa na rin huminto sa pagtawag si Steve. Matapos nyang maglogout sa SKYPE ay binuksan naman nya ang kanyang Facebook Account. Madami syang notification at messages maya ilan rin na FR. Binuksan nya ang FR isang blonde girl na parang pamilyar sa kanya ang mukha ang naroroon na matapos nyang stalked ang account ay ini accept nya ito.

Nalibang sya sa pagtitingin sa Facebook,hanggang sa nagmaessage ang blonde girl named Stacey McKinley.

Stacey McKinley: thanks

Zylene Dela Vega: ur welcome, do we know each other?

Stacey McKinley: maybe yes,maybe not.

Zylene Dela Vega: huh?

Stacey McKinley: 2 make it short I know u and ur Bf. BTW come back here before you regret..

Naguluhan si Zylene sa sinabi ng babae ngunit ipinagkibit balikat na lang nya ito, sa daming ba naman hackers sa mundo bahala ka na sa buhay mo. Madami akong dapat unahin sa buhay ko,matapos niyang initin ang natirang pagkain ay agad syang kumain. Sanay naman sya sa ganitong sitwasyon hindi sya maarte kahit anak mayaman pa sya,ang ayaw lang talaga nya ay ang pangungunahan sya sa mga desisyon sa buhay.

Amazed By You(COMPLETED) {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon