A/N: Hindi po ako magaling na writter :) may mga typo at wrong grammar pero tingin ko naman ay maiintindihan hahaha! COMMENT lang for any violent reactions :) SALAMAT SA MGA MAGBABASA.-Kahreal.
Prologue
"Victor!!" Narinig kong sigaw ni mom.
"Aurora pwede ba!!" Pabalik na sigaw ni dad.
"Wag mo kaming iwanan ng mga anak mo. Victor kaya mo ba talaga silang ipagpalit sa sarili mong kagustuhan?!" Hindi huminto si dad sa paglalagay ng damit niya sa mga malate kahit patuloy siyang pinipigilan ni mom.
"Victor! Paano sila Victoria at Veronica? Victor wag-- please wag mo kaming iiwan." At tuluyan nang napaluhod si mom habang humahagulgol. Naglakad na papunta sa pinto si dad nang harangin siya ni Nica.
"D-dad, don't l-leave us. P-please." Sabi ng kapatid ko habang humahagulgol na rin.
Ako? Naturingan akong Panganay at Ate pero wala akong magawa. Masyado akong nanghihina. Iiwan na ba talaga kami ni dad? Yung pinakapaborito kong tao sa mundo. Bakit? Anong dahilan? Why dad?
Luhumod si dad at pinunasan niya ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ni Nica.
"Dad will never leave. Aalis lang sandali babalik si dad huh baby." Sabay halik sa noo ni Nica at tuluyan ng lumabas sa pinto.
Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko.
"Ria, V-victoria a-anak. Pigilan mo ang papa mo. He'll listen to you. S-sige na anak." At patuloy parin siya sa paghagulgol. Napatingin ako kay Nica na hindi pari tumitigil sa pag-iyak.
Agad naman akong natauhan at tumakbo papunta kay dad. Nakasakay na ito sa sasakyan niya at inisstart na yung makina nang humarang ako sa harapan ng kotse niya. Agad naman itong bumaba pagkakita saakin.
"Ria anak."
"Don't go dad." Mariin kong sabi. Simula kanina nang mag-away sila ni mom hanggang sa tuluyan siyang magdesisyon na umalis ay hindi pumatak ang luha ko. Hindi ako iiyak.
"Babalik si dad baby, Balikan mo na ang mom at kapatid mo doon."
"No dad. Ayokong bumalik ka." Nanlaki yung mga mata niya. "Kasi hindi ka aalis. Stay for us dad. Stay for mom and Nica."
"Victoria..."
"Dad, don't do this to our family." Hindi ako iiyak. Hindi.
"I'm so sorry anak. Someday you'll understand. Just go back inside. Babalikan ko kayo baby." Lumapit siya sakin at hinalikan yung noo ko. Then bumalik siya sa kotse at tuluyan nang umalis.
----
Ito po ang matinong istoryang gagawin ko (sa tingin ko) hahaha! Keep reading. COMMENT KAYO. Then Vote na din kung nagustuhan 😂❤️ -Kahreal.
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...