Ria.Hindi ko makalimutan 'yung lalaking nakasabay kong kumain sa isang fastfood kagabi. Pagkatapos niya kasing makipagpahabaan ng paliwanag ay wala na kaming imikan at parehas na natapos ang pagkain ng tahimik.
Nakita kong pagkatapos niyang ipakita ang masayahing sarili niya ay parang may naalala siya at nawala sa mood. Pasasalamat ko na rin 'yon dahil wala rin ako sa mood makipagbangayan.
Papasok ako ng gate ng campus namin ng may biglang sumingit na sasakyan at muntik pang masagi ang sasakyan ko. Agad naman uminit ang ulo ko. Hindi ba siya makapaghintay?
Nakapasok naman yung sasakyan at bara barang nagpark, sinundan ko ito at agad nagpark then agad na lumabas ng sasakyan para komprontahin ito.
Saktong pagkalabas ko ay lumabas din ito at napataas ako ng kilay.
"Hi Ria, goodmorning." Bati niya sa 'kin.
Anong Good sa morning kung ikaw agad ang nasilayan ko.
Aww, my bad. Mabigat talaga ang dugo ko dito.
"Morning din becca." Walang gana kong tugon. So siya pala ang sumingit? Sabagay mukha siyang singit.
"Oh sa 'yo pala yung sasakyan na iyan? Sorry ha? Nag-aaral palang ako magdrive. Muntik na tuloy kitang mabangga." Maamo niyang sabi.
Like duh? Alam kong sinadya mo 'yon. Bruha ka!
"It's okay. Next time just be careful." Dahil baka hindi na ako makapagpigil at banggain nalang kita kung masagi mo kahit konti ang sasakyan ko.
"Of course I will, thanks for the concern."
Gustong umikot ng mata ko ng 360 degrees. Hindi ako concern sa 'yo. Asa ka namang paglaanan kita ng oras alalahanin.
"No prob." Eh sa wala talaga akong ganang kausapin siya eh.
Nagpaalam kami sa isa't isa na akala mo matalik kaming magkaibigan. Feeling ko nga naflutter ko siya dahil sa akala niya isa rin ako sa mga nagkakandara na maging kaibigan siya. Like duh? Okay bitch mode on talaga ako lalo na kapag hindi ko feel yung isang tao. Ang dali kong makabasa kung nakikipagplastikan lang siya sakin. Kaya nga din wala akong kaibigan bukod sa kapatid ko.
Pagkapasok ko sa classroom ay siya ring dating ng prof namin. Nagtuturo siya ng biglang kumatok 'yong dean ng Business Ad.
"Yes Dr. Meneses?" Bati ng prof ko. At lumapit dito. Nag-usap sila ng kaunti at agad ding bumalik ito sa harap namin. But this time hindi na siya nag-iisa.
Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking nakasunod sa 'kanya.
It's him.
"I would like to introduce your new classmate. Haron Meneses, kindly introduce yourself."
"Hi. I'm Haron. 19, that's all thank you." Walang ngiti sa mukha niya gaya nung una ko siyang nakita. Agad din siya naghanap ng upuan. Lumabas naman ang prof namin para kausapin ulit ang dean.
Ibang aura ang nakita ko sa 'kanya ngayon ibang iba sa unang pinakita niya. Para kasi siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, Ni hindi niya nga rin ako nasulyapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/82128149-288-k901068.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...