Ria.Isang linggo ang nakalipas nang mangyari 'yung pagkakalasing ko. Sa isang linggo na 'yon ay gano'n parin kami ni Allen, magkaibigan. Nagbabatian, nagkakangitian pero hindi na nagkasabay sa lunch o nagkasama ng matagal.
Pansin ko lang din na kasama niya lagi si Becca, may konting kirot sa puso ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Sa sitwasyon ko bawal ang lalambot lambot ang loob. Feeling ko malapit ko na ring malaman kung ano ang pakay ko.
Napansin ko ring laging nakataas ang kilay ni Becca sa 'kin sa tuwing babatiin ako ni Allen pag magkakasalubong kami. Hindi na niya ako nginingitian kahit pilit at plastik na ngiti. Pinapakita na niya talagang ayaw na niya sa akin. Well pabor, atleast hindi na 'ko makikipagplastikan.
Si Haron? Ayun hindi parin pinapatahimik 'yung buhay ko.
"Victoria! Tara lunch na!" Kagaya nito, sa isang linggo siya lagi ang kasabay ko. Kahit naman kasi umayaw ako at iwanan siya pagdating sa canteen nakikitable siya kasama ko kaya definitely mukhang kasabay ko talaga siya.
Lumabas kami ng room kahit hindi pa ako umooo sa alok niya, at ang magaling na na lalaki inakbayan pa ako habang naglalakad.
"Haron!" Sabay hawi sa braso niyang mabigat pero mas binigatan niya pa ito, para na ngang nakayakap siya sa 'kin dahil nakapatong man 'yung braso sa balikat ko ang kalahati nama'y nasa braso ko nakakapit at tumatama ang ulo ko sa dibdib niya. Napapalingon tuloy samin 'yung mga dinadaanan naming tao.
"Sila?"
"O m g. Papa haron with Victoria."
I didn't knew na kilala na pala ako dito sa school. Tss.
"Silent Victoria secretly dating The great Haron?"
Wow great?! Saka anong silent? Nagsasalita ako pag kausap ko ay tao. Psh. Pilit parin akong pumipiglas pero ang meaning sa ibang nakakakita naglalambingan kami, Siya na boyfriend na mapang-asar ako Girlfriend na pikon.
Like eww?
Madamiang distraction gaya nito, hindi parin nawawala ang galit ko kay dad at sa kirida niya. Lalo na ngayong hanggang tingin lang ako sa malayo kay mom bawal ko siyang malapitan.Naramdaman kong humigpit ang pagkakakapit sa 'kin ni Haron at huminto kami. Napatingin ako sa 'kanya na nakatingin sa harap niya kaya doon nabaling 'yung tingin ko.
Napataas ako ng kilay nang makita ang nakangiting aso ni Becca sa min at kung gaano kaseryoso ang mukha ni Allen na nakatingin samin dalawa ni Haron more on sa braso ko. Agad ko itong inalis pero hindi ito pinahintulutan ni Haron.
Bwiset!
"Wow! You two look together." Tentenenen! Ang plastik magbabalik! Psh. "Kayo na?"
Bago pa kami makasagot ay nagsalita na si Allen. "Baby come on." Sabay hawak sa kamay ni Becca. Seriously baby? Eww ha!
'Yong bruha naman kilig na kilig. Napatingin ako kay Allen pero inirapan niya lang ako. At hinila si Becca. Kita ko rin 'yung higpit ng kapit niya sa kamay ni Becca. Tss!
Hindi pa sila nakakalayo nang magsalita itong sa tabi ko. Kaya napatigil 'yung dalawa at pinaharap ni Becca si Allen samin.
![](https://img.wattpad.com/cover/82128149-288-k901068.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomansaNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...