Ria.Pinaghigpit ko ang seguridad ni Nica, sinabi kong hindi pupwedeng makapasok ang ibang tao bukod samin lalo na si dad dahil araw araw ko itong nakikita hindi man bumababa sa sasakyan niya pero maghapon atang nandon 'yon.
Katulad ngayon bago ako pumasok eh nakita ko na naman ang sasakyan niyang nakapark.
Sa tingin niya ba maaawa ako sa 'kanya at kusang lalapit? Pagkatapos ng lahat ng nangyari na siyang dahilan?
Sinulyapan ko ito ng may malamig na tingin dahil nararamdaman kong pinagmamasdan niya ako. Nagpunta ako sa sasakyan ko at pumasok dito sakto namang pagbaba ni dad sa kotse niya. Napataas ang kilay ko.
Sa halos limang araw niyang pagbabalik balik dito hindi siya bumababa sa sasakyan niya hanggat hindi pa ako bumabalik. Mas lalo namang napakunot ang noo ng humarang siya sa harap ng sasakyan ko.
Kitang kita ko ang lungkot at guilt sa mukha niya, Dapat lang! Dahil kasalanan mo ito! Napalitan ng galit ang expression ko hindi ko narinig pero nabasa ko 'yung salitang sinabi niya dahil sa buka ng bibig niya.
"Ria.. Anak.."
*peeeep*
Mahaba at malakas na busina ko sa 'kanya. Hindi naman siya agad natinag at mas lumungkot ang mukha.
Sa tingin mo ba dad madadala mo 'ko sa mga paganyan ganyan mo? Lumabas naman ako agad ng kotse ng sa pangalawang beses na busina ko ay hindi parin siya umalis.
"Move. Malelate na 'ko." Malamig kong sambit.
Akmang lalapit siya sa 'kin nang magsalita ulit ako.
"Don't you dare."
"Ria.. Anak.. J-just p-please let me see N-Nica." Utal niyang salita na halatang nagugulat parin sa asta ko.
"I said move." Malamig ko paring sambit at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Victoria.."
"Aalis ka o mababangga ka. Wala akong oras sa drama. May klase pa 'ko. Kaya pwede ba? Stop acting like you really care and really want to see us when in fact you already forgot this family for your own happiness." May bahid na ng galit ang kaninang malamig ko lang na tono.
Nagulat siya sinabi ko. Nagulat siya na parang may alam ako. Anong tingin mo dad? Tutunganga ako't aantayin ang pagbalik mo?
"You abondoned this family to build another... with your mistress?" Nahihirapan kong salita pero pinagpatuloy ko parin. "Really dad?" This time mas lumaki pa kanyang mga mata sa gulat at lumaglag ang balikat at kitang kita ang pagkaguilty.
"R-Ria.. I c-can e-explain---"
"No need dad. Just go on with your life and don't act like you really care. Nakalimutan mo kami tapos babalik kang kala mo may pakialam ka talaga? Simula nung umalis ka nung gabing 'yon pinaalis na rin kita sa buhay namin." Galit at malamig kong sambit saka ko siya tinitigan ng matalim.
Galit ako. Wala akong ibang maramdaman tuwing titignan ko si dad. Naaalala ko ang paghihirap ni mom at Nica. Hindi ko siya mapapatawad.
Kita ko ang pag-iba ng expression ng mukha niya. Naging blangko ito.
"You don't know anything Victoria." Malungkot niyang pahayag.
"Sapat na 'yung nalalaman ko dad. Sapat na 'yun para huwag ko kayong hayaang maging masaya." Saka ako bumalik papasok sa kotse at malakas na nagbusina, tumabi naman na siya saka ko pinaharurot ng mabilis.
Alam kong guilty lang ang nararamdaman niya kaya siya bumalik. Para saan pa? Wag niyang ipakitang nag-aalala siya dahil walang maniniwala!
Wala na 'ko sa mood nang dumating ako sa school. At mas lalong nawala ako sa mood ng makita ang dalawang taong masayang nagtatanawan habang ako inis na inis! I know, I realized na hindi ako nahulog kay Allen it's just infatuation, Maling akala coz now I just wanted my revenge at isa siya sa mga alas ko. There's no room for my feelings here.
Napawi ang ngiti ni Allen nang makita ako, ganun din si Becca na hindi na nahihiyang ipakita ang inis sakin. Agad naman akong ngumisi ng pilit at plastik pero may pang-asar din dahil kung sira ang araw ko kailangan masira ko rin ang araw ng anak ng isang kabit.
"Thank you nga pala Last week, I wasn't able to talk to you since that day so ngayon ako magtethankyou ulit." Kasi dahil sayo nalaman kona kung sino talaga yung kaaway ko.
"Uh-uh, don't mention it Ria. You're welcome." Ngisi or more on ngiwing sabi ni Allen na halatang hindi komportable sa sinabi ko dahil nasa harap lang si Becca at naririnig ito. Sinulyapan ko naman ang huli at nakitang inis at selos ang nasa mga mata neto.
"My Boyfriend is really kind noh, Ria? He's always like that lalo na sa mga nangangailangan talaga." Bawi ni becca na alam ko namang labas sa ilong. Girl, I just read your convo with Allen. I truly know what you feel right now. And I'll provoke you more.
"Yeah, I know that. Kahit sino naman talaga magyayayang maghotel lalo na yun nalang yung choices, But no offense becca, kahit iisang room kami ay hindi naman kami magkatabing matulog." I paused and look at Allen na hindi na rin maipinta ang mukha sa hindi pagiging komportable ng usapan.
But I smile and continue, "You're lucky you have a faithful and loyal l boyfriend. Hinding hindi naaakit ng nino lang." Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ang galit at namumulang mukha ni becca.
"And you were saying you tried to seduce him? What the hell Victoria!" Di niya na napigilang hindi sumigaw na nagpatuwa sakin. Show me what you've got Rebecca!
"No! Of course not. We just talked about you and about how boyfriend he can be to you. Why are you thinking that way? I have no intention ruin your relationship with him." Well, I just lied.
"Ria, stop. We'll talk later." Sa wakas nagsalita na si Allen. Seryoso.
"What? Anong later ha? Allen? No. You talk to her now infront of me. See how rude she can be!" Medyo sumisigaw na si Becca.
"I know. She has a plan seducing you! Don't be so naive Allen!" Pasigaw niya pang dugtong. Napangiti ako.
Tama nga sila, Ang taong guilty takot sa sariling multo. I know nung una hindi niya ako kilala pero nung mapalapit ako kay Allen alam na niya kung sino ako. Alam na niyang ako yung inagawan niya at ng nanay niya ng isang masayang pamilya.
To be continued.
Another update! Enjoyyy 😘 sana may magcomment hihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/82128149-288-k901068.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...