A/N: Maraming Typo at wrong grammar. Hindi professional na author. Pero tingin ko maiintindihan naman! :) KEEP READING. Comment din for any violent reaction.-Kahreal
Chapter one.
Ria.
"Nica where are you?" Tanong ko sa kapatid ko na hanggang ngayon ay wala parin sa bahay it's almost morning.
"Just somewhere ate, having partyyyyy whooo!" I heard a loud music at kung tama ang pagkakaalam ko nasa isang bar si Nica at binaba ang tawag.
Fuck!
Sa boses niya ay halatang nakainom na siya. Or worst ay lasing na. My ghad! Nica is only 15 at hindi ito ang dapat na ginagawa niya! I grab my pouch na naglalaman ng pera at konti kong gamit. Susunduin ko ang kapatid ko. Hindi ako mapanatag.
Two months had past since na umalis si dad. At sa two months na iyon napakarami nang nangyari. Mom used to be drunk everynight. Lagi siyang nagmumukmok at umiiyak. Nakalimutan na rin niyang naiwan kami ni Nica sakanya. Nakalimutan na niya atang nageexist parin kami.
Then si Nica. She used to be a lovely and jolly teenager. Active sa school and laging may honors puro siya aral. But now? Nagrerebelde siya. Nalaman kong hindi na siya pumapasok sa school kahit na araw araw naman siyang umaalis ng bahay. Her teacher called me dahil hindi na rin makausap ng matino si mom. Lumagapak daw ang mga grades ni Nica dahil hindi na ito pumapasok. I got angry with Nica lalo na ngayong nalaman ko yung mga kalokohang ginagawa niya.
Sumakay ako ng taxi at isa isa dinial ang malalapit na kaibigan ni Nica at tinanong kung nasaan ito.
"Yes, I know that. Thankyou Kesha."
Nang malaman ko kung nasaang bar si Nica ay agad ko itong pinuntahan. Bago ako umalis ng bahay sinilip ko ang kwarto ni mom. She's still awake pero nakatingin lang sa kawalan tapos may bote na naman sa gilid niya. Ako nalang ang nasa tamang pag-iisip ngayon.
Pagkarating ko sa Vanity Club kung nasaan si Nica ay agad akong pumasok dito.
Maingay at puno ng mga taong halatang may tama na ng alak. Medyo mausok. Hindi ko firsttime makapasok sa ganito pero hindi ko hilig. And seeing a place like this hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Veronica na panay bahay at school lang ang routine ay nagawang pumasok sa lugar na ito.
I know na saming dalawang magkapatid si Nica ang mas naapektuhan sa pag-alis ni dad. Parehas kaming daddy's girl at sobrang malapit kay dad pero alam kong MAS si Nica. Kaya ngayon siya ang MAS nasasaktan saming dalawa kaya siya nagrerebelde. And seeing how she mess her life right now because of dad. May umuusbong na galit sakin. Hindi ko maisip kung anong dahilan at iniwan kami ni dad!
Habang palinga linga ako nahagip ng mata ko si Rebecca Suarez at iba niyang mga kaibigan, schoolmate ko. Sikat na sikat sa Campus. When you hear the Name Becca the word perfect ang kakambal nito. Magaling sa lahat ng bagay, Maganda at nasa kanya na ang lahat ng gugustuhin mong magkaroon sa buhay. Maraming inggit sa 'kanya but ofcourse I'm not included.
Sa tabi niya ay nakaakbay na si Allen Jestin Olivarez. Her boyfriend. Gaya ng sabi ko na kay Becca na lahat ng gugustuhin mong magkaroon. Si Allen ay si Becca, parehas sila sa lahat ng bagay. Sikat, gwapo, matalino at marami ring humahanga. Siya ang boy version ni Becca. Perfect match kumbaga.
"Ate ria! Nandoon si Nica." I came back to my senses nang magsalita si Kesha, bestfriend ni Nica. Agad naman akong sumunod sa 'kanya.
Nakita ko ang kapatid kong halos magwala na sa dancefloor. Iba't ibang lalaki ang kasayaw. Bigla namang nag-init ang ulo ko sa nakita ko lalo na nang halikan niya ang lalaking nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...