Chapter 15 (nanunukso kapa)

7 0 0
                                    



Ria.

Gusto ko man nang iwasan si Allen pero hindi pupwede, Kailangan ko ng malaman at isantabi itong nararamdaman ko na hindi dapat.

Gabi na ng matapos ang klase ko, agad agad naman akong lumabas ng classroom para hindi na ako abutan ng kupal dito.

"Victoria!"

Tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Hindi naman niya ako naabutan dahil kinausap siya ng prof namin. Hays sa wakas matatahimik na ang mundo ko.

Saktong pagkapasok ko sa sasakyan ko ay bumuhos ang malakas na ulan. Ilang beses ko pang inistart ang kotse ko pero no use ayaw niya talagang magstart! Shit!

Wala akong payong na lumabas at tinignan kung anong problema ng sasakyan ko, habang chinicheck ko ito, paonti na ng paonti ang tao at basang basa na rin ako. Pero nakaramdam ako na parang wala ng tumutulo na ulan sa kinatatayuan ko samantalang ang lakas parin ng ugong ng ulan.

"Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo!" Sigaw ng pamilyar na boses sa gilid ko.

Napalingon ako dito na nakayakap sa sarili ko habang nanginginig ang lamig lamig na kasi eh kanina pa pala ako nakababad.

Medyo may kadiliman sa lugar kung nasaan kami pero kita ko 'yung mga mata niyang iritado.

"A-Ayaw magstart ng s-sasakyan ko. D-di a-ako makak-kauwi." Utal kong sambit dahil sa nginig. Mahigpit ko namang niyakap ang sarili ko.

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at iabot ang payong doon para mahawakan ko, nagtaka naman ako sa ginawa niya pero agad din napalitan ng gulat nang hubarin niya ang kanyang polo at isuot sa 'kin. Tanging sando ang naiwan niyang suot.

Napatitig ako sa 'kanya, pero nabawasan ng pagkanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang polo niyang may natirang init galing sa katawan niya.

Fuck! Nakuha ko pang magblush?

"Come here ihahatid na kita!" Tatanggi pa sana ako pero agad niya akong hinila. Hindi ako pwedeng magpahatid sa ospital may kalayuan 'yun at magiging hassle sa 'kanya.

Pagkapasok sa kotse eh rinig na rinig namin ang malakas na buhos ng ulan dahil sa sobrang tahimik naming dalawa.

Ako kasi nag-iisip kung saan ako magpapahatid at iniisip ko rin na kung bakit sa ilang araw na halata namang iniiwasan ako ni Allen eh bigla nalang susulpot ngayon?

"N-Nasan si becca? Hindi ba baka mag-away kayo dahil sa 'kin?"

One time kasi nalaman ko sa mga chismisan na may pinag-aawayan daw silang mysterious girl na inuwi ni Allen sa bahay nila, At sa pagkakaalam ko? Ako yata 'yon.

"She trust me." Ang tanging naisatinig niya. Nanahimik ako.

Maya maya pa'y pinaandar niya na ang sasakyan niya ng walang imik. Naiisip ko ngayon na pwede kong gamiting pagkakataon ang sitwasyon para malaman ko na ang lahat.

"Saan kita ihahatid?" Bigla niyang tikhim.

"Uh-m malayo pa dito 'yun Allen. I-Ihatid mo nalang ako sa malapit na hotel do'n nalang muna ako magsstay para hindi kana mahassle."

Her Way of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon