Chapter 10 (The Feelings)

5 0 0
                                    



Ria.

Pagkarating na pagkarating ko sa ospital kung nasan si mom ay rinig na rinig ko na ang sigaw niya nang palapit na ako sa room niya. Nakita ko namang nakatayo sa harap nito si tita merinda na umiiyak.

"Victoria, iha!" Ani niya sabay yakap sa 'kin.

"T-tita what happen? Bakit hindi mapakalma si mom?!" Natatakot kong tanong.

"She was like that since she wake up kaya't ilang beses siyang tinurukan ng pampakalma at pampatulog pero its only last an hour then gigising na naman siyang ganyan. Sabi ng doctor na maooverdose siya kapag tuturukan na naman ito ng gamot kaya't mas pinili nalang nila itong awatin, Ganito na ang eksenang naabutan ko ng tawagan ako ng doctor dahil hindi ka raw macontact."

Inis ang tanging naramdaman ko sa sarili ko dahil kung kailan ako kailangan ni mom ay doon pa ako wala. Sana pala hindi nalang ako nagpunta ng clinic para hindi ako nakatulog at nasagot agad ang tawag ng doctor.

Humina ang ingay sa loob, hindi kami pinapapasok dahil nung magtangka si Tita merinda ay mas lalong nagwala si mom.

Maya maya pa'y nagsilabasan ang mga nurses na nagpakalma kay mom at isang doctor.

"Ms. Alegre?" Tawag sa 'kin ng psychiatries.

"Yes doc."

"We'll talk."

Parehas kaming sumunod ni Tita merinda sa opisina ng doctor.

"Tatapatin ko na kayo. The patient is already in a critical situation. Nung mga nakaraan akala ko tuluyan na itong gumagaling lalo na 'yung mga panahong hindi kayo nakakadalaw. Nakakatulong ito sa paggaling niya. But one night nakita niya 'yung picture frame na nasa gilid ng kama niya nagsimula na siyang maging ganito. At first, naaagapan pa but later on ganito na ang nangyayari."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa mga narinig ko.

"A-anong gagawin namin doc? Ano ng mangyayari kay ate?" Naluluhang tanong ni Tita.

"As of now siya ang mas imomonitor namin dahil sa nakakita kami ng mga basis na malapit na siyang gumaling pero nagkaroon ng distraction dito. And kayo 'yun iha." Sabi ng doctor sabay baling ng tingin sa 'kin.

"What do you mean doc?" Nanginginig ang labi ko ng magsalita ako.

"It means, kayo ang dahilan ng pagwawala niya. For the mean time hindi kayo pwedeng magpakita sa 'kanya kahit man lang sa picture kung hindi, hindi na maaagapan ang pagkasira ng kanyang pag-iisip and worst tuluyan na niya kayong makalimutan."

Nanginginig ang aking mga kamay habang nagmamaneho ako, sinabihan ko si tita merinda na dumaan muna sa ospital para tignan si Nica dahil may dadaanan ako kahit sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako patungo.

Ang sakit.
Ang sakit marinig na may posibilidad na hindi na gumaling si mom at tuluyan kaming makalimutan.

"AAAHHH!" Sigaw ko sabay hampas sa manibela ng itabi ko ang sasakyan ko dahil sa nanlabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang tuloy tuloy na pumatak.

Masakit isipin na nangyayari ito samin. Na nangyayari ito kay mom. She doesn't deserve this. Hindi siya masamang ina at babae para parusahan ng ganito.

Kinasusuklaman kita dad! Hindi ko alam ang magagawa ko sa 'yo sa oras may mawala isa man kala mom at Nica.

Kailangan ko ng malaman ang lahat. Kailangan ng may sumalo lahat ng sakit na nararamdaman ng pamilya ko. Hindi namin ito deserve. Hindi dapat to nangyayari. Mom, I'm sorry. Wala akong nagawa para maprotektahan kayo ni Nica. I'm useless.

Nang humupa ang mga luha ko ay napagisipan kong pumunta sa isang club. I need to forget just this once.  Gusto kong makalimutan muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.



Allen.

Hindi sana ako sasama sa pagyaya ng pinsan kong si Gwen sa birthday niya dahil hanggang ngayon na iisip ko parin si Ria. Hindi ko siya macontact dahil wala naman pala ako ng cellphone number niya! Wala rin akong mapagtanungan na kaibigan dahil wala siyang gano'n.

Pumayag na rin ako para matauhan ng alak itong pag-iisip ko. Hindi dapat ganito. Mali itong inaakto ko. Mali. Maling mali.

"Wooh! Kuya Allen why so serious?" Puna sa 'kin ni Bria, Isa ring pinsan ko. Dahil sa nakatulala lang ako at malalim ang mga iniisip.

Ngumiti nalang ako ng konti sabay inom ng alak na nasa harap ko. Wala dito si Haron at hindi ko rin inivite si Becca dahil alam kong nagtatampo sa 'kin yon nang iwanan ko siya kanina.

Noong lumapit sa 'kin si Ria kinabukasang pagkikita namin ulit pagkatapos ng halos anim na buwan. Nagulat ako, iba kasi ang approach niya sa 'kin noong nasa Mall kami. Pero I used that opportunity na makilala niya na ako. Nung una nagpanggap pa akong ni pangalan niya hindi ko alam kasi baka mag-isip siya kung paano ko siya nakilala.

Pagkatapos kasi nung mangyari sa club at hinatid ko siya sa ospital kung saan sinugod 'yung kapatid niya ay hindi ko na siya nakita. Kinabukasan sinubukan kong dumalaw sa ospital pero sinabing inilabas na ang pasyente at hindi rin pwedeng dumalaw lalo na't hindi kamag-anak. Nagbakasakali pa ako ngunit wala rin.

Nang malaman ni Becca na nakikipaglapit na ako kay Ria ay nagalit siya to the point na makikipaghiwalay na sana ulit siya pero natigilan siya ng wala man lang akong ginawang pagpipigil sa 'kanya. Ewan ko ba nung mga oras na 'yon ang ang tanging nasa isip ko lang ay ang mas mahalaga ngayon ay nakilala na ako ni Ria at hindi ko hahayaang masayang 'yung pagkakataon na 'yon para mas mapaglapit kami sa isa't isa.

Don't get me wrong. I love Becca so much not just until Ria came, I got confused pero mas pinili ko paring ang tama, ang mahalin si Becca at ayun nga ang nangyari but right now, Pakiramdam ko iba na ang pipiliin ko.

Sa pagmumuni muni ko ay may nahagip akong babaeng sumasayaw sa gitna ng dance floor. Halatang halata na lasing na lasing na ito kaya't sinasamantala ng lalaking kasayaw nito ang hipuan siya.

It's Ria.
Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala kung nasaan siya nandito lang siya. Agad nag-init ang ulo ko kaya't agaran din akong tumayo para hatakin siya palayo sa lalaking gusto kong basagin ang mukha.

Akmang maglalakad na ako papunta kay Ria ng may kumapit sa pulsuhan ko. Paglingon ko nakita ko ang halatang galit pero malungkot na mukha ni Becca habang umiiling.

Ilang segundo rin akong nahinto. Anong ginagawa niya dito? Naghilayawan kaya't naagaw ang atensyon ko at nagdilim ang paningin ko sa nakita ko.

That guy is already Kissing Ria!

Wala na akong pakialam sa taong nasa paligid. Agad kong piniglas ang pagkakahawak ni Becca sa 'kin nakita ko pa ang pagtulo ng luha niya, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay mahatak si Ria sa tabi ko at basagin ang mukha ng lalaking humalik sa 'kanya.

To be continued.

Her Way of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon