Ria.Nagmulat ako ng mata at kinusot ito sabay bangon sa hinihigaan ko. Fuck! Sobrang sakit ng ulo ko!
Wait--
Agad kong iginala ang paningin ko at agad ding nanlumo nang makitang wala ako sa room sa ospital ni Nica. Oo nga pala, I got drunk myself last night like there was no tomorrow!
Oh God! Where I am? Napatingin din ako sa suot ko at halos malaglag ako sa kamang kinauupuan nang makitang ibang damit na ang suot ko and worst! Panlalaki ito.
Agad agad akong napabangon kahit na parang binibiyak ang ulo ko. Hinanap ko agad ang mga gamit ko kagabi pero wala akong nakita kung hindi lampshade sa gilid ko. Napalibot ang mata ko at narealized na talagang nasa kwarto ako ng isang lalaki.
This can't be happening! Anong nangyari?
May nangyari ba kagabi?!
Agad akong napatingin sa ibaba ko at pinakiramdaman ito, tanging ulo ko lang talaga ang masakit kaya kahit papaano ay nakahinga ko ng maluwag.Napaigtad ako ng may magbukas ng pintuan at nakangiting tumingin sa 'kin.
"Iha, gising ka na pala. What are you doing? Dapat nagpapahinga ka lang I know your head is in pain right now." Maaliwalas at mahinahon niyang sambit.
Babae ang nagsalita at sa tantya ko ay nasa mid 40's na ito pero batang bata parin ang itsura. Parang si mom lang. Pamilyar ito kahit na sa tingin ko'y unang beses ko palang siya ngayon nakita.
"Sino po kayo? Asan ako?" Nagawa ko pang gumalang dahil nasa aura niya kasi ang kakaibang sigla at the same time authority.
"I'm Alicia, nandito ka sa bahay ko, Actually sa kwarto ng anak ko." Nakangiti na naman niyang sambit. Parang may kamukha siya hindi ko lang mawari kung sino.
And Alicia? Pamilyar ang pangalan.
Wait--
"Mom!" Tawag ng isang pamilyar na boses dito sa babaeng nasa harapan ko. At nanlaki ang mga mata ko sa nakitang tao na pumasok.
"Why son?"
"Sabi ko sa inyong hayaan nyo muna siyang magpahinga wag niyo munang gisingin!"
It's Allen at sinabi niya iyon dahil hindi niya pa ako nililingon.
So that explain why na parang may kamukha siya at Pamilyar ang Pangalan niya.
It's Alicia Olivarez. Allen's mother. And another wait---
It means hindi ito 'yung akala kong kabit ni dad?! Dahil ang layo ng itsura nito dito, itsurang may class at alam mong hindi magiging mistress kailanman.
"Son, she's already awake." Sabay baling sa 'kin ng mom ni Allen at tinuro ako gamit ang kanyang nguso.
Napaigtad din si Allen pagkakita sa 'kin pero agad napalitan ang pagkakagulat niya ng inis na reaksyon.
Napakunot noo naman ako habang inaaalala ang mga nangyari at kung bakit ako narito ngayon?!
I'll get myself drunk this night, sunod sunod ang pag-inom ng iba't ibang alak na hindi ko na alam ang pangalan.
After an hour nang maramdaman ko ang tama ng alak sa sistema ko ay tumayo ako kahit na pagewang gewang na. Matutumba na sana ako ng may sumalo sa bewang ko.
"Are you alright miss?" Narinig ko pang sambit ng lalaki.
"Yes ofcourse." Sagot ko at kitang kita ko ang pag ngisi niya, ibang klaseng ngisi. Halatang mangmamanyak pero wala na ako sa tamang wisyo para bigyang pansin ito.
"Oh, so let's dance." Sabay akay sa 'kin papunta ng dance floor.
Wala akong ibang marinig kundi ingay ng music at dahil doon ay malaya akong napapaindak. Giling dito giling doon kahit na nararamdaman kong kung saan saan na dumadapo ang kamay ng kasayaw ko.
Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at nagsalita. "I'm Alfred you are?"
"What? You're Allen? Oh why are you here?!" Masayang sigaw ko dahil sa alak na rin ay biglang nagiba ang mukha ng kasayaw ko at napalitan ito ng mukha ng nakangiting Allen.
Napangisi naman ako kahit na may sinasabi pa siyang hindi ko maintindihan. "Hey, you are?" Malandi niyang tanong at mas lalong idinikit ang sarili sa 'kin.
"I'm Victoria, remember Allen. I know you know me." Malandi ko ring salita, napangisi na naman ang nasa harap ko at bahagyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"So you're victoria. And also You are so hot." At tuluyang inokopa ang labi ko, hindi ako pumalag lalo na ng marinig ko ang hiyawan sa paligid. In my mind I'm enjoying this kiss because I'm kissing Allen.
Pero hindi pa nagtatagal ang halik ay bigla namang may humila sa 'kin at inilagay ako sa likuran niya pagkatapos ay sinapak 'yung lalaking kahalikan ko kanina.
"Don't you dare to kiss something you don't own! Fuck!"
Dalawang Allen ang nakikita ko, isang nakahandusay sa lapag at Isang galit na galit na nakatayo bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.
Napahawak ako sa bibig ko nang maaalala lahat ng nangyari kagabi. Hindi ko rin namalayang nasa harapan ko na pala si Allen at nakaalis na ang mom nito.
"What do you think you're doing last night Victoria?!" Nakakatakot na tono ang ginamit niya kaya napaatras ako.
And this is the first he called me by my full name. It sounds heaven at the same time hell because of his anger.
But Ria, wag kang magpasindak.
"Partying." Balewala kong sagot nang matauhan.
Mas umigting ang panga niya at mas lumapit sa 'kin. This time hindi ako umatras at sinalubong ang mga mata niyang punong puno ng galit.
"And enjoying kissing random guy?" Sarcastic niyang sabi.
Fuck you. I thought it was you!
"Bakit bawal b-ba?" Napautal ako dahil napatingin ako sa labi niyang mapupula at feeling ko malambot ito.
Fuck Ria?! What the hell is happening to you? Hanggang ngayon pa ata ay lasing ka parin. Bakit ka nakakaramdam ng pagnanasa kay Allen? God!
Mas lumapit siya sa 'kin and any move magdadampi na ang aming mga labi.
Hindi siya nagsalita pero nagtitigan kaming dalawa mata sa mata kaya't nakita ko ang brown na brown nitong mga mata na maamong maamong tignan taliwas sa pinapakita niyang bagsik ngayon.
Humakbang ako ng isa patalikod para magkaroon ng space sa pagitan namin dahil hindi na ako makahinga pero isang hakbang palang naramdaman ko na ang pader at paghawak niya sa pulso ko sabay taas nito.
Unti unti niyang inokopa ang konting space na ginawa ko at inilapit ang mukha sa tenga ko bago siya magsalita. Ramdam ko ang kiliti gawa ng hangin na lumalabas bawat salita niya.
"Bawal. Victoria. Bawal."
To be continued.
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...