Happy 72 Reads guys! Keep reading lang mwah! 😘 -Kahreal.Ria.
Pagkatapos ng kwento ni Allen sa 'kin ay bumalik kami sa kanya kanya naming klase, naabutan ko namang nakapangalumbaba at matalim ang titig sa 'kin ng katabi ko sa upuan.
"What?" Iritado kong tanong. Sa mga narinig ko kay Allen parang nairita na ako dito kay Haron lalo na't isa rin pala itong naghabol kay becca.
"Tss." Iniwas niya lang ang tingin niya sa 'kin at bumaling na sa white board sa harapan.
Hindi ko nalang pinansin, sira ulo ata to. Hindi ko naman inaaano.
"Close talaga kayo ng lalaking 'yon?" Bigla naman niyang imik sa kalagitnaan ng pagtuturo ng prof namin.
"Paki mo." Mahinang bulong ko din.
"May girlfriend 'yung tao!" Mahina na naman niyang imik pero may diin sa tono niya.
Hah! Yun ba ang inaalala niya? Na baka agawin ko si Allen sa pinakamamahal niyang Becca? Tss.
"Alam ng buong mundo. Tss!" Ani ko sabay irap sa kawalan.
"Alam mo pala pero mukhang nilalandi mo pa 'yong lalaki." Imik niya na nakapagbaling ng atensyon ko sa 'kanya. Tinignan ko ang mukha niyang nakatutok parin sa harap.
Nainis, more on nainsulto ako sa sinabi niya. Wala pa nga akong ginagawa nanlalandi na? Bwiset talaga tong nilalang na 'to palibhasa insecure sa sarili niyang pinsan dahil na rin na si Allen ang lagi kong sinasabayang maglunch.
"Simula ngayon wag mo na akong kakausapin o papakialamanan kung sino ang sinasamahan ko!" May diin sa bawat salita ko. Saka ako tumayo at naglakad papunta sa prof namin ngayon na hindi na nagtuturo.
"Mam! Can I excuse myself? I'm not feeling well, kanina pa po ako nahihilo." Sabi ko dito.
Pinayagan naman ako at binigyan ng passes para makapunta ako ng clinic samantalang hindi ko naman na tinignan 'yong kupal. Kahit na ramdam kong nakatingin siya sa 'kin hanggang makalabas ako ng classroom.
Totoong dumiretcho ako ng clinic, Ewan ko ba talagang nawalan ako ng gana dahil sa hinayupak na 'yon. Nahiga ako sa maliit na higaan sa loob ng clinic na ito, Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nakaramdam ako ng marahang pagtusok ng daliri sa pisngi ko.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.
"Tss, wag mo 'kong kausapin di tayo close."
Isa na namang pamilyar na boses.
Dahan dahan kong idinilat 'yung mata ko ng may makita akong isang mukhang halos magkadikit na kami. Malabo pa ang naaaninag ko dahil na rin sa inaantok pa ako ng konti.Nang tuluyang lumiwanag na ang tingin ko, nakilala ko na rin ang taong nasa harapan ko.
"Fuck---" sa gulat ko ay muntikan na akong malaglag sa higaang pang isang tao lang talaga at kailangang payat ka pa para hindi ka mahulog, kaya naman konting galaw mo lang malalaglag kana.
BINABASA MO ANG
Her Way of Revenge
RomanceNang iwan sila Victoria ng kanyang Ama, maraming nangyari sa pamilyang hindi maganda. Sumiklab ang galit nito sa kanyang ama na nauwi sa paghihiganti sa mga taong involve at naging dahilan sa mga naranasan niya. Pero sa di inaasahan 'yung taong gi...